Kaagad kong nilapitan ang mga bintana nang makita ko sa salamin ang mga marka ko sa leeg at dibdib. Sinuri ko ito at nakita kong bukas ang mga ito at hindi naka-lock. Alam kong sinara ko ang mga ito nang bumaba ako kagabi! Ibig sabihin, hindi talaga panaginip ang mga naranasan ko kanina! Napatakip ako sa aking bibig nang pigilan ko ang isang tili. Gusto kong bumunghalit ng iyak ngunit hindi ko magawa! Sumusobra na si Uncle Vulcan! Hindi pa siya nakuntento sa paghalik sa akin at talagang pumunta pa talaga siya rito sa kwarto ko para ipagpatuloy ang kanyang kahibangan! Walang ibang maglalagay nito sa katawan ko kundi siya lang. Iyong halik na gumising sa akin at mapangahas na haplos ng kanyang mga kamay na humaplos sa bawat parte ng aking katawan ay alam kong kagagawan niya. Mabuti at hindi