Kabanata 6 Training Napatalon ako sa aking kinauupaun nang marinig ang sunod-sunod na putok mula sa labas. Natigil ako sa katitig sa kamay ni Zachary at naalarma. Sabay kaming napatayo at nagkatitigang dalawa. Kaagad niya akong sinakop at nilisan namin ang lugar. Napahawak na lang ako sa damit niya habang naglalakad kami. "What's happening?" matigas na tanong ni Zachary sa isang tauhan nila. "Si Boss Garcia at mga tauhan niya, pinapalabas kayo. Hindi namin pinapasok dahil sa bilin mo kaya nagpaputok sa labas." sagot ng lalaki. Kita ko kung paano umigting ang panga ni Zachary sa balitang narinig. Ilang mura ang pinakawalan n'ya bago ko naramdaman ang mahigpit na paghawak n'ya sa beywang ko. "Get inside your room, Clara. Don't go out and stay inside. H'wag na h'wag kang lalabas hangga'