CHAPTER ONE
NANG UMAGANG IYON, Nadatnan ni Mathilda ang kanyang mga magulang sa dining area nila na kumakain ng almusal. Huli na siyang nakalabas dahil nag-ready siya para sa job interview na pupuntahan niya. Kailangan presentable siyang tignan para ma-impress ang mga nag interview at matanggap siya sa in-apply-an na trabaho.
"Magandang Umaga." bati niya sa mga magulang sabay halik sa pisngi ng mga ito.
"Good morning, Sweety." ganting bati ng mga ito.
Inusog niya ang upuan kung saan lagi siya pumupwesto at umupo.
"Mathilda, Iha. Hindi ba at ngayon ang interview mo sa trabaho?" tanong ni Marivic na kanyang ama.
"Opo, Papa. Ngayon araw po ang interview ko. Sana ay matanggap ako sa trabaho."
"Oo naman." sang-ayon ng Ina niya na si Aida. "Paniguradong matatangap ka sa Smith Corporation"
"Sana nga po.*
Ang Smith Corporation ay ang isa sa mga kumpanyang pinagpasahan niya ng resume pagkatapos niyang grumaduate ng college.
Lumipas ang twenty minutes na tanging kain at kwentuhan ang ginawa nila. Laging ganoon ang senaryo nila tuwing umaga bilang isang pamilya.
Nagmadali siyang ubusin ang almusal para agad na makaalis at hindi abutin ng traffic sa daan.
Nang maubos ang almusal ay ini-straight niyang ininom ang kape at saka tumingin sa relong pambisig.
Nataranta si Mathilda nang makita na malapit na siya ma-late sa interview.
Agad siyang tumayo at binitbit ang shoulder bag.
"Ma, Pa. Mauna na po ako." paalam niya. "Baka ma-late pa ako sa interview ko."
Lumapit uli siya sa mga magulang at humalik sa pisngi ng mga ito.
"O siya Iha," ani Aida. "Mag-ingat sa biyahe ha." bilin nito sa kanya.
"Opo, Ma."
Tinalikuran na niya ang mga ito at naglakad palabas ng bahay nila.
Nang nasa gate siya ay bigla siyang natigilan dahil sa kabang naramdaman.
"Kaya mo yan, Mathilda." aniya sa sarili. Pinapalakas ang dibdib. Walang mangyayari kung padadaig siya sa kaba.
****
MAKALIPAS ang kalahating oras na pag-byahe ni Mathilda ay nakarating na siya sa lugar kung saan naroroon ang Smith Corporation.
"Mathilda, Kumalma ka nga." kausap niya sa sarili. "Huwag kang kabahan o matakot. Kung maka-react ka naman ay parang haharapin mo si kamatayan."
Tumingala si Mathilda sa matayog at marangyang building ng Smith Corporation. Kahit sino naman na mag-apply doon ay kakabahan dahil hindi basta-basta ang kumpanyang iyon.
Inayos niya ang soot na office attire na nagusot dahil sa pag commute niya at sakq huminga ng malalim. Naglakad siya papunta sa main entrance. Agad siyang pinapasok ng security guard nang ipakita ang ID at sinabing naroon siya para sa job interview.
Nang nasa lobby na siya, hindi siya nag dalawang isip na lapitan ang isang babae na napadaan. Na mukhang doon rin nagtatrabaho.
"Miss, excuse me." tawag pansin niya.
Napatingin ito sa kanya. "Yes? Bakit?" magalang naman nitong tanong.
"Ang totoo niyan, nandito ako for interview. Gusto ko lang malaman kung saan pupuntahan yung room kung saan i-interview-hin ang mga new applicants?" magalang rin naman tanong ni Mathilda.
"Opo, may naka schedule kaming applicants ngayon for interview. Ano po pangalan niyo?"
"Mathilda Hernandez, po." sagot niya.
"Ah, kayo po si Miss Mathilda Hernandez?"
Tumango siya.
"Sa 10th floor po yung room kung saan po kayo ma-interview." sabi pa nito at binigyan siya ng guide kung saan siya dapat pumunta.
"Salamat." nakangiting pasasalamat niya. Tinignan ang pangalan nito sa name tag na soot. "Miss Cynthia."
Nagpaalam na siya dito at nagtungo sa elevator. Pumasok at pinindot ang 10th floor.
Bumukas ang pintuan,
Nagmamadaling lumabas si Mathilda nang biglang napaupo siya sa tiles na sahig.
"Aray ko! Yung puwit ko!" pasigaw niyang daing.
May matigas na bagay na bigla na lamang tumama sa kanya dahilan para mapaupo siya bigla.
Tumingala si Mathilda at nakita ang isang gwapong binata na nakatingin rin sa kanya. Nakasoot ito ng Americana.
Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Namula ang mukha niya sa hiya dahil sa ganoon sitwasyon pa siya nakakita ng gwapong nilalang.
Pero kahit gwapo ito ay blacklisted na ito sa dapat niyang gawin crush dahil imbes na tulungan siya ay tinitigan lang siya.