Tinungo namin ang HQ kinabukasan, nakaramdam ako ng excitement at natatakot din ako. Ang weird din ng araw na 'to, hindi kasi matanggal-tanggal ang ngiti ni Zachary sa labi niya. Sabay naman kaming nagising kahapon dahil hindi ko namalayan na tuluyan talaga akong nakatulog. May meeting din siyang pinuntahan kahit na gabi na. Pagkabalik niya todo ngiti na, sabay din kaming natulog kagabi. Malumay at malambing ang boses n'ya habang kinakausap ako. Ang weird lang kasi... Ngayon nakasakay na kami sa isang mamahaling van. Ngayon walang iyong mga tauhan dito, isang driver lang at Lili na nasa harapan tapos kami ni Zachary na nandito sa likod. Tahimik lang ang buong byahe, p'wera lang kapag may tumatawag kay Zachary at seryoso naman n'yang sinasagot. Pero kapag kaharap ko siya parang kuting na