Chapter 15: MY MOM DEAD

833 Words
Michelle, anong balita sa kaso ko?" mabilis kong tanong sa kanya. Napailing siya sa akin at saka napahinga ng malalim bago siya sumagot. Sa ngayon, mahihirapan tayo masolusyunan ang kaso mo, Ara. Sobrang malakas ang kaso laban sa iyo at wala rin kaming mahanap na matibay na ebidensya para mapatunayan na wala kang kasalanan. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya. Bigla akong napaghinaan ng loob na ganun pa rin ang balita na nasagap ko mula sa kanya. Ilang linggo na ako dito na nananatili sa bilangguan, pero hanggang ngayon wala pa rin mahanap na ebidensya para malutas ang kaso ko. "Lacsamana, may dalaw ka," bigla akong napalingon sa Riyas habang binubuksan ng guwardiya. Agad akong tumayo at lumabas ng aking selda. Hanggang sa nakarating na ako sa visiting area, "Michelle," diretsahang sinabi ko. "Ara, agad akong umupo sa upuan at nagsalita. May bagong balita na ba sa kaso ko, Michelle? "Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka mapakali diyan? Parang hindi maipinta ang pagmumukha mo. May problema ba, Michelle?" agad kong tinanong sa kanya. Kaagad ko siyang hinawakan sa kanyang kamay. Kung parte naman ito ng kaso ko, Michelle, wag mo na problemahin pa. "Makagawa pa tayo ng ibang paraan, okay. Makahanap din tayo ng matibay na ebidensya para makapawalang-sala ako." Bigla ko siyang tiningnan nang biglaan niyang hawakan ang dalawang kamay ko ng mahigpit. "No! Hindi 'yan ang problema dito, Ara. Ano, Michelle?" A-ano ba talaga ang sasabihin mo sa akin? Biglang lumakas ang pagtibok ng sarili kong puso, Michelle. Sabihin mo na, wag mo akong takutin ng ganito. A-Ara. Wag kang mabibigla ha! Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita. A-Ara. Si Tita Cecilia. Bigla ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata. A-anong nangyayari kay Mama, Michelle? Mabilis kong tinanong sa kanya. Ara. Wala na si Tita Cecilia. Anong sabi mo, Michelle? Paki-ulit ang sinabi mo. Bago lang, at agad niya naman ito inulit. Anong wala na si Mama, Michelle? Diritsohin mo nga ako. Ano ba talaga ang nangyayari? Bigla akong napakapit sa laylayan ng aking t-shirt nang maisip ko kung ano ang nangyayari sa labas. Wala na si Tita Cecilia. She has died. Nabangga siya ng sasakyan habang naglalakad sa daan. Ramdam ko binaksakan ako ng langit nang marinig ko mula kay Michelle ang balita. Napailing ako at kaagad pinaliwanag ni Michelle ang buong pangyayari. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at saka umalis sa harapan niya na wala sa sarili ko. Ramdam ko ang pagyanig ng buong katawan ko, na halos hindi ko maigalaw dahil sa nabalitaan ko tungkol kay Mama. Agad akong pumasok sa Zelda pagdating ko. Habang iniisip ko kung ano ba talaga ang mga pangyayari sa pamilya ko. Hindi ako naniniwala na isang aksidente ang nangyayari kay Mama. Sana mali lang ang nasa isip ko. Sana, wala pa namang nabuo na kumpletong imbestigasyon sa kaso ni Mama. Pero, sino ang pwedeng gumawa nito? Sino? Ani ko sa sarili ko. Bumuntong-hininga ako na nakatitig sa paligid ng kwartong ito! Hindi ko na mapigilan na bumagsak ang luha ko mula sa aking dalawang mata. Agad akong napahawak sa dibdib ko nang ramdam ko ang sobrang sakit nito. Napahagulgol ako sa pag-iyak sa gilid ng kama, habang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa mga nangyayari. Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Bakit sila nadadamay dito? Si Ana. Mag-isa lang siya sa bahay ngayon, wala siyang kasama. Kailangan kong makagawa ng paraan na makatakas dito bago pa may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kapatid ko. "Guard," sigaw ko sa isang guwardiya, "pwede ba akong makagamit ng telepono dito? Tatawagan ko lang ang kapatid ko." "Lacsamana. Tapos na ang oras para sa pagtawag. Kung gusto mo tumawag, maghintay ka hanggang bukas." Damn, s**t, mas lalo lumakas ang pagtibok ng sarili kong puso. Hanggang inabutan na ako ng madaling-araw, ito pa rin ako, nakadilat ang mata habang iniisip si Ana. Dumating ang araw ng dalaw na naman, agad akong lumabas ng Zelda, ngunit bigla may humarang sa aking dinadaanan. "Lacsamana," mabilis na banggit sa akin ng isang grupo na mukhang siga dito sa loob ng Zelda. Kung maka-asta ay parang sa kanya ang loob ng prisong ito! At may mga hawak pa silang iba't-ibang metal bat. Hindi ko na sila pinakinggan at dire-diretso ang paglakad ko, ngunit bigla may humawak sa balikat ko. "Wag kang bastos kapag kinakausap pa kita," kasabay ng pangisi nito. Napahinto ako sa paglakad bago nagsalita. "Don't touch me!" kasabay ng pagtakwil ko sa kamay nito na nakapatong sa abaga ko. Nang bigla ko nakita ang metal bat na hawak niya at handa siyang ipapalo sa akin, automatikong hinawakan ko ang metal bat at sinuntok ang kanyang ibabang bibig. Tiningnan ko siya ng masama. "Wag mo akong pilitin na labanan ka, baka hindi ako makapigil at mapatay kita," sabi ko habang mahigpit na hinawakan ang kanyang leeg at inihagis siya sa gilid ng pader. "Don't try to get in my way if you want to live."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD