CHAPTER 25 Mabuti at mabilis kong naibalik. Na-lock ko agad kaya namatay ang ilaw nito. Walang patunay na nagbasa ako. “Binabasa mo ba ang message sa akin?” “Hindi. Naiwan mo lang kasi sa kama at nang nagligpit ako ay pinulot ko para ilapag ko sana rito sa side table.” “Bakit ka parang kinakabahan? Kahit naman magbasa ka wala ka naman diyang mababasang iba. Hindi ako magloloko, mahal ko. Hindi kita ipagpapalit kahit kailan. Iyon ang huli kong gagawin kung gagawin ko man iyon ngunit sumpa man, hindi ko gagawing lokohin ka habang nabubuhay ako. Kung sakali mang nagdududa ka sa akin, huwag na. Tanggalin mo sa isip mo ‘yan, okey?” Nakangiti siyang yumapos sa akin. “Hindi nga ba? Sinungaling!” siyempre bulong ko lang iyon sa aking sarili. Nagagalit ako ngunit nagpigil ako. Hindi sapat ang