CHAPTER 36 “Guard, nandiyan ka pa ba?” narinig kong boses ng Yaya ni Axel. “Nandito pa ako, Manang. Ano ho? Papapasukin ko na ba si Ma’am Fay?” “Sinabi ko na kay Ma’am Cristy. Sabi ni Ma’am siya na lang daw ang pupunta diyan.” “Ibig sabihin Manang, hindi ko papapasukin itong girlfriend ni sir at si Ma’am Cristy na lang ho ang lalabas dito?” “Oo. Iyon ang sabi e. Palabas na siya. Hintayin na lang ninyo riyan.” “Ah sige. Salamat Manang.” “Hindi ho si Miss Cristy ang gusto ko hong makausap. Si Axel ang dapat at kailangan kong makausap, Guard.” “Wala akong makakawa, Ma’am. Mukha kasing gusto muna kayong kausapin. Kayo na lang ho ang magsabi ng sadya ninyo kay Ma’am Cristy kapag nakaharap na ho ninyo siya.” “Wala ho akong kailangan sabihin kay Miss Cristy eh.” “Pasensiya na Ma’am. Pa