Prologue

1713 Words
"Lord, help me. Please! Makatakas lang ako ngayon dito ay itatama ko lahat ng pagkakamali ko," naiiyak kong bulong habang inaayos ko ang ilang damit ko at gamit sa maliit na bag na nakita ko sa loob ng walk in closet namin ni Uncle Vulcan. Hihiramin ko na muna para paglagyan ng mga gamit ko. Nang matapos ako sa paglalagay ng damit ko sa bag ay naisip ko naman ang perang gagamitin ko kapag matagumpay akong nakatakas sa bahay niya. Alam ko kung saan nakatago ang mga pera niya. Tinandaan ko talaga para in case magkaroon ako ng pagkakataon. This is the chance that I am waiting for. Wala siya rito sa bahay at tahimik na ang buong paligid. Dumampot ako ng lilibuhin sa drawer niya na pinaglalagyan niya ng cash. Hindi ko na binilang ang kinuha ko. Basta ko na lang itong nilagay sa bag ko at inayos. Marami-marami na ito. Kakasya naman siguro hanggang sa makabalik ako sa amin. Nang maiayos ko ang pera sa loob ng bag ay saka naman ako nagbihis ng all black na outfit. Itim ang sinuot ko mula sa aking blusa pababa sa aking sapatos. Ito ang napili kong kulay para hindi ako madaling makita sa dilim ng mga tauhan ni Uncle Vulcan na nagbabantay sa labas. Tatakas ako at dapat hindi nila ako mahuli. "Diyos ko! Gabayan niyo po ako! Huwag niyo pong hayaan na mahuli niya ako!" Panalangin ko sa aking isip na halos maiyak pa ako. Nakakaba itong gagawin kong pagtakas. Hindi ko alam kung magtatagumpay ako o hindi. Nang matapos akong magbihis ay saka ako nagpasya na kumilos na. Patalilis akong lumabas sa kwarto na kinaroroonan ko habang yakap ko ng mahigpit ang aking bag. Hindi ito dapat mawalay sa katawan ko dahil narito angga kailangan ko sa pagtakas. Dapat makatakas ako sa impiyernong buhay na 'to kahit ano'ng mangyari! Palingon-lingon ako sa paligid habang dinadaga sa kaba ang aking dibdib. Mabilis ang kilos ko at bawat segundo ay pinapahalagahan ko. Walang dapat makakakita sa akin. Patay ako kapag nakita ako ng kung sino man dito sa mansion. Hindi matutuloy ang pagtakas ko at baka tuluyan na akong makulong dito habang-buhay. "Kung hindi pa unti-unting bumalik ang aking alaala ay habang-buhay na lang akong mabubuhay sa kasinungalingan! Gago siya! Napakasama! Mabuti na lang at bumalik na lahat ng alaala ko! Hindi ko siya asawa! This relationship is wrong from the very start! Bakit ba ako sumama sa kanya? Kung siya naman ang dahilan para mawala ang aking alaala!" Kaya pala may pumipigil sa akin na huwag sumama sa kanya noong nasa ospital ako. Dapat talaga sinunod ko ang utos ng utak ko. Hindi pala ako safe sa kanya dahil siya ang isa sa dahilan kung bakit ako naaksidente. Kung bakit nakalimutan ko ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko! Naalala ko na ang lahat! Ang lahat nang tungkol sa aking pagkatao. Hindi ako asawa ni Vulcan at hindi pwedeng mangyari iyon kahit kailan! For God's sake! I am his niece and he is my uncle! Kapatid siya ng Papa ko sa ama! At kahit bali-baliktarin man niya ang mundo ay hindi pwedeng maging kami! Hindi pwede ang relasyon na pilit niyang ipinipilit sa akin! I remember all our past! Naalala ko kung paano niya ako takutin para lang pumayag ako sa gusto niya! This is all my fault! I know. Hindi ako nag-ingat! Hindi ko iningatan ang sarili ko. Wala akong magawa kundi ang umoo! Wala akong magawa kundi sumunod sa gusto niya! Ang tanga-tanga ko kasi! Hindi ko alam na humahanap lang pala si Uncle Vulcan ng paraan para makalapit sa akin. Para mahawakan niya ako sa aking leeg at hindi ako makapalag sa kanya. Naging parausan niya ako, ito ang papel ko sa buhay niya. Hindi ako makatanggi, hindi ako makapalag. Wala akong lakas magsumbong kay Papa lalo na at puro kabutihan ang pinapakita ni Uncle Vulcan sa harap ng mga magulang ko. Malaki rin ang utang na loob ng mga magulang ko sa kanya dahil siya ang naging takbuhan nina Papa at Mama nang bumagsak ang lahat ng negosyo namin. Kaya paano ako magsusumbong sa kanila? Baka baliktarin pa ako ni Uncle Vulcan lalo na at mabuting lalaki ang tingin nila sa kanya. Samantalang ako ano? Isang pasaway na anak na wala ng ginawa kundi ang mag-bar at sumama sa barkada. And speaking of bar. Ito lang naman ang dahilan kung bakit napunta ako sa sitwasyon na hindi ko gusto! I was drunk and my Uncle took this as an advantage to have me. Kapag naalala ko kung paano ko ibinigay sa kanya ang iniingatan ko. Labis akong nagsisi at parang gusto kong inuntog ang sarili ko sa semento. Ako ang nagbigay ng daan sa kanya para maangkin niya ako! Dahil sa isang gabi ng pagkakamali nabago ang buhay ko sa isang iglap. Naging parausan niya ako at hindi ko iyon matanggap! Hindi lang iyon, gusto niya na habang-buhay na magkaroon ng lihim na relasyon sa akin! He is obsessed with me. Fourteen years old pa lang ako ay lihim na siyang may pagtingin sa akin. Lagi siyang nakabantay sa kilos ko, laging nakamasid. Inamin niya ito sa akin nang halikan niya ako. Hindi man lang siya nahiya na aminin sa akin na bata pa lang ako ay pinagnanasaan na niya ako. Kung sana naging maingat ako sa aking sarili, sana hindi siya nakalapit sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko nang makalayo ako sa kwarto namin ni Uncle Vulcan. Kung saan naging asawa niya ako for almost three months. Kung saan paulit-ulit na nangyari ang hindi dapat mangyari. Hindi ito ang oras para alalahanin ko ang nakaraan. Dapat na akong tumakas bago pa man siya makabalik dito. Dapat wala na ako rito pagbalik niya! Nakababa ako sa napakatarik na hagdan na walang nakakapansin sa akin. Madilim ang paligid kaya tamang-tama lang ito para sa aking pagtakas. Marahan ngunit maliksi ang aking kilos. Bago pa man may makapansin na nawawala ako sa aking kwarto ay dapat makalabas na ako rito sa mansion. Madali na lang ang magtago sa labas. Napakalawak ng saklaw na lupang pag-aari ni Uncle Vulcan. Hindi ko alam na ganito siya kayaman. Kung paano siya yumaman ng ganito ay hindi ko rin alam. Maybe he inherited so much from my grandfather. Siya ang tunay na anak ni Lolo Vicencio at si Papa ay anak lang sa labas kaya alam kong mas marami siyang minana kaysa sa aking ama. Nakalabas ako ng main door na walang nakakapansin sa akin. Paano nga naman nila ako mapapansin kung nasa kasarapan na sila ng tulog? Malalim na ang gabi at alam kong naghihilik na silang lahat. Well, except sa mga security guard na nagroronda sa buong paligid ng mansion. Ito ang malaking problema ko ngayon, paano ako makakatakas sa kanila? Hahanap ako ng magandang timing. Kapag umalis sa gate ang mga nagbabantay para jumingle oh ano, kukunin ko itong pagkakataon para makalabas. Naghintay ako ng halos thirty-minutes. Nawawalan na ako ng pag-asa actually dahil baka any moment din ay darating na si Uncle Vulcan. Nilalamok na ako sa kinaroroonan ko at halos mawalan na ako ng pag-asa nang biglang may bumusina sa labas. Kasabay nito ang pagbubukas ng gate. Kinabahan ako, narito na siya. Narito na ang halimaw! Tumakbo ako papunta sa gate. Sa madilim na parte para hindi ako makita. "s**t!" sabi ko sabay takbo sa sulok nang dumako ang headlight ng kotse sa kinaroroonan ko. Hindi ko napaghandaan ito kaya naman kitang-kita ako! Nagtatakbo ako papunta sa nakabukas na gate. Wala akong sinayang na oras dahil alam ko katapusan ko na kapag hindi ako nakalabas dito. Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagbusina ng kotse ni Uncle Vulcan na tanda na inuutos na niya na isara na ang gate. Nataranta ako. Alam ko binigyan na niya ng signal ang mga bodyguard niya para habulin ako. Hindi nga ako nagkamali. Pagtingin ko sa likod ko ay hinahabol na nila ako. Nakita ko pa na nakasunod sa kanila si Uncle Vulcan, masama ang hilatsa ng kanyang mukha at naririnig kong nagmumura. "Kuya...maawa ka. Pakawalan mo ako," pagmamakaawa ko kay Kuya Ronald na siyang nakahuli sa akin. Siya ang lider ng security team ni Uncle Vulcan at alam ko kung gaano siya kaloyal sa amo niya. Kaya naman imposible sa kanya na pakinggan ang pagmamakaawa ko. "Pasensiya na, Senyorita. Si Boss Vulcan lang ang susundin ko," walang emosyon na sabi ng matandang lalaki. Naiyak na lang ako. Lalo na nang sapilitan niya akong hilahin pabalik sa loob ng mansion. Subalit hindi ako sumuko, hindi ako nawalan ng pag-asa para tumakas. Naisip ko na kagatin siya sa kanyang braso. Napasigaw sa sakit ang matandang lalaki dahilan para mabitiwan niya ako. Nagtatakbo ako ng mabilis patungo sa gate subalit nahuli na ako dahil sarado na ito. "Nooooooooo!" sigaw ko habang malakas na umiiyak. Kinalampag ko ang gate at umiyak ako nang umiyak. "Sabi ko na nga ba nakakaalala ka na, Malzia. Kaya pala hindi mo na ako hinahalikan pabalik. Kaya pala para kang nandidiri kapag hinahawakan kita," tinig na naging dahilan para tumigil ako sa pagtangis. "Oo! Matagal na! And I hate you for doing this to me!" "Just hate me, baby. Magalit ka lang hanggang gusto mo. Pero heto lang ang masasabi ko sa iyo. Hindi ka makakatakas sa bahay na ito! Hindi ka makakawala sa buhay ko!" "Napakasama mo! Pinaniwala mo akong asawa kita! Hindi naman pala! Pamangkin mo ako Vulcan, bakit mo naman nagawa sa akin ito?" sumbat ko kay Uncle Vulcan nang humarap ako sa kanya. Galit na galit ako sa kanya dahil lahat ng alaala ng nakaraan ay bumalik sa aking isipan. "Because I love you. I won't let you go kahit ano pa ang mangyari. Kaya ikaw, huwag mong susubukan na takasan ako kung ayaw mong ikadena kita sa kwarto natin!" Napanganga ako sa sinabi niya. "How could you do that to me?" "Gagawin ko lang ito para hindi mo ako iwan. Marami ka pang nakalimutan tungkol sa atin at iyon ang hinihintay kong maalala mo. Nakalimutan mo ang pinakaimportanteng nangyari sa ating dalawa." Napamaang ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi pa kumpleto ang lahat ng alaala ko? Baka naman ginogoyo na naman niya ako? Para hindi ko siya iwan at masunod ang kanyang gusto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD