Chapter 04: PAST MEMORIES

468 Words
Pagdating namin sa bahay, agad kong ipinarada ang dala kong motorsiklo at hinablot ang susi ng motor. Agad naman pumasok si Ana sa loob ng bahay at diretso sa kanyang kwarto. Pagpasok ko, agad kong nakita ang pagkain sa ibabaw ng lamesa na niluto ni Mama para sa aming hapunan, kaya naramdaman ko ang gutom. "Ana, bilisan mo na diyan sa pagbihis para makakain na tayo!" sigaw ko sa kanya. "Teka lang, nasaan ba si Mama?" pero hindi ko siya nakita dito. Agad akong umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. "Ma! Ma!" tawag ko sa kanya habang naglalakad ako patungo sa kanyang kwarto. Walang sumagot. Agad akong sumilip sa loob ng kwarto pagdating ko sa kanyang silid, at may kaunting bukas ang pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at saka tiningnan. Nadatnan ko si Mama sa gilid ng kanyang kama na nakaupo at patuloy na punas ng kanyang mga luha habang nakahawak ng litrato. "Ma, umiiyak ka na naman?" bigla siyang natigilan at nilingon ako. Hindi niya kasi namalayan ang pagpasok ko kaya laking gulat niya ng makita ako nakatayo sa gilid niya. "Ma, tama na 'yan. Hindi makakabuti sa'yo ang lagi kang umiiyak," habang hinahaplos ko ang kanyang likuran, napatingin siya sa akin kasabay ng pagtango bago siya nagsalita habang pinupunasan ang mga luha na dumaloy mula sa kanyang dalawang mata. "Arabella, anak," mabilis niyang bigkas ang pangalan ko. "Yes, Ma?" as I see the sadness and longing in her eyes. Bigla siya napakapit sa kamay ko at saka nagsalita. "Pasensya na kayo, anak. Naalala ko lang ang Papa mo at ang kapatid mo. Siguro kung nandito pa silang dalawa, magiging masaya tayo katulad noon." Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kanya. Agad-agad ko siya niyakap kasabay ng haplos sa kanyang likuran. "Ma, don't worry. Hindi ako titigil sa paghahanap ng justice para kay Papa at Kuya. Pangako, magbabayad ang gumawa nito sa ating pamilya, Ma." Agad ko siya nilambing kasabay ng pagkapit sa kanyang isang braso at agad pinasandal ko ang isa kong ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang paghaplos ni Mama ng mahina sa aking buhok. "Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya, ang maglambing at asarin ng asarin. Kahit papaano, Maaaring makalimutan niya ang mga pangyayari kahit saglit lang. Ma, halika na, bumaba na tayo. Naghihintay na si bunso sa atin sa lamesa. Tiyak na kumakain na naman siya mag-isa. Tumango siya sa akin at kasabay na napangiti. Oh, ayan, maganda na ulit si mama, pabiro kong sambitin sa kanya. Ouch! Ouch! Ma, aray! Ang sakit noon. Bigla niyang kinurot ang gilid ko at kasabay na nakatitig sa akin na may malapad na ngiti mula sa kaniyang labi. Ikaw talaga, bata ka pa rin hanggang ngayon. Hindi ka pa rin nagbabago. Napangisi lang ako sa harapan niya dahil sa kaniyang naging reaksyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD