Chapter 4

2912 Words
Nikki INIKOT KO SI Hunter sa Tagaytay. Tumigil kami sandali sa lookout at itinuro ko ang bulkan. “Do you see that small cone na may ukab sa gitna?” Tumango ito. “Binintiang malaki ang tawag diyan ng mga tao rito. Sentro ng pagsabog back in 1700’s.” He looked amused. “How do you remember that?” tanong niya sa akin. “Genius ako,” walang gatol kong sabi. I have a photographic memory which helped me in med school. It made the road to medicine so much easier. “Wow! Hiyang-hiya naman ako sa katalinuhan mo,” napapalatak siya. Tumingin ako sa kaniya “Nagsalita ang hindi genius. I heard you skipped a couple of grades.” Akala naman niya walang-wala akong alam sa kaniya. “Ah—gino-Google mo ako?” nakangising sabi niya sa akin. “Mas matindi pa sa Google, kahit hindi ako mag-type sa keyboard—may voice recognition,” natatawa kong sabi sa kaniya. “What do you mean?” He seemed lost.  I smirked. “Si Hailey—daig pa ang Google.” Totoo naman, e. Mahilig kasi siyang magbasa at kahit tabloid pinapatulan. “Was that the girl you’re with that night?” tumango ako. Ngumiti siya. “Is she your sister?” Umiling ako. “You could say that. We’re very close katulad ng parents namin. She’s like a sister to me. Mas matanda ako sa kaniya ng apat na taon pero mas madami siyang alam na kalokohan sa akin.” Totoo iyon. Kung sa paglalandi lang, Summa c*m Laude si Hailey sa kaharutan ng bibig. “So what else did she tell you about me?” Aba, interesado. “Curious ka?” tanong ko sa kaniya. Napangisi siya. “Gusto kong malaman kung nasa pabor ko ang mga sinabi niya sa iyo.” Fine, paluluguran ko siya. I rolled my eyes. “She said you walked the runway.” He grinned. “And what did you think about that?” I looked at him, dead in the eye and swallowed. “Good for those women who saw you do the catwalk. I bet they were drooling.” Hindi ko napigilang umismid. Kapag naiisip ko ang bilang ng mga babae na pinagsasawa ang mga mata sa kabubuan ni Hunter ay naiinis ako. Nakakapagselos you mean? “Why do I think there’s a but coming?” He folded his arms across his chest. “I don’t like sharing my boyfriend with other women.” I chuckled to see his mouth gaping open in shock. I turned around and walked back to the car. “Are you coming? I’m hungry.” Tumalima naman ito at naglakad papuntang kotse. But to my surprise, he didn’t go to the passenger side. He walked towards me and pulled me into a tight embrace and kissed me. Iyong halik na may kasamang gigil. Pakiramdam ko ay dudugo ang labi ko. And then his kiss became gentle, softer. When he ended the kiss, it left me craving for more. Why did he stopped kissing me so soon? While his one hand was around my waist, his other hand caressed my face. “Wala kang kaagaw sa akin.” He said that before. At gusto ko nang maniwala sa kaniya. Pero kapag naiisip kong may tatlong buwan lang kami ay pilit kong winawaksi sa isip ko ang lahat ng nararamdaman kong kakaiba para sa kaniya. Hindi ko na sinundan ang sinabi niya. “Let’s go eat.” He kissed my forehead and went around the car to get to his seat. Dinala ko siya sa ATS. Pinili ko iyong kubo na tanaw na tanaw ang bulkan. Mahangin dito dahil may kataasan ang puwesto. Binuksan ko ang bintana at sumimoy ang sariwang hangin. Hindi kamahalan ang pagkain dito pero masarap. Nang iabot sa amin ang menu ay nag-order ako ng bulalo. Hindi puwedeng hindi ka hihigop ng sabaw kapag nasa Tagaytay ka. It’s the best! Habang nagtitingin naman siya ng menu ay nagtatanong siya sa akin kung alin ang masarap. Turo nang turo. By the time we realized it, puno na ang mesa namin nang i-serve lahat ng ini-order niya. “Ang dami nito! Kaya ba natin ubusin lahat yan?” palatak ko sa kaniya. “I want to taste them. We don’t need to finish all of it, baka manakit ang tiyan natin.” “Okay, sabi mo eh.” Mukhang sabik nga siya sa pagkaing pinoy kaya hinayaan ko na lang. Tinikman nga niya lahat. Makaraan ang isang oras ay tinanong ko siya. “Ano, busog ka na?” “Oo, pero kaya pa ng dessert.” Ibang klase rin ang tyan nito. “Anong gusto mo?” “Halo-halo. There’s a place in New York that sells it but I want to know if it tastes the same here.” Nag-order kami ng dessert, halo-halo sa kaniya at buko pandan sa akin. “Ano iyan? Bakit kulay green?” sabi niya sa akin habang kumakain ng dessert niya. In fairness, ang bilis niyang kumain kahit malamig ang kinaskas na yelo. “Buko pandan.” Sumubo ako. “Mukhang masarap,” komento niya. “Gusto mong tikman?” Inilapit ko sa kaniya ang baso ko dahil mukhang hindi pa siya nakakakain nang ganito at halata ko ang pagkatakam niya. But he stared at me at parang may kalokohan na naman siyang naiisip. “What?” tanong ko sa kaniya. Kasusubo ko lang ng dessert ko at nilunok ko iyon. “Hunt?” He leaned over and cupped my face for a kiss. Namilog ang mata ko at huli na para makaurong ako. Pinaraanan din niya ng dila ang labi ko at maya-maya ay pinalalim ang halik. I kissed him back. When he thought he had enough, he ended the kiss. “Masarap nga.” He grinned at me. Pagkuwa’y sumubo ng buko pandan at kumindat sa akin. This man was driving me insane. Kahit paikutin mo ako nang paulit-ulit sa race track ng sampung beses, hindi ko maiikumpara sa sensasyong pinupukaw niya sa akin simula nang magkakilala kami at wala pang kuwarenta y otso oras. Nakakahilo. The way he made me feel was new to me. Exciting and yet scary. I can’t fall in love with him. We only have three months. I bit my lip and made a decision. I’ll savour the moments I have with him for the next three months and be done with it after. Nang matapos kaming mag-lunch ay nakita niya ang Sky Ranch. Inaya niya akong pumunta roon.    “Are you sure?” tanong ko sa kaniya. Kakakain lang namin at baka magsuka kami pareho. “We’ll just take a look around.” Tumango ako. Magpapababa siguro ng kinain. As soon as we stepped in, he put his arm around me possessively. I looked around and women stared at him. They were admiring him. Sino ba ang hindi kung ganito kagandang lalaki ang kasama ko? Others were probably mind-raping him. I shook my head at hindi ko napigilang mairita. So, this is how it’s going to be everytime we go out? “What’s wrong?” tanong niya sa akin. “Huh? Ah, wala.” I can’t tell him how I feel. Ang relasyon namin ay kakaiba. Kami na hindi kami.Kasi may time limit. Huminto kami sa paglalakad at hinawakan niya ang mukha ko para patinginin sa kaniya. “Tell me,”pagpupumilitniyang wika. At dahil iritado ako, sinabi ko na ang totoo sa kaniya kahit baka lalong lumaki ang ulo niya. “Women are ogling you. It’s annoying.” I smirked at him. D*mn these women! Parang ngayon lang nakakita ng guwapo. This man was mine for the next few weeks. “The guys are doing the same thing to you. It’s annoying as f*ck!” Nagulat ako sa sinabi niya. Sa katitingin ko sa mga babaeng nakatitig sa kaniya, hindi ko napansin na ganoon din pala ang ginagawa ng mga lalaki sa akin. Naisipan ko siyang biruin. “Are you sure those guys are looking at me and not at you?” Nagpipigil ako nang tawa but my shoulders betrayed me and it started shaking. “You little tease!” His arms wrapped around me and he nuzzled my neck saka ipinatong sa balikat ko ang baba niya. Para bang ipinakita niya sa lahat na pag-aari niya ako. Nagkatawanan kami. “Let’s not mind them and enjoy our day, can we do that?” I said to him. He nodded in agreement. Naglakad-lakad pa kami at nang magsawa ay napatigil kami sa bandang may zipline. “Have you tried ziplining before?” He shook his head. “I didn’t have the time to try it.” “Come, let’s do it,” masayang aya ko sa kaniya. I love the thrill and I’ve done this countless of times. He looked hesitant. “Is it safe?” Tumango ako. “Oo naman! Naduduwag ka? And you said hindi ka malamya,” pang-aasar ko sa kaniya. Ngumisi siya at bumulong sa akin. “One of these days, I’ll show you the proof na hindi ako malamya. You might just fall for me.” He sounded so sure of himself. Nanigas ako sa sinabi niya. What was he trying to say? Did I go too far sa pang aasar ko sa kaniya? That made me nervous as f*ck! “Are you coming?” Nakakuha na pala siya ng tickets. I calmed myself at pinuntahan siya. When the attendant secured all locks, off we went. We had such a great time. We screamed our lungs out and the view was amazing. I love this place. I spent a lot of time here when I was younger. Nandito pa rin ang resthouse namin pero hindi ko sinabi kay Hunter. I didn’t even tell him my real last name. Mabuti na iyon para pagkatapos ng tatlong buwan, tapos na rin kami. I can move on faster. If you were in my shoes, you would do the same. Why give it your all on a temporary relationship? Magtira para sa sarili, remember that. Nang manawa kami sa Tagaytay ay nagdesisyon na kaming umuwi. “Saan kita ihahatid?” Nasa Star Toll na kami ngayon. Tumingin siya sa akin. Pero bago siya nakasagot ay nag-ring ang cellphone niya. He excused himself. “Rich.” He put him on speaker. “Where were you? You’re not replying to my text messages.” “Relax, I’m with her.” Narinig kong sagot niyarito. “Oh! Am I interrupting anything? You know.” Magkaibigan nga ang dalawang ito. Sinamaan ko siya ng tingin. “Actually you are.” He stuck his tongue out on me. Kung hindi ako nagda-drive ay binatukan ko na itong si Hunter. Bukod naman sa halik at ilang yapos, e, wala na kaming ginawa. “If that’s the case, I’m hanging up. I don’t want to hear any moaning and groaning!” Ang boses niya ay parang nandidiri. Sumabat na ako usapan nila. “He’s lying, we’re in a car.” “Holy f*ck! You’re doing it in the car?” Tumaas ang boses niya. Napabunghalit na ng tawa si Hunter. Nalukot ang mukha ko. That didn’t come out right. “No!” | “Yes!” Magkasabay naming sagot. I heard Rich laugh. “Hunter!” nanggigigil na ako sa kaniya. Nag-peace sign siya sa akin. “We’re currently in Star Toll. Galing kami sa Tagaytay.” “Oh, okay, akala ko naman kung ano na. It was too much information, you idiot! It’s nice there in Tagaytay. By the way, your mother was looking for you. Hindi mo raw sinasagot ang message niya. Are you sleeping over tonight at the house?” He looked at me. He was contemplating if he was sleeping over at his friend’s house or crashing at my place again. I guess the first one won. “Yes, I’ll sleep there tonight. Where are you?” “I’m at a coffee place.” Sinabi niya kung saan. “Okay, I’ll ask Nicole to drop me off there instead.” We reached the coffee house and I dropped him off as planned. “Thank you for letting me crash your place and for today. I had fun.” I nodded and smiled at him. He kissed my cheek and got out of the car. Hindi na ako bumaba, nakahimpil lang ako sa gilid at bawal magtagal doon. I waved at Richard when I saw him by the door. Hinihintay ang kaibigan niya. Nang makarating ako ng bahay ay umupo ako sa sofa at binuksan ko ang telebisyon. Walang partikular na palabas. Nag-check ng messages sa cellphone ko. 10 messages received from Hailey. Hoy babae! Nasaan ka? Bakit hindi ka sumasagot? Baka masobrahan ka nyan, umihi ka muna! Hahaha! Yummy ba? Nakakatuyot daw pag minayat maya eh! Hooooy! Hindi ka na nagreply? Sobrang busy?? Ano na? Masarap ba? Malaki? Magkuwento ka naaaaaaaaa! Nanghilakbot ako nang mabasa ko ang mga messages ni Hailey. Talagang nasobrahan na nang pagbabasa ng mga nobela niya at ako ang pinupuntirya. Tinawagan ko siya. “Hello, Team Blooming!” sabi niya sa akin. “Hoy! Magtigil ka nga! May team-team ka pa riyan. Ibig sabihin, Team Tigang ka?” ganti ko naman sa kaniya. Humalakhak naman ito at inignora ang sinabi kong team tigangsiya. “O, bakit, totoo naman! Blooming ka, ’te! Ganiyan daw kapag nadidiligan!” “Hailey Harper!!!” Pulang pula ako at sobrang init ng mukha ko. Isama mo na rin pati ang buong katawan. Images of Hunter kissing me. Sh*t! Erase! Erase! “Nagkasya ba? Masarap daw kapag masikip sabi nila, e. Ano’ng feeling?!” patuloy ang pagtatanong niya nang kahalayan. Sa totoo lang, walang boyfriend iyan, talagang bulgar lang magsalita while Heather was a little subtle than her. Heather was her twin sister. Sa unang tingin—magkamukha sila, pero kapag tinitigan mo, makikita mong may pagkakaiba. Sa ganiyang pananalita at galing mang-asar ni Hailey kaya madalas silang magbangayan ni Dom. Sometimes, I wonder if they secretly like each other. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love daw. Anyway, let’s see if this two will end up together. “Ikaw, Hailey, kapag hindi ka tumigil, isusumbong na talaga kita sa parents mo. Bakit ang dami mong alam? Nagawa mo na ba?” “Of course not! Madami lang akong nababasa kaya ko nga tinatanong sa iyo para malaman ko kung totoo,” depensa niya. “So,gano’n na tayo ngayon, ako na ang guinea pig mo?” Siguro pagkatapos magtanong sa akin isusulat sa mga nobela niya. Hay, sus! Itong babaeng ito, nakakasira ng ulo. Good luck na lang sa magiging boyfriend niya. Sana kayanin ang talangka niya sa utak na ubod ng laki. Napabunghalit naman si Hailey nang tawa. “So, ano na nga ang update? First day ninyo as boyfriend—girlfriend ngayon, hindi ba?” Napabuntonghininga ako. “Hindi nga inabot ng pagsikat ng araw, e.” Parang fairy tale, by midnight—automatic na activated ang proposal niya. “What do you mean?” Curious na naman siya. I haven’t told Liv, my best friend who was in New York, about Hunter yet at dahil si Hailey ang madalas kong kasama lalo na noong gabi ng bet—siya palagi ang nakakakuwentuhan ko tungkol sa temporary boyfriend ko. “Tumawag siya pasado alas-dos ng umaga, kakaidlip ko nga lang, e, nambulahaw na. He said he needed a place to crash.” I said dryly. Tumili ng matinis si Hailey na makabasag bubog kaya inilayo ko ang telepono sa tenga ko. “Ahhh! Seryoso? Natulog siya sa place mo? Oh my God! Oh my God! So did you do it?” Atat na naman ito. Minasahe ko ang tainga ko, nabasag yata ang eardrum ko sa tili niya. “Hailey! Grabe ka makatili, nabingi na yata ako.” “Sorry, sorry, sobrang excited lang ako sa inyo! So, ano na nga, what happened next?” Alam mo iyong feeling ng bata kapag naghihintay ng araw ng Pasko para mabuksan ang mga regalo niya? Ganoon si Hailey. Hindi makahintay! “Wala, natulog kami,” walang buhay kong sabi. “What? Hindi man lang kayo nag-make out?” Balot na balot ng disappointment ang boses niya. “Hindi rin.” I’m not telling her what happened early this morning. No way. “Ano ba yan?! Akala ko pa naman naka-score ka na!” See what I mean kapag nagsasalita siya?“Ano iyan, basketball? May score score ka pang nalalaman!” “Psh! You know what I mean!” Natawa ako sa kaniya. I did know exactly what she meant. “Hay naku, Hailey Harper! Walang mangyayari. Matatapos ang tatlong buwan na wala, kaya huwag kang atat!” tatawa-tawa kong sabi sa kaniya. “Never say never!”Ang malakas niyang tawa na may kasamang landi ay umalingawngaw. Napailing na lang ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD