Congratulations, Lieutenant Lacsamana, and to the entire team of "PNP SWAT" for successfully carrying out the mission in Mindanao.
You successfully captured the leader of the drug syndicate, Roy Monte n***o, as mentioned by Director-General De Guzman while he was giving a speech in front of us, along with other high-ranking officials of the "PNP National Police."
I was surprised and my smile widened when I heard Director-General De Guzman mention my name.
Kaagad akong nag-Palakkad patungo sa harapan, Lieutenant-General Arabella Lacsamana. Congratulations! Kasabay nito ang pag-abot niya ng medalya sa akin.
Thank you, Sir. Agad akong nagpasalamat sa kaniya, napangiti ako habang pinamasdan ang medalya na nakasabit sa aking dibdib.
Matapos ang mga events, agad akong bumalik sa apartment para kunin ang aking mga gamit na naiwan doon.
Uuwi ako sa bahay mamayang hapon. Excited na ako na matikman ulit ang luto ni Mama at makita ko na rin ang aking bunsong kapatid, Ana...
Matapos kong maayos ang aking dadalhing gamit patungo sa Batangas, agad akong nagtungo sa parking area kung saan nakaparada ang aking itim na motorsiklo.
Matapos ang mahabang biyahe, finally, I'm home. Kaagad kong naamoy ang luto ni Mama na kare-kare. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at nadatnan ko si Mama sa kusina na nagluluto para sa aming hapunan.
"Ma!" banggit ko sa kanya. Kaagad niya akong nilingon na may kasamang ngiti mula sa kaniyang labi.
"Arabella, anak," agad niyang banggit habang sinasalubong ako ni Mama at agad napayakap ng mahigpit.
"Kumusta ka na, anak?" tanong niya. "Mukhang nangangayat ka na. Hindi ka ba kumakain ng maayos?"
"Ma, okay lang ako. Wag kang mag-alala sa akin," habang nilalagay ko ang aking bag sa ibabaw ng sofa at agad siya niyakap ng mahigpit at sinabayan ng halik sa magkabilang pisngi.
"Ma, nasaan si Ana?" agad kong tanong kay Mama. "Bakit hindi ko siya nakikita dito o bumaba man lang?"
Mama answered me right away. "Tumawag siya sa akin kanina lang, anak. Gagabihin daw siya sa pag-uwi dahil may tinatapos pa siyang mga projects sa eskwelahan."
Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa aking pambasikong orasan. Naghahalo na ang araw at ang dilim, hanggang ngayon hindi pa rin dumating si Ana. Habang tinatanaw ko ang malaking pintuan namin sa harapan.
Kaagad kong kinuha ang aking shoulder bag na nasa ibabaw ng sofa saka umalis. Napahinto ako nang magsalita si Mama, Ara. "Anak, saan ka pupunta?" agad niyang tanong sa akin. Mabilis akong napahakbang at sinagot siya, "Susunduin ko lang si Ana sa eskwelahan, Ma."
Dali-dali akong nagtungo sa labasan ng bahay patungo sa aking motorsiklo na nakaparada doon. Agad kong pinasok ang susi sa aking motorsiklo at pinaandar ito. Mabilis naman itong umandar. Kaagad akong nagtungo sa eskwelahan kung saan nag-aaral ang aking kapatid na si Ana.
Habang nag-aabang ako sa labas ng eskwelahan, nilibot ko ang aking mga mata. Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa itim na motorsiklo, bandang dulo nito, habang nakatanaw din ito sa labas ng malaking gate ng paaralan.
Agad kong binalik ang aking atensyon sa harapan at saka napatitig ulit sa aking pambasikong orasan na kulay itim. Ito kasi ang paborito kong kulay kaya kadalasan lagi itong suot kong gamit.
Mag-isang oras na ako dito nag-aabang kay Ana sa labas ng kanyang paaralan. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalabas? ani ko sa aking sarili.
Hindi na ako mapakali dito. Talagang nangangawit na ang aking puwit kaya umupo ako. Anong proyekto ba ang tinatapos niya sa loob ng eskwelahan na 'to? Mag seven o'clock na ng gabi, nasa loob pa rin siya.
Agad kong kinuha ang aking cellphone na nakalagay sa aking shoulder bag at saka tiningnan ang labas ng screen. Napahinga naman ako nang makita ko si Ana ay lumabas mula sa malaking gate ng eskwelahan.