CHAPTER 27 “Mahal ko, andito na ako. Kiss naman diyan oh. Antagal ko kayang nawala,” biro niya nang dumating siya galing sa grocery. Napakarami niyang bitbit na pinamili. Masayang-masaya siya at hindi ko alam kung paano ko simulang kausapin siya lalo pa’t naroon sina Nanang at ang dalawa kong kapatid. Ang hirap lang talaga. Yun bang ayaw mo sanang sirain ang mood ng isang tao lalo pa’t may favor siyang ginagawa para sa’yo at sa pamiya mo. Kinuha agad ni Mama ang mga pinamili nil ani Sam. Pumasok ako sa kuwarto at sumunod siya sa akin. Ayaw ko sanang ako ang pagsimulan ng away ngunit hindi ko na kasi talaga kinakaya pa. Wala akong imik. Tumitingin siya sa akin nang pumasok at sumunod siya sa kuwarto. Nakangiti siya, hindi ako. Tagaktak siya ng pawis. Hindi ko iyon pinunasan tulad ng nakag