Chapter 1

1043 Words
Penelope Eleanor Hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng luha ko habang nakamasid sa dalawang kabaong na nasa aking harapan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang pagkamatay ng dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Ang mga tao sa paligid ko ay tahimik lamang na nakamasid sa akin. Ang iba ay maririnig na ang mahina nilang pagluha at ang iba naman ay nakatitig lamang sa akin na may nag-aalalang mukha. Thirty minutes na ang nakalipas subalit hindi ko pa rin hinahayaan ibaon sa lupa ang dalawang puntod. No, hindi ko pa kaya. "Penelope, please. Hayaan mo na sila. Natitiyak ko na pareho na silang masaya kung nasaan man sila naroroon." Binalewala ko ang pagbulong sa aking tainga ni Tita Martha. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang magsalita sa harapan nila. "Please, Penelope. Hindi nila gugustuhin na makita kang nagdurusa." Natigilan ako sa huling sinabi ni Tita. Tumayo ako ng tuwid habang nakatingin pa rin sa kabaong. Bumuhos ang luha ko na parang ulan nang may mga salitang nagbalik sa aking alaala. "Pen, you need to be independent and stay your smile without us." Pakiramdam ko ay tinutusok ng libo-libong karayom ang kalooban ko habang nakatingin sa puntod ng magulang ko. Labag man sa aking kalooban ay kinuha ko ang bulaklak na kanina pa nasa kamay ni Tita at pagkatapos ay tumingin ako sa puntod ni Daddy at Mommy. "Wherever you are, always remember that I love you." I cracked my own voice after saying those words. Hinagis ko kina Mommy and Daddy ang bulaklak at sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa kanila ng lumuluha habang may malungkot na ngiti sa aking labi. * Pitong araw pa lamang ang nakakalipas simula nang mamatay ang magulang ko. Akala ko ay maibabalik ko pa sa dati ang lahat bukod sa wala na kong magulang, pero nagkamali ako. Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundo ay hindi ako lubos makapaniwala na ang laki ng utang nina Mommy and Daddy sa isang bangko. Sinubukan kong kausapin ang aking mga kamag-anak ngunit nabigo ako at wala ni isa sa kanila ang gusto tumanggap sa kagaya ko. Ngayon, ilang araw na lang at mapapaalis na rin ako sa bahay na kinalakihan ko. I miss my Mom and Dad so much. Ano kayang gagawin nila sa ganitong sitwasyon? "Penelope, ayos ka lang? Dapat kasi ay hindi kana muna pumasok." Napatingin ako sa direksyon ng aking kaibigan na si Raelynn Ximena. She's been my bestfriend since when we are a child. Dinig na dinig ko ang kinakain niyang lollipop habang nakatingin sa aking ang nag-aalalang hazel brown niyang mata. Sa kulay puti niyang balat ay mas lalong tumingkad ang kissable niyang lips. She's a goddess if there is one. Umiling ako sa kanya bilang tugon. "I'm fine, Raelynn. I'm fine." Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang nagbabadya na namang luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ng kaibigan ko. Action speaks a thousand of meaning. That's why she's my bestfriend until now. Natigil ang pag-uusap naming dalawa nang may tumigil na isang lalake sa harapan ng inuupuan namin ngayon. By the way, we're a college student and right now ay break time namin. BS psychology ang kinukuha naming kurso. Tumitig ako sa lalake habang inaayos niya ang sintas ng kanyang sapatos. Hindi ko siya mamukhaan. New student kaya siya? Black slicked ang istilo ng kanyang buhok, maputi ang kanyang balat, matangkad siya, bilugan ang kanyang mukha, matangos ang kanyang buhok at aakalain mong may liptint ang labi niya. Napakurap ako ng aking mata nang bigla na lang siyang lumingon sa direksyon ko. "Kennedy? Oy, first time mo yata mapadpad dito? Sawa kana ba sa rooftop?" Napalingon ako sa kaibigan ko dahil sa narinig. Salubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Lumingon din sa akin ang kaibigan ko at bigla na lamang nanlaki ang mata niya sa akin. "Hindi mo siya kilala, Penelope?" Tinuro pa niya 'yong lalake. Sa lakas ng boses niya ay nahiya tuloy akong umiling. "He's our classmate, Escanor Kennedy. Ganyan kana ba ka-stress?" Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko. Sabay kaming lumingon ulit sa direksyon ni Escanor at pareho kaming napalingon sa paligid nang makita naming wala na pala ang lalakeng sinasabi ni Raelynn. Hindi ako mas'yado tumitingin sa paligid ko dahil isa akong nerd at ayaw kong mapagtuunan ng pansin lalo na ng mga bully. Buti na nga at nandito si Raelynn kaya kahit paano ay wala pa mas'yadong nambully sa akin sa paaralan na 'to. Natigil ang pag-uusap namin ni Raelynn nang may bigla na lamang lumapit sa aming isang estudyante. "Ms Eleanor, pinapatawag ka sa Dean's Office ngayon." Pagkatapos magsalita ng estudyante ay umalis na rin siya kaagad. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko at ako ay bumuntong hininga ng malalim. "Yeah. Siguro ay may sasabihin din sila tungkol sa magulang ko." Walang gana akong tumayo. Pakiramdam ko ay sobrang nakakapagod ng buong maghapon ko. Tumingin na lang ako sa kaibigan ko bago ako naglakad patungo sa principal office. Gusto pa sana ako samahan ni Raelynn, pero pinigilan ko siya. Ayaw ko kasi na may marinig siyang masama at mag-alala na naman siya sa 'kin. Pagkarating ko sa Dean's Office ay bumungad sa akin ang Dean at ang dalawang lalake na nakasuot ng isang mamahaling itim na tuxedo. Sabay silang yumuko sa akin na mas lalong nagpakunot ng aking noo. "Ms Eleanor, nandito kami para sunduin ka. Nais namin ipagbigay-alam sa 'yo na sa mansion kana titira." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ng isa sa kanila. "Huh? Mansion? Saang mansion? Kanino?" "Sa mansion na pagmamay-ari ni Mr Kendy. Ito ay ayon sa napagkasunduan ni Mr Kendy at nang namayapa mong magulang. Ikaw ay nakatandang ikasal sa aming amo." Pakiramdam ko ay nabingi ako sa aking narinig. K-Kendy? I don't even know that person! "What kind of bullshit is that? May ebidensiya ba kayo sa sinasabi ninyo?" galit kong bulyaw sa kanila. Ngumiti sila sa akin. Pagkatapos ay inabot nila sa akin ang isang papel. Nabitawan ko ito agad nang makita ko ang pirma ni Mommy and Daddy dito. Hindi lang 'yon. Pinakasal nila ko sa lalakeng twenty years ang pagitan sa akin. He is forty years old for goodness sake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD