Chapter 17 Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang araw na iyon. Nang hinatid niya ako sa bahay ay isang halik sa labi niya sa aking labi ay ikinintal niyang hindi ko makalimutan. Nang naglapat ang aming mga labi ay ramdam kong walang mali siyang intensiyon sa akin. Na ako lang ang may masamang ginagawa. Naramdaman ko ang kanyang pagmamahal. Nagpasalamat ako sa napaka-memorable na gabing iyon. Isang gabing hindi ko kakalimutan dahil binuksan niya ang puso kong matagal ko nang isinara dahil sa mga hindi magandang nakaraan nng aking Mama. Naniwala ako na ang nakaraan ni Mama ay iba sa akin. Binigyan niya ako ng panibagong buhay at pag-asang liligaya rin muli ako sa ngalan ng pag-ibig. At nagsimula nga ang kuwento ng aming pag-iibigan ni Axel magmula ng gabing iyon. Siya ang lalaking