Nikki SINUNDO NI RICHARD si Hunter bandang alas-nuwebe ng umaga. Ako naman ay umalis ng alas-diyes papuntang Lipa. Mula nang nahilig si Daddy sa golf ay mas madalas silang tumigil ni Mommy dito sa villa namin. Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Dom pero papunta na raw. I saw Daddy waiting for me by the front door. His arms were waiting for a hug. Sa edad na singkwenta ay matikas at guwapo pa rin ang aking ama. The Matteo Blanco. Former CEO & President of MB Corp. Ngayon ay si Dom na ang pumalit sa kaniya. Niyakap ko siya. His arms automatically wrapped around me. “Good morning, Daddy!” I am close to both my parents at wala akong itulak kabigin sa kanila. “How’s my princess?” Inayos nito ang buhok kong ginulo ng hangin at masuyo akong tiningnan. “I’m all right,” maiksing sagot ko s