Naistatwa ako nang makita ang inosenteng mukha ni Clyne, hawak-hawak pa niya ang floater niya. Lumayo ako nang kaunti kay Cole at mabuti naman ay alam niya ang pinapahiwatig ko at kumalas siya ng pagkakayap. Dumating din si Clone na hinihingal, enjoy na enjoy sa kanyang paglalangoy. Inabot niya kay Cole ang floater na dala niya at umupo sa buhangin. "May sasabihin ako sa inyo..." kuha ni Cole sa atensiyon ng dalawa. "You like my Mommy, Mister?" pambabawala ni Clyne. Tumango si Cole dahil doon ay humagikgik si Clyne na para bang kinilig siya. Umupo din si Cole para magpantay silang tatlo. Muling kumurot ang puso ko habang nagkakatitigan sila. Nakangiti si Clyne at si Clone naman ay nakatingin lang kay Cole. Bumubwelo naman si Cole sa sasabihin niya sa kambal. "I-I'm...your D-Daddy...C