I felt my heart stubbed with knife because of what he said. Hindi ko alam kung saan hinihugot ni Clyne ang galit niya sa ama. Ni wala akong narinig sa kanya na galit siya kay Cole. Nagtatanong siya dati pero hindi ko naman sinasagot iyon, kaya wala din naman siyang alam. "Paano ka pala naging Daddy namin? Hindi naman magkakulay ang mata natin?" inosenteng tanong ni Clone, kanina lang ay ayaw na ayaw niyang kausapin si Cole. Umupo si Cole sa stool at hinarap si Clone. Kinuha niya ang isang contact lens na suot at pinakakita kay Clone ang tunay niyang mata. Kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Clone sa ginawa ng ama niya. "Astig!" aniya pa. "Bakit ka ngayon naging mabait sa kanya Clone?" kanina ko pa kasi nahahalata eh, kanina ayaw na ayaw niya talaga. "Sabi ni Doc, bawal daw magalit sa