Chapter 32: JETSKI SEA

765 Words
Dali-dali akong lumabas mula sa barko, napatingin ako nang makita na papalapit ang mga awtoridad na mahuhuli ako. Hindi ako puwedeng magpatuloy sa paglakad. Agad kong itinago ang sarili ko sa isang gilid na puno ng malalaking plastic drums na punong-puno ng tubig. Mabilis na kumalat ang mga awtoridad at agad na pinalibutan nila ang buong barko. Kailangan kong makalabas dito bago pa man ako mahagilap ng mga pulis. Napamulat ako nang husto nang makita si Tara at Michelle kasama ang buong tropa ng SWAT. Napa-lingon ako sa malawak na karagatan habang dinig na dinig ko ang pagbulwak ng malalaking mga alon. Itinaas ang mga kamay at sumuko. Gulat na lumaki ang aking dalawang mata nang marinig ang boses na malapit sa aking tinatayuan. Kaagad kong itinaas ang dalawang kamay at saka ko siya nilingon. "A-Ara? What are you doing here?" mabilis na sambit ni Tara sa akin, habang nakatutok ang kanyang mataas na kalibre ng baril sa katawan ko. "Sumuko ka na, Ara!" agad niyang banggit, na napailing ako. "Hindi ako susuko, Tara, hanggang sa hindi mapagbayad ang taong gumawa sa pamilya ko." Alam mo, labag sa batas ang ginagawa mo. Sumuko ka na, Ara. Tutulungan ka namin na mapagaan ang kaso mo. I'm sorry, Tara, pero hindi ko 'yan gagawin. Hindi ako susuko. Naapak ako ng tatlong beses mula sa kanya. Nakita ko ang pagbabago ng mukha niya. Huwag mong gagawin ito, Ara. Mas lalo bumibigat ang kaso mo sa ginagawa mo. Huwag mong ilagay sa kamay mo ang batas. Isa ka rin police, Ara. Alam mo na mali ang pamamaraan mo. Batas? Ito ba ang batas na sinasabi mo, Tara? It's unfair to me at sa pamilya ko. Susuko lang ako kapag patay na si Roy Monte n***o. Bigyan mo ako ng kaunting panahon, Tara. I promise, haharapin ko ang kaso ko pagdating ng panahon. Pero sa ngayon, hindi ako susuko at wag mo akong pilitin na labanan ka. Tara, I am willing to do something kung sino man ang haharang sa dinadaanan ko, kahit ikaw pa! Lumaki ang dalawang mata niya at lumapad ang tainga niya sa narinig niya mula sa'kin. Napa-tagilid ang ulo ko ng kunti nang marinig ang mga yapak ng paa na papalapit sa'min. "Arabella Lacsamana, sumuko ka na!" sigaw ni Major Jason Morales. Napa-libot ang mga mata ko nang makita na pina-libutan na ako ng mga SWAT. Iniiling ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanila na nakatutok sa'kin ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril. Ara, sambit ni Carol na hindi kalayuan sa akin, agad akong napaharap patungo sa gilid ng barko. Mula dito, makikita ko ang malalaking alon at malakas na pagbulwak nito. Kaagad akong napatalon sa tubig. Ugh, ahh, ugh, ahh, habang paakyat-baba ang aking sarili, na lumalangoy sa malawak na karagatan. Shit, napakapit ako nang mahigpit sa laylayan ng aking T-shirt nang makita ang ilang mga motorboat at Jetski na mabilis na pinalilibutan ang buong barko. At iba naman ay tila ako ang hinahanap ng mga awtoridad. Napatingin ako sa isang Jetski na mabilis na pinapatakbo patungo sa aking kinakatakbuhan habang hinahabol ng mga SWAT. Habang palapit nang palapit ang Jetski na kulay pula, makikita ko ang mukha niya. "Diego?" sabi ko sa sarili ko. "Ara," sambit niya sa pangalan ko, kasabay ng pag-abot niya ng kanyang kamay sa akin. Agad kong inabot ito at kaagad na hinila ako papasakay sa Jetski. "Baby, are you okay? I'm sorry if I'm a little bit late," sabi niya habang mabilis na pinatatakbo ang Jetski na sinasakyan namin. Halos lumilipad na ito sa sobrang bilis. Gulat na napalingon ako nang may bumaril sa amin. Baby, ikaw na ang mag-drive. Mabilis niyang banggit, kaagad kami nagpalitan ng posisyon. Ako ang nag-drive ng Jetski at siya naman ang bumabaril sa mga autoridad na sumusunod sa amin. Bilisan mo, Ara. Malapit na sila at wala na rin akong bala. sambit niya ng diritsohan, Mayroon ako, Diego. Kunin mo. kaagad kong sinagot siya, Agad niya kinakapa ang katawan ko. Gulat na napalaki ang dalawang mata ko nang pinasok niya ang kamay niya sa pantalon ko. s**t ka talaga, Diego. Bakit iyan ang hawak mo? Wala diyan ang bala sa p**e ko. Naririnig ko ang maikling pagtawa niya. Hayop ka talaga, Diego. Nasa gitna tayo ng bakbakan, tapos nagbibiro ka pa diyan. Agad-agad niya kinuha ang bala na nasa likuran ko at isang 9mm pistol. Hindi ko na alam kung ilang oras na tayo dito sa gitna ng dagat, nakikipaglaban sa mga awtoridad. Naubusan na tayo ng gasolina, Diego, sabi ko sa kanya. Shit, bakit ngayon pa nagkaroon ng problema?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD