Chapter 21: DRUG SHIPMENT

1835 Words
One Month Later, "Baby..." Aalis ako mamayang gabi may importante akong lakad," paalam niya sa akin. Tiningnan ko siya na walang expression ang aking mukha na kaharap siya. Nang bigla naman tumunog ang kanyang cellphone, tiningnan niya ako bago niya kinuha ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa, at kaagad tiningnan ang labas ng screen bago niya sinagot. "H-hello! Boss," agad niyang sagot, at kaagad na umalis sa aking harapan, nagpaka-layo-layo ng kunti. Mula dito, dinig na dinig ko ang kanilang usapan dahil sa medyo mataas ang boses niya habang nagsasalita. Parang sinasadya niya ata na marinig ko. I'm sure! Shipment na naman 'to ng mga droga, kahit di niya sinasabi sa akin kung saan siya pupunta, halatang-halata sa mga galaw niya. Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi niya kaya ipakita sa akin ang mukha niya? "Sino ang nasa likod ng mascara?" ani ko sa aking sarili, nang bigla may kumatok sa pinto, agad akong tumayo mula sa pagkakaupo. Nang bigla niya ako hinarangan, "Magtago ka, baby," mabilis niyang banggit. Agad-agad ko naman tinago ang aking sarili Kaagad niya binuksan ang pinto! "Diego..." Raigad sambit ni Alvin sa kanya. pagkabukas, "Alvin, what are you doing here?" Agad niyang tanong, kasabay na napa-hakbang siya patungo sa pinto. "Oops," agad na hinaharangan ni Diego gamit ang isa niyang kamay. "Ikaw naman, hindi ka mabiro. Bakit ka nandito?" pina-pasundo ka ni Boss Roy, may shipment tayo mamayang gabi. Hmm, alam ko. Tinawagan na ako ni Boss Dante, alam ko hindi 'yan ang pinunta mo dito Alvin. Okay, kalma, relax, masyado ka namang high blood. Hindi mo ba ako papasukin sa loob? Kasabay ng pagtakwil ni Alvin sa kamay ni Diego na nag-haharang ito. At dire-diretso ang pagpasok niya at agad na umupo sa sofa. Napa-hinga ng malalim si Diego at saka kumuha ng kanilang maiinom. "Bakit ka pala nandito, Alvin?" ang totoo, pinapapunta ako dito ni Ma'am Melissa. Bigla na nindig ang tainga ko sa narinig ko. "Melissa? Puwede niya naman ako tawagan kung gusto niya. sabi ni Diego. May party siya mamayang gabi at ikaw ang gusto niya maging bodyguard niya." Agad sagot ni Alvin sa kanya, And? Is that all you have to say to me, Alvin? Napatayo siya nang makita ang aking underwear na nakasabit sa loob ng kwarto dahil may konting bukas ang pintuan. Hmm, kaya naman pala hindi mo ako papasukin dito, may tinatago ka pala! Lagot ka kapag malaman ni Melissa ito. Kailan mo ba balak ipakilala sa akin ang girlfriend mo, Diego? tanong ni Alvin sa kanya ng diretsuhan, Sanga pala, ito ang card. dagdag niya pa rito. Napatingin ako nang may inabot si Alvin kay Diego. Hayop ka, Alvin! Nanginginig kung sambitin ang pangalan niya, nilapag ni Diego ang card sa ibabaw ng lamesa saka sila lumabas. At kaagad na sinara ang pintuan. Mabilis akong lumabas sa aking tinataguan nang makita ko ang card na kakabigay lang sa kanya ni Alvin na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Napa-hawak ako sa aking sugat. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Agad-agad akong nagpalit ng aking damit at saka dinampot ang aking jacket na kakabili lang sa akin ni Diego. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Agad kong sinuot ang jacket at naglagay ako ng eyeglasses. Dali-dali akong nagpalakad sa garahe kung saan nakaparada ang itim na motorsiklo. Habang nasa daan ako, nakasunod ako sa kanila kung saan sila pupunta. Napahinto ako nang makita kong nakasara ang daan at maraming pulis ang nagbabantay. Napatingin ako sa kaliwa't kanan na daan at may nakita akong maliit na puwedeng pagdaanan. Agad akong dumiretso doon. Mula dito, makikita ko ang sinasakyan nila Diego. Napahinto ako nang huminto ang kanilang sasakyan. Tinatanaw ko ang malaking mansyon na nasa unahan at napaligiran ito ng matataas na mga kahoy. Monte n***o Mansions? saad ko sa aking sarili, Agad akong nagpasali-pot-pot sa malaking kahoy nang makita ko na may sasakyan na lumabas. Teka lang, parang nakikita ko na siya dati. Who is she? Hindi ko matandaan kung saan, pero familiar sa akin ang mukha niya. Never mind, who is she? Ilang sandali lang ay may lumabas na ilang sasakyan. Tiningnan ko ang aking pam-basik na orasan. Mag-9 PM na ng gabi. Kaagad akong napasunod sa kanila kung saan sila pupunta hanggang sa makarating sa isang sakayan ng barko. Dito ang palitan ng droga? Bumaba ako sa aking motorsiklo at dali-daling naglakad patungo sa loob nito! Mula dito, makikita ko silang nasa ibaba at ako naman nasa taas. Sobrang tahimik ang lugar na ito! Gulat ako nang makita si Major Jason Morales. Anong ginagawa niya dito? Isa rin siyang miyembro. Kasabwat siya ng mga Monte n***o? Jason... ani ko sa aking sarili, May kinalaman ka ba sa mga pangyayari sa akin at sa pamilya ko? Tinuring kitang kaibigan. Isa kang hayop, Jason. Hindi kita mapapatawad. Naibalik ako sa aking realidad nang makita ang isang grupo na sumulpot sa harapan nila. C-country, isa sa mga hinawakan kong kaso noon, si Morgan Wei, isa sa mga pinakamalaking lider ng sindikato. "Diego," sambit ni Roy Monte n***o, "Boss," napatingin ako sa kanya at agad na naagaw pansin ko nang makita ang kanyang mukha na walang suot na mascara. Bumilog ang dalawang mata ko nang makita ito. "Siya? Ang nasa likod ng mascara?" sabi ko. Dante Monte n***o na biglang sumulpot sa kanilang usapan at may isang tauhan na sumusunod sa kanyang likuran. "Teka lang, who is he?" takang tanong ko sa aking sarili, na naka-suot ng mascara at suot rin ang damit ni Diego nang umalis siya sa bahay kaninang umaga. Ilan ba ang Diego dito? Lumaki ang dalawang mata ko nang binuksan nila ang mga kahon na may laman na mga droga at ang kabilang grupo naman ay binubuksan ang limpak-limpak na salapi. Agad akong nag-position habang nilalagay ko sa harap ko ang isang mataas na kalibre ng baril na may teleskopyo, at kaagad na tinutok. Nakita ko ang pagbibigay ng signal ng lalaking naka-suot ng mascara gamit ang kanyang kamay sa kanyang likuran. Alam niya na sinusundan ko siya? Tiningnan niya ako ng diretso kung saan ako naka-position ngayon. s**t, nakita ko na ikinuyom niya ang isa niyang kamao. Habang nagpapahakbang ang dalawang grupo na lumalapit sa isa't isa at nag-aabutan ng droga at salapi, agad akong nagpakawala ng putok habang tinatarget ko si Roy Monte n***o. Natamaan ng bala sa kanyang braso. Nakita ko ang paghinto nila at agad na nilibot ang kanilang mga mata sa paligid. Dali-dali akong umalis sa lugar at agad na naghanap ng mataguan, "Ara, anong ginagawa mo?" mabilis na banggit ng isang lalaki na nasa aking likuran. Agad ko siyang nilingon. Pinigilan ko lang ang palitan ng droga, Diego. sabi ko ng direkta sa kanya, Ipinapahamak mo ang sarili mo sa ginagawa mo. Ara. Bigla siya napa-hawak sa braso ko at saka hinila sa gilid, ng marinig na may yapak na paa papalapit sa aming kinakatayuan. "Umalis ka na dito ngayon din. diretsuhan niyang sambit, Hindi ako aalis dito, Diego, hanggang sa hindi ko mapapatay si Roy Monte n***o," Agad kong sagot sa kanya, "Narinig mo ba ang sarili mo? Huh! Ara, hindi mo siya mapapatay dito. Bakit ba hindi ka muna nag-iisip bago gumawa ng desisyon, huh! Wag kang padalos-dalos, mapapahamak ka lang." I don't care, Diego. Wala na akong pamilya. Naintindihan mo? Lahat sila pinapatay ng mga Monte n***o. I know, Ara. Gulat ako na napalaki ang dalawang mata ko nang bigla niyang binuksan ang mascara ng kunti at saka hinalikan ako nang marahas sa aking bibig. Ako. Hindi pa ba sapat sa'yo? I like you, Ara. Yes, mahal kita. Napalunok ako sa sarili ko nang laway na nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata. Makinig ka. Tutulungan kita laban sa kanila, okay? Pero hindi sa ngayon. Hindi ito ang tamang panahon, trust me. Baby. Okay? Umalis ka na dito bago pa man dumating ang mga autoridad, kasabay nang paghawak niya sa magkabilang mukha ko. Ikinuyom ko ang dalawang kamao habang napatingin sa kanya na nakikiusap. Agad-agad akong umalis sa kanyang harapan nang bigla akong pinapaulanan ng bala. Mas lalo akong napatakbo ng mabilis patungo sa gilid kung saan maraming mga bakal na nagharang. Doon ko itinago ang aking sarili. Tiningnan ko kung sino ang bumabaril sa akin. Mga autoridad... Mula dito, nakikita ko si Carol habang binabaril ako. Hindi nila ako makikilala dahil naka-suot ako ng salakot at naka-takip ng bandana ang mukha ko. Agad akong umalis sa lugar, baby... Come here, diretsuhan niyang sambit. Diego? Mabilis kong sambitin ang pangalan niya habang lumilipad ang mga bala sa aming tinataguan. Agad naman gumanti si Diego ng mga putok sa mga awtoridad. Takbo, baby. sabi niya, Sinunod ko siya Agad at napatakbo ako ng mabilis patungo sa kabila. Gulat ako nang nilingon ko siya na tinamaan ng bala ang kanyang katawan. Habang papalapit ang mga awtoridad sa kanya, agad-agad kong tinutok ang aking baril at kaagad na pinapaputukan ang mga awtoridad. Napa-hinto ako nang may nakatutok sa aking likuran. "Don't move," sambit niya, kasabay ng pagtaas ko ng aking dalawang kamay habang hinaharap ko siya. Tiningnan niya ako ng maigi. "Ara?" Raigad niyang banggit. "Michelle... tawag ko sa kanya, Bakit ka nandito, Ara?" "A-anong ginagawa mo dito? Sumama ka sa akin ngayon din. Agad niyang pakiusap, I'm sorry, Michelle. Hindi ko gagawin 'yan. Agad kong sagot, Bakit ka tumakas? Alam mo, napalaking kaso ang haharapin mo. At hindi lang 'yan, dadagdagan pa ang kaso mo dahil sa pagtakas mo sa bilangguan." "Susuko lang ako kung mapatay ko na si Roy Monte n***o, pero, Ara. Makinig ka sa akin, I'm sorry, Michelle," kasabay na tinutok ang aking baril sa kanya. "Kung pipilitin mo ako, mapipilitan ako na labanan ka, Michelle." diretsuhan kong banggit sa kanya, Napa-buntong hininga siya. Okay, patatakasin kita ngayon, Ara. dahil naniniwala ako sayo. Thank you, Michelle. Agad kong pasalamat sa kanya, Diego... napa-tingin ako nang natumba siya sa sahig, na tad-tad ng bala ang katawan niya. "Do you know him?" "Yes, Michelle... siya ang tumulong sa akin ngayon. Agad akong nagpapaputok ng bala. Tumakas ka na, Ara," sigaw niya habang nagpapakawala ako ng aking mga bala. Saka nilapitan ko si Diego na nakahandusay sa sahig. "Diego, wake up," habang pinipitik ko ang kabilang bahagi ng kanyang mukha. "Tumakas ka na, baby. Iwan mo na ako dito." sabi niya ng direkta, "No! Hindi kita puwedeng iwan dito, Diego. Tatakas tayo dito. Halika ka na," umiiling siya sa akin. "Tumakas ka na. Go! Go!" habang pinagtutulakan niya ako. "No!" Kaagad ko siya pinapatayo. at saka inalalayan patungo sa labasan ng barko. Tiningnan ko si Michelle na nasa kabila, habang nakatitig sa amin ni Diego na naglalakad palabas, "Dadalhin kita sa ospital ngayon. Pagdating ko sa ospital, mabilis kaming inasikaso ng mga doktor at mga nars. At agad akong umalis nang nakapasok na sa operating room si Diego. Hindi ako puwedeng magtagal dito." Kaagad akong umalis at dali-daling nagtungo kung saan nakaparada ang sasakyan na kinuha ko mula doon, kung saan nagaganap ang shipment ng mga droga, at agad na nagdiretso sa apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD