Nikki BAKIT BA GALIT na galit ito? Unang-una totoo naman na may hinihintay ako. Si Liv. Kasi nga hindi siya nakaabot sa dinner naming kanina. Tapos hindi pa nakontento, kung dini-date ko raw ang kaibigan niya? Aba naman, may saltik talaga itong lalaking ito. Apat na taon kaming hindi nagkita tapos pagbibintangan ako na kinakalantari ko ang bestfriend niya sa likod niya. Siya nga itong nakikipaghalikan sa iba! At ito pa, inaaya na naman akong magpakasal? Hello? May asawa na siya ano, bigamy ang trip?? Paulit-ulit pa ang pagtatanong tapos sumabay pa ang pag-ring ng telepono ko. Diyos ko! Anak naman, wrong timing ang tawag mo at kausap ko ang iyong ama. Mabuti na lang at na-cancel ko ang tawag niya kung hindi ay mahabang paliwanag ang gagawin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung siya a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books