CHAPTER 58 Nandiyang ramdam ko ang pagdaan ng bala sa tainga ko. Sa maling pagkakamali niya o magkakamali ko, buhay ko ang katapat. Hindi ako maaring huminto. Doon ko rin napatunayan na sharp shooter siya ngunit iniwasan lang niyang tamaan ako ngunit hindi natin masasabi ang disgrasiya. Mahirap ang lumangoy nang mabilisan at may hinahabol na oras ngunit kinaya ko. Kailangan kong kayanin. Hanggang sa halos hindi ko na maigapang pa ang sarili ko nang nasa kabilang pampang na ako. Hingal na hingal ako. “Tayo!” sisipain na niya ako ngunit mabilis akong umilag. “Hindi ka nakarating sa oras na usapan natin!” “Sinong tao ang makakayang i-beat ang time na ibinigay mo? No one could!” “Anong no one could. Kaya ko ng 10 minutes ‘yan at sa’yo 15 minutes hindi mo pa nagawa?” “Hindi ko alam kung