Hindi ako magsisinungaling, ramdam ko may parte na sa puso ko si Zachary. Natatakot ako kapag may mangyayari sa kanya sa tuwing aalis sila ay may mangyayari. Natatakot ako kapag natamaan siya o nasaktan. And I hate that feeling! "Bakit ka naman maliligaw? Magkalaban tayo diba? I'm from Red Bullet and you're from FGA." "Kalaban ba ang turing mo sa 'kin?" Napahinto ulit ako sa tanong niya. I wanted to curse so loud. Maging ako hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ewan, hindi ko talaga alam. Hindi ako makapagsalita, yumuko na lang ako. Dinig ko ang pagbuntonghininga niya at dahan-dahang kinuha ang kamay ko. He caress my hand and my freaking heart is a traitor! "Just try Clara, kapag hindi nagwork pwede mo naman akong...iwan." aniya kaya napatingin ako sa kanya, "Simula nang nakatapak