Kita ko ang pag-iling-iling ni Clyne. "Mommy, ayaw ko pong umuwi. Sabi mo saturday at sunday tayo diba? May isang araw pa po." Si Clyne. "Ako rin Mommy, ayaw ko pong umuwi." Si Clone at yumapak pa sa beywang ko. "We need to go home." patapos na sabi ko at tumingin kay Jonas. Muli sana siyang magsasalita nang may tumawag sa kanyang cellphone. Kaagaran siyang nagpaalam at iniwan na kami ng gago sa harapan ni Cole! Walanghiyang Jonas! Makakatikim talaga ng lalaking 'yon sa akin! "Hi Mister! Diba friends kayo ni Mommy? Pwede niyo po ba siyang sabihan na huwag na po muna kaming umuwi? Gusto ko pa po magswimming." Clyne asked Cole before she frown. At talagang nagpapaawa pa siya! Iba talaga pagiging best actress ni Clyne, magaling siya sa lahat. Dumungaw sa kanya si Cole at binuhat. Ang