#IHaveALover CHAPTER 57 Nakatayo sa tapat ng malaking bintana na nakapwesto sa dulo, bandang kaliwa ng ikalawang palapag ng bahay si Theo. Nakatingin ang mga mata nito sa labas kung saan nakikita niya ang kadiliman ng kalangitan na binibigyang liwanag ng sinag ng malapit ng bumilog na buwan at mga nagkikislapang mga bituin na nakapalibot dito. Kanina ay nasa kwarto na siya para matulog ngunit hindi siya dalawin ng antok kaya naman nagpasya na muna siyang lumabas at iwanang si Sophia na mahimbing nang natutulog. Malalim na rin ang tulog ni Theodore sa sarili nitong kwarto nung puntahan niya rin ito kanina at bigya ng halik sa tuktok ng ulo. Hindi niya lamang alam kung tulog na nga ba si Ronnie na nasa guest room ngayon. Ewan ba niya kung bakit dito nagpasyang matulog ito