#IHaveALover CHAPTER 47 “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ni Primo kay Ronnie na siyang nagda-drive ngayon ng kotse nito at binabagtas ang daan papunta sa kung saan. “Huwag mong sabihin na sa malayo mo na naman ako dadalhin.” Sabi pa nito. Kanina pa kasi sila sa byahe, nananakit na nga ang pwetan niya dahil sa kanina pang pag-upo sa passenger seat. Sandaling tiningnan ni Ronnie si Primo. Napangisi ito saka bumalik rin ang tingin sa daan. “Masyado ka talagang mainipin... Basta malalaman mo rin kung saan tayo pupunta.” Sabi ni Ronnie. “Pwede mo naman kasi sa akin sabihin kung saan... may pa-suspense ka pang nalalaman.” Inis na sabi ni Primo sabay iwas nang tingin kay Ronnie at tinuon na lamang ang mga mata sa labas ng bintana. “Mas maganda na may suspense par