Nikki ANG SAKIT NG katawan ko nang magising ako. Pakiramdam ko ay nag-surf ako sa Baler nang buong araw na paulit-ulit. Bakante na ang kama ko sa gilid. Hindi ko maiwasang malungkot kahit alam ko namang ngayon ang alis niya. Hinagip ko ang telepono ko sa gilid at tiningnan ang oras. Alas-onse y media. Nasa airport na siya ngayon. Walang message, walang tawag. Should I call him? I didn’t say goodbye last night. Bumuntonghininga ako at pumikit. Don’t make a fool of yourself, Nicole. Tapos na ang tatlong buwan na pinag-usapan ninyo. Pinili kong huwag siyang kontakin. Sa halip, kinuha ko ang unan na ginamit niya at niyakap nang mahigpit. Tahimik akong umiyak hanggang naidlip ako uli. Nagising lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Hailey. Nicole Dominique Milena Blanco Gising naa