CHAPTER 55 Pagkaraan ng mga halos tatlong oras na biyahe ay ibinaba ako ni Papa sa sakayan ng speed boat papuntang Puerto Galera. “Alam kong sa dami ng pinagdaanan mo, hindi mo hahayaang mamatay ka sa training pa lang. Ipakita mo anak na deserving kang maging boss. Ang mahalaga ay buhay kang babalik sa amin ng mga kapatid mo. Hindi ko gustong mangyari ito pero ito ang pinili mo.” “Pero Pa, akala ko walang ganito?” “Iyon din ang alam ko anak. Ipinaglaban ko rin pero tulad ng sinabi ko, hindi pwedeng iisa lang ang bumoto. Anim kaming dapat bumoto na hindi ka na dapat dadaan ng ganito.” “Ikaw Pa, dumaan ka bar in ba sa ganito?” “Lahat ng boss anak, dumaan sa ganito. Hindi ka magiging boss kung hindi mo pagdaanan ito. Kung maipanalo mo ang buhay mo, magiging isa ka sa mga boss. Kayo ang