CHAPTER 41 Suminghap ako ng hangin. Tama humihinga ako pero parang kulong ako ng sarili kong katawan. Hanggang sa parang may mga nauulinigan na ako sa paligid. Gising ang diwa ko. Gumagana ang utak ko. Maayos ang aking pandinig dahil nauulinigan kong parang may nag-uusap pero hindi ko lang naiintindihan. Hindi ko sila mabosesan kung sino sila. May pakiramdam ako. Nararamdaman ko na kasi ang hapdi ng buo kong katawan at mukha. Ngunit bakit parang hindi ako makakilos. Ni hindi ko kayang buksan ang aking mga mata. Hanggang sa muli, may kung anong kumunoy na humihola sa akin. Muling naghari ang katahimikan. Muli akong nahimbing sa kawalan. Ngunit alam ko. Buhay ako. Buhay na buhay ako. Iniwan akong buhay at humanda ang lahat ng mga namantala at nanakit sa akin. Hanggang sa muli na namang n