KABANATA 1

1029 Words
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa suot kong maiksing tube dress na halos kaunting tuwad ko lang ay kita na ang kuyukot. Hindi ko talaga ito isusuot kung hindi sa pangangailangan. Para sa anak mo Betty. "Ready ka na ba ne?" Napatingin ako kay Jevie na sanay na sa ganitong kalakaran. Maganda ang aking pinsan pero pinasok niya ito dahil easy money daw. Gusto niya asenso agad. Balewala ang dignidad niya para sa malaking pera. Nahihiya akong yumuko at tahimik na tumango. Nahihiya ako sa sarili ko dahil dati akong humuhusga sa kaniya pero ano napala ko? Una pa akong nagkaanak sa kaniya at hindi lang iyon, hiningian ko pa siya ng tulong at naandito ako sa trabaho niyang hindi ko lubos maisip na gagawin ko. "Kalma ne. Hindi pwedeng kabado a!" Tinapik niya ang aking balikat. Tinanggal niya ang kamay kong panay ang baba sa laylayan ng bestida ko. "Tigil, kailangan kitang kita 'yang legs mo Betty. Tama na ang pag-iinarte, natira ka na naman na" Pigil ko ang samaan siya ng tingin. Totoo naman 'yon. Masiyado akong nabaliw sa pag-ibig noon kaya naibigay ko tapos no'ng may mabuo, ang putang*na, hindi na nagpakita. Pero past is past. Hindi na para balikan ko pa ang mga ganoong tao. "Ready na ako Jevie. Makakapagbayad ako sa hospital bills tulad ng sabi mo ah? Kapag hindi talaga, scam ka!" Giit ko. Ginawa ko lang naman talaga pumasok sa ganitong kalakaran para kay Kokoy, ang aking anak na nasa hospital ngayon dahil sa dengue. Ilang araw na kami sa hospital, lumalaki na ang gastos namin sa hospital bills at gamot niya. Kailangan kong rumaket para magkapera. Hindi sasapat ang pagtitinda ko ng umagahan sa umaga sa pantustos. "Basta ne..." tinapik niya ang aking balikat at iginiya ako paikot ng mamahaling bar. "...pumili ka ng mukhang yayamanin be. Maganda 'yong mga politiko o kaya businessman. Tingnan mo iyon" tinuro niya ako sa isang malaking lalaki na balbas sarado at kumikinang na ang ulo dahil wala ng buhok. Ngumiwi ako. "Ayan. Mukha iyang mayaman" "Hindi ko gusto Jevie. Anong klaseng lalaki naman 'yan e ang pangit pangit!" "Tungeks" hinila niya ang buhok ko. "Akala ko ba lunok pride ka? Babayaran ka niyan!" Hindi ko ata kaya 'yon. Sa tulad ng matandang lalaking iyon ako magpapakarat? "Ay basta ikaw ang bahala. Ikaw naman ang kikita. Basta huwag ka papabayad ng maliit na halaga. Maganda ka Betty, huwag mong ibababa ang sarili mo. Hindi porket katawan natin ang binebenta natin ay tatapaktapakan tayo. Marunong ka naman mag bj? tsaka gumiling?" "Oo. Kaya ko" ginawa ko naman iyon lahat sa putanginang ama ni Kokoy. "Oh siya maiwan na kita. Tatarget na din ako ng boylet" Ayoko pa siyang pakawalan pero hindi naman pwedeng nakadepende ako sa kaniya at kailangan niya ring kumita. Hindi ko mawari kung paano niya nasisikmura ang makama ang ganoong kapapangit na lalaki. Pero kung kaliangan ko ng pera, lunok pride na lang talaga. Kita naman sa mga mamahaling brand ng gamit ni Jevie ang nagagawa ng lunok pride. Inilibot ko ang mga mata sa paligid upang maghanap ng lalaking masisikmura kong ibigay ang katawan ko. Siyempre, mas gugustuhin ko na makisig at may itsura ang makakama ko ngayong gabi. Hindi ko naman ito panghabang buhay na gagawin. Kailangan ko lang ito pangtustos ng gamot at hospital bills ni Kokoy. Sa aking paglilibot, napako ang titig ko sa isang lalaki na ubod ng kisig. Masasabi kong isa siyang depinisyon ng tall,dark and handsome. Naka top knot ang kaniyang buhok. Makapal ang kaniyang mga kilay, matangos ang ilong, mapaglaro at ngumingisi ang kaniyang labi tuwing ngumingiti. Kumikinang at tila sumasabay sa ilaw ang kaniyang hikaw sa kanang tainga. Ang kaniyang postura ay kagalang-galang. Nakasuot siya ng isang puting button up sleeve at itim na slacks. Kulay brown na leather ang kaniyang sapatos at tingin ko ay ginto ang suot-suot niyang kwintas at singsing. Hmmm…target lock! Lumapit ako sa banda ng lalaking target ko. Habang naglalakad, umiisip na agad ako kung paano ako bwebwelo. Kumuha ako ng isang alak sa dumadaang waiter at nang malapit na ako sa kinaroroonan ng target ko, nagsimula na ang aking pag-arte. “Ay p**e ni marie!” Aking sambit nang nagkunwarian akong natapilok at maihagis ko ang baso ng alak sa target kong lalaki. “Ay puta!” Sambit ng binatang target ko na napaatras dahil basang basa ang kaniyang polong puti. Kitang kita ang mantsa no’n. Sapol! Mission 1 accomplish! “MISS NAMAN!” Gulat na sambit ng gwapong binata. “Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ‘to ah?” Tinuro niya ang polo. “Patay ako nito!” “Hala” umarte akong gulat. “Sorry talaga! Hindi ko naman sinasadya. Natapilok ako!” Natataranta akong lumapit sa kaniya. Inilagay ko ang kamay sa kaniyang nabasang dibdib. Oy infairness, ang tigas at mainit. “Sorry talaga. Sobrang laki ng mantsa!” pinagapang ko ang kamay ng banayad at nakakakiliti sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang biglang pagtayo ng ayos ng lalaki na ikinangisi ko. Tumikhim ang binata. “Anong ginagawa mo Miss?” Lumingon ako sa lalaki at nadatnan ko ang pamumula ng kaniyang pisngi hanggang tainga. Gumagana ang pang-aakit. “Sorry talaga pogi. Hindi ko sinasadya na mamantsahan iyang damit mo. Kung gusto mo, punta tayo sa place ko tapos lalabhan ko lang saglit” binasa ko ang labi bago dahan-dahan kong nilapit ang katawan ko sa kaniya. “S-sige. Mukhang ayos ‘yan” kinagat ng binata ang labi.. “Huwag ka mag-alala pogi…” pinalandas ko ang mga kamay sa kaniyang panga. “Sinisiguro kong ayos ang serbisyo ko” aking sambit at nanggigigil kong pinisil ang kaniyang pisngi. “s**t. Jackpot ang puta” Rinig kong bulong niya bago biglang pumulupot ang kaniyang braso sa aking bewang. Nahigit ko ang hininga. Aba, agresibo naman pala ang poging ito. “Siguraduhin mong maayos ang serbisyo mo miss beautiful ha? Para naman worth it ang gabing ito” binasa ng lalaki ang kaniyang labi. Napalunok ako dahil tila ako’y naakit din sa kaniyang ginawa. “Oo naman pogi” nakakaakit akong ngumiti. “Sisiguraduhin kong liligaya ka ngayong gabi” Kumindat ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD