Kabanata 19 Time Pagkarating namin sa harap bahay kita ko kung paano umalis si Clone sa kandungan ni Cole at pumunta sa akin. Yakap-yakap ko si Clyne na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin, sa kanilang dalawa ni Clone. Si Clyne iyong palaban pero mahina ang katawan, mabilis siyang dapuan ng sakit. Kaya sobrang hands-on ko talaga sa kanila, kaunting daing lang naalarma na ako kung ano ang nangyari sa kanila. Medyo may kalayuan kami sa syudad kaya may private doctor kaming tinatawagan na kaibigan ni Jonas. Naunang bumaba si Cole at tinignan ang paligid bago niya kami pinababa. Hinawakan niya si Clone ngunit suplado niya iyong tinapik ang kamay ng ama. I heard Cole sighed. Nang tuluyan nang makababa si Clone ay sumunod ako. Hinawakan ako ni Cole dahil hawak-hawak ko pa rin si Clyne. Hi