NAIINIS NA INITSA ni Georgianne ang cellphone sa loob ng hand bag. Paanong hindi? Pinapauwi na siya ng kanyang ama sa mansion. Ayon dito ay gabi na at hindi na uwi ito ng matinong babae.
Nagkayayaan kasi silang magka-kaibigan na mag bar. Wala yatang linggo na hindi siya tumatapak sa ganoong lugar. Para sakaniya, hindi niya kayang mabuhay na walang night life. Party is her life. It makes her alive.
Napabuntong-hininga na lang siya. Mahal na mahal niya ang magulang at pamilya. Pero wala pa siyang balak iburo ang sarili sa napakaboring nilang mansion. Halos hindi na nga sila magkakitaan doon sa laki. At isa pa, alam niyang sermon lang ang ipapakain ng magulang sakaniya, maging ang nakakatandang kapatid na lalaki. Sa kanilang magkakapatid kasi, siya iyong naturingang black sheep ng pamilya. Siya ang babae, pero siya 'yung sakit sa ulo at pasaway. Unlike her two brothers, they are both prim and proper.
Sabi nga ng ama niya, ibang iba siya sa inang si Georgina. Tanging ang itsura lang ng ina ang nakuha niya, ngunit ang personalidad ay ibang-iba. Modernang babae siya. Wild. Naniniwala kasi siyang isang beses lang nabubuhay ang tao, kaya dapat gawin na nito ang mga bagay na makakapagpasaya rito. Masyadong maikli ang buhay, pwedeng mamaya, pwedeng bukas ay pumanaw ang isang tao, tapos hindi pa nito ginawa ang bagay na gusto nitong gawin? Ayaw niyang may pagsisihan.
So, she lived her life to the fullest.
Na siyang hindi maintindihan ng pamilya. Pero dahil mahal na mahal siya ng mga ito, ay wala nang nagagawa ang mga ito. Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto. Noong nag-aaral pa nga siya ng kolehiyo, ang tawag sakaniya sa University ay "queen". Bratinella naman siya para sa mga may ayaw sakaniya.
Hindi lang din iilang beses na kinulit siya ng mga ito na magtrabaho na pagka't nagtapos naman daw siya ng apat na taon na kurso sa isang prestihiyosong unibersidad.
Pero hindi pa siya nahihibang!
Bakit naman niya hahayaan ang sarili maging katulad ng kuya niya na magkandakuba sa pagta-trabaho kung mayroon naman silang mga empleyado na kayang gawin ang trabahong 'yon? Para saan pa't naghirap ang kanyang magulang na marating ng mga ito ang kinasasadlakang lifestyle kung magta-trabaho rin siya? Isa pa, hindi iyon ang linya niya. Wala talaga siyang kainte-interest sa family business nila. Paano niya ma-manage ang isang kompanya, eh kung ang kanyang buhay nga, hindi niya maisa-ayos?
Ang tagal na niyang freeloader. Pero masaya siya. At hindi naman siya ganoon ka-impokrita para hindi amining parang walang direksyon ang buhay niya. Nakakahiya man na siya 'yung babae, pero siya pa talaga ang nakaramdam ng ganito.
But who can blame her? Masaya ang mag bar at mag club gabi-gabi. Mag hunting ng mga cute boys. Mag shopping gallore at sairin ang maximum limit ng kanyang credit card. Sinanay at bineybi siya ng magulang. Noon pa mang bata siya, na-spoiled na siya ng husto ng magulang maging ang kanyang mga Lolo't lola. Sakaniya ibinuhos ng magulang ang pagkukulang ng mga ito sa kapatid na si Elkanah. Nasobrahan nga lang yata, kasi nagkaroon siya ng buntot at sungay. Pero may puso pa rin naman siya.
She may be a b***h and the biggest flirt in town, ngunit may puso siya. Sometimes, she can be so fragile and gullible. Iyon ang bagay na hindi alam ng karamihan. Sabagay, kadalasan naman kapag kinaiinggitan ang isang tao, ang bad sides lang lagi nito ang nakikita at hindi nakikita na may good sides din naman siya.
Gaano man sila kayaman, pero hindi miminsang pinagbantaan na siya ng ama na kapag hindi siya nagtigil sa mga kalokohan niya sa buhay ay puputulin na nito lahat ng ATM at credit cards niya. Tinakot din siya ng mga ito na tatanggalan siya ng mana kapag hindi pa siya nagpakabait.
Pero alam niyang hindi rin naman siya matitiis ng mga ito. Magpaawa lang siya sa mga ito ng kaunti ay lumalambot na ang mga ito sakaniya.
Nakakainis! Bakit ba kailangan siya ng mga ito pilitin na magpakatino at asikasuhin ang business nila? Hindi pa naman senior citizen ang mga ito, bata pa ang mga magulang, idagdag pang ang kanyang Kuya Elkanah ang acting CEO.
Napasinghap siya nang biglang may humalik sa batok niya. Sasampalin na sana niya ito nang pagharap niya ay nakita niya ang katipan na si Luiz.
Mukhang kakarating lang nito sa bar. At nakatodo-porma ito. Tinaasan niya ito ng kilay. "How do you know I'm here? I didn't invite you, honey." aniya.
Inginuso ng mga ito ang mga kaibigan niya. Pagtingin niya sa mga ito ay kinindatan lang sila ng mga ito. Natatawang nailing na lang siya. "Hindi mo ba gusto ang presensya ko?" tanong nito.
Tumama sa mukha nito ang neon lights. "No, it's not like that. Hindi ko lang inexpect na makikita ko ang boyfriend ko ngayon," bahagya pa siyang lumapit at sumigaw dahil napakaingay at malakas ang background music ng bar.
Natawa ito. "Mabuti nga't dumating ako, dahil sa nakikita kong tingin sa'yo ng mga kalalakihan ay parang gusto ka nilang kainin ng buhay..." tumikhim ito.
Humalakhak siya. "Well, you can't blame them! Your girlfriend is hot and gorgeous, Luiz. That's one of the perks of having a goddess girlfriend," proud niyang sabi.
Hindi maipinta ang mukha nito sa sinagot iya. Humalukipkip pa ito at tila hindi natuwa sa pagiging "okay" niya na titigan siya ng mga kalalakihan doon.
"O, bakit ganyan ang mukha mo? May problema ka ba sa sinabi ko?" Mataray na tanong niya.
Kay bilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Napakamot ito sa ulo. "Georgianne, hindi ko lang gustong bukod saakin ay may iba pang tumitingin sa'yo,"
"Nag girlfriend ka ng maganda eh. Sorry ka,"
"Halika na, doon na tayo sa table niyo." anito.
"Sige mauna ka na roon, mag ba-banyo lang ako. Kanina pa ako naiihi eh," totoong sabi niya.
Tumango ito. "Bilisan mo,"
Madilim ang buong bar at tanging iba't ibang kulay lang na galing sa kisame ang nagsisilbi para magkakitaan ang mga customer. Alam naman niya ang daang patungong banyo dahil halos lahat na yata ng bar ay napuntahan na nila.
Umihi lang siya at nagretouch ng make-up. Nang sa tingin niya'y ayos na siya ay lumabas na siya ng comfort room. Ngunit, nagulat siya nang biglang may humablot sa braso niya sa dilim.
Napatili siya. "Pwede ba tayong magusap?" natinigan ni Georgianne si Henry. Ang kanyang ex-boyfriend. Oh, scratch that. MU lang pala. Hindi nga pala siya totoong nakikipagrelasyon, Luiz is an exemption.
"Ano pa ba ang dapat nating pagusapan, Henry? Hindi ka ba makaintindi? Wala namang tayo, ayaw ko na!" mariin ngunit mahinang sigaw niya.
Hindi naging hadlang ang kadiliman ng bar para hindi niya makita ang pagdilim ng mukha nito. "So, ano? Ganon ganon na lang 'yon? Ano ba ang akala mo sa mga lalaki? Laruan? Na kapag sawa kana laruin itatapon mo na?!" Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.
Napapiksi siya. "A-Ano ba...! Nasasaktan ako ha!"
"Ngayon nag-iinarte kang masakit ang pagkakahawak ko sa'yo, pero 'yung sakit na iniiwan mo rito sa puso ko, naisip mo ba 'yon, ha? Mahal na mahal kita, Georgianne! Sayo uminog ang mundo ko, kahit mukha na akong asong ulol na habol ng habol sa'yo, ginagawa ko...!" nagulat ang dalaga nang mapahikbi ito.
Gusto mang maawa rito ni Georgianne ay hindi niya magawa. Alam niyang totoo ang nararamdaman sakaniya ni Henry. It's just that... siya ang may problema. Gustong gusto niya ng atensyon ng kalalakihan, ang mabaliw ang mga ito sa alindog niya, pero kapag nagtatapat na ang mga ito ng pag-ibig ay nawawalan na siya ng gana at interest. At ayaw niya nang minamahal siya. Pakiramdam niya ay nasasakal at nape-pressure siya. Hindi niya alam kung paano suklian ang pagmamahal na 'yon. Dahil wala naman siyang ibang minahal kundi si Luiz lamang. Noon hanggang ngayon. Ayaw niya ring iyong clingy at possessive. Ayaw niya nang pinagbabawalan siya at inoorasan. Ayaw niya ng kinukulong siya at inaari. At walang sinuman ang makakapag-paamo sa isang Amari Georgianne Rosselli!
Ang nagmamay-ari lamang sakaniya ay tanging sarili niya.
Pinilit niyang magpakahinahon. Hindi niya dapat sabayan ng galit si Henry. Kailangan niya itong i-reverse psychology kung kinakailangan. "Sweetie, hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. You should have told me..." at hinimas pa ang braso nito.
Natigilan ito. "Henry, we can still talk some other time. You have my number right? I promise, I'll call you. I just want to go home, masakit ang ulo ko, ohhh..." kunwa'y sinapo niya pa ang masakit na ulo.
Pero hindi na gumana ang taktika na iyon kay Henry. Tila nadala na ito sa galing niya magpalusot at mag-acting. "Hindi...! Hindi...! Hindi mo na ako madadala sa ganyan mo, don't you think I don't know you? Ibinigay ko sa'yo ang lahat, Georgianne! Inalay ko sa'yo ang lahat. Pero sinaktan at niloko mo pa rin ako!"
Hindi na mabilang ni Georgianne kung pang ilan si Henry sa nagsabi ng ganoong kataga sakaniya. "Sweetie..."
Bago pa siya makapagsalita ay nagulat siya nang biglang tumumba sa sahig si Henry. Nakita niya si Luiz na hinihingal sa galit. Pinag-uulanan nito ng suntok ang lalaki. "Don't you f*****g touch my girl, you bastard!"
Hindi na nakatayo pa si Henry at naging duguan ang mukha. Kinakabahang napahawak siya sa nobyo. "L-Luiz... tara na, come on. H-Hayaan mo na siya," nahintakutang sabi niya.
Hindi pa sana ito papapigil kung wala lang nagsi-datingan na mga bouncer. Habang daan palabas ay panay sisi nito sakaniya. "See what I've told you? Kung hindi ka sana nagpupunta sa bar, hindi ito mangyayari sa'yo. Kung hindi sana ganyan ang suot mo hindi ka nababastos. Pang ilang beses na ba itong nangyari ha, Georgianne?"
Napairap siya. "It's not about how I dress. May mga tao lang talagang kasing babaw mo mag-isip at mga taong hindi marunong mag move-on na tulad ni Henry. Can you please stop victim-blaming? Kung pinalaki kayong may respeto sa kapwa niyo, rerespetuhin niyo ang desisyon at kasuotan ng kapwa niyo. I may be a slut to everyone's eyes, pero pinalaki ako ng magulang ko na may respeto sa kapwa. Iyon ang mas mahalaga kaysa kung gaano kalandi ang isang tao," taas ang kilay na sagot niya sa nobyo.
Natakot naman si Luiz sa naging sagot niya at marahil ay ayaw nitong mag-away sila kaya naman nagtaas ito ng dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"Wala na akong sinabi. Halika, I'll drive you home,"
"Iyan ang mabuti mong naisip." Nagpaalam siya sa mga kabigan niya at tinungo na nila ang parking ng bar kung saan naroroon ang motor nito.
~
MALAYO PA LANG si Georgianne sakay ng bago niyang biling big bike na KRGT-1 ay tanaw na niya ang isang itim na BMW sa pinaka-latest model nito na nakaparada sa labas ng kanilang mansion.
Nilingon naman siya ni Luiz na siyang nagmamaneho ng binili niyang big bike. Katunayan wala naman siyang hilig sa pagmo-motor. Ni hindi nga rin siya marunong mag drive kahit kotse. Binili niya iyon para sa kasintahan. Lagi kasi nitong inuungot iyon at naiinggit daw sa mga kaibigan nitong magaganda ang mga big bike. Kaya naman noong monthsary nila ay para matigil na ito ay niregaluhan niya ito ng pinakamamahaling big bike ngayon sa bansa. Buti na lamang ay hindi napansin ng magulang niya at ng kuya niyang si Elkanah, o mas sanay siyang tawaging Giovanni na nabawasan ang kanyang savings.
Kaya naman halos mahimatay si Luiz sa sobrang saya at panay ang pagbibida nito sa mga tropa nito. Wala namang kaso iyon sakaniya. Masaya siya na nakikitang masaya ang kasintahan. Mahal niya si Luiz. Maaring play girl siya, pero sa dinarami-dami nang lalaking nagkakagusto sakaniya, tanging si Luiz lamang ang nagustuhan at hinahabol-habol niya. Mahilig kasi siya sa mga lalaking mala bad-boy ang datingan. Ayaw niya ng mga lalaking katulad ng kanyang kuya Elkanah. Masyadong good boy, boring at seryoso! Ayaw niya ng ganoon. Gusto niya ng may thrill. At gusto rin niya ng lalaking hindi boring at marunong magsaya, dahil bar-hopper siya. Life of the party, ika nga. Hindi yata siya mabubuhay kung hindi siya magba-bar. Paboritong hobby niya rin ang pag gasta ng pera. Wala namang problema 'ron, dahil napakayaman ng pamilya nila. They owned the number 1 BPO company here in the Philippines. Napakarami nilang clients at branches. Their family were considered as one of the most influential and richest family in the country. Ang kapatid niya ay may sarili ring lingerie company. Humihiga nalang siya sa salapi. At wala siyang gusto na hindi natupad o nasunod.
Unica-hija siya ng mag-asawang Travis at Georgina Rosselli. At mayroon siyang dalawang kapatid na siyang si Elkanah at Giuseppe, mas bata sakaniya ng limang taon ang huli. Kaya sumatutal, senyoritang senyorita ang dating niya. Wala siyang ginustong hindi nakukuha. Mapabagay man 'yan o tao. Walang sinumang makakatanggi sa isang Georgianne Rosselli.
"Napakagandang kotse. Sainyo ba 'yan?" Manghang tanong ng nobyo. "Aba, kakabili niyo lang noong nakaraan ng Porsche, ngayon BMW naman...? Iba talaga kapag mayaman..." nahimigan ng dalaga ang panibugho sa boses nito.
Nagkibit-balikat siya at tinanggal na ang helmet nang nasa harapan na sila ng mansion. "I doubt that, Luiz. Mayaman man ang pamilya ko, pero hindi naman sila basta-basta bumibili ng kotse dahil trip lang nila. Baka may bisita sila mommy," aniya.
Pinatay na ni Luiz ang makina ng motor at ibinaba rin ang helmet. "Gusto mo bang pumasok sa loob?" tanong pa uli niya.
Nagkunot ang noo nito. "Ano'ng klaseng tanong 'yan? Malamang. Naiintriga ako sino ang bisita niyo at ganyan kaganda ang kotse!"
"Aba, malay ko ba sa'yo? Isang suntok sa buwan ang mapapayag kang pumasok sa mansion at humarap kila mama," busangot na sagot niya. Totoo iyon, tila pinakaiwas-iwasan talaga ng binata ang kanyang magulang. Hindi niya alam kung natatakot, nahihiya o naiintimidate lang ito. Kahit ilang beses niyang sinabing gusto ng magulang niya makilala ito at mabait ang mga ito.
Ngunit puro iling at tanggi lamang ito. Tila takot na takot. Kaya naman ipinagpalagay niyang hindi pa ito ready. Marami pa namang araw at ayaw niya ring pilitin ang kasintahan.
Pumirmi ang mukha nito. "Ilang beses na nating pinag-usapan 'yan ah. Alam mo naman kung bakit, di ba? Unawain mo naman ako..."
Iwinasiwas niya ang kamay sa ere at binuksan ang gate. "Oo na. Oo na. Pumasok na tayo sa loob," Nag-uusap pa sila habang naglalakad kaya naman nagulat sila nang pagpasok nila sa sala ay may tila seryosong prayer meeting na nagaganap sa salas.
Kabilang doon ang kanyang ina, ama at ang kapatid na si Elkanah at isang lalaki... parang nasa business conference ang mga ito kung mag-usap at hindi nasa bahay.
Nahigit ni Georgianne ang hininga nang matitigan ng mabuti ang isang estrangherong lalaki. Parang pamilyar ito sakaniya... hindi niya lang matandaan!