INTRODUCTION:
Ryan Dela Cruz, the heartthrob clown. He loves to sing, dance, and play jokes on his friends. He is not a natural academic, but his thoughtful insight and surprising wisdom serve him and his friends well. As the second grandson of a wealthy family, Ryan faces the difficulties of being a young adult in high pressure because he has to continue their business—including marrying Wynter Juarez.
Wynter Juarez is the youngest daughter of a well-known family, too. She doesn't often share her emotions with others. She feels things deeply and uses her sarcasm and attitude as a shield. She has feelings for Ryan which was started a long time ago but refused to marry him because she knew that Ryan has someone else. But her family's expectations become hell for her instead of being her courage. She can't say no and can't fail. Even if it breaks her own heart during the process.
* * *
RYAN'S POV
Paalis na sana ako sa bahay para pumunta sa tagpuan namin ni Ryza nang bigla niya akong tawagan at sabihing male-late raw siya—mga dalawang oras.
May date kasi kami ngayon. Buti nga ay um-oo siya, noon kasi sa tuwing nag-aaya akong lumabas ay lagi niyang dinadahilan na busy siya. Well, totoo naman din dahil hindi lang isang branch ng café nila ang inaasikaso niya. Mas nadagdagan pa 'yon at nagkaroon na rin sa mga kalapit na city.
"Sige. Sino ba naman ako para umangal?" paawa kong sabi sa kaniya. Pero kunwari lang naman. Baka sakaling lambingin ako nito.
"Sorry talaga, Ryan. See you later." Oh, see? Hindi niya talaga ako nilambing. Sana all pusong bato.
Napailing na lamang ako at saka na nagpaalam sa kaniya. At yayamang ayoko rin namang maghintay nang matagal sa meeting place namin, naisip kong mamaya na lang din pumunta.
Pero ayokong ma-bored dito sa bahay nila Keycee kaya naisipan ko na lang lumabas. Dito na naman kasi ako natulog kagabi. Ayoko sa bahay dahil nai-stress ako sa mga ipinapagawa sa akin ni Tito—daddy ni Kuya Ace.
Simula kasi noong maka-graduate ako ng college, I mean, kahit hindi pa nga ako nakakatapos, kinailangan na nila akong i-train sa company dahil wala naman daw silang ibang aasahan na magtataguyod no'n kun'di ako. Ayaw kasi ni Kuya Asyong.
Pero parang hindi kinakaya ng utak ko ang mga trabaho sa kompanya dahil nabo-boringan ako. Mas naliligayahan pa ako sa vlogging. Napaka-natural lang.
Hindi katulad sa kompany na kailangan ko pang magpanggap na matino at disente. Ang hirap kaya magpanggap na normal kapag natural kang abnomal. Masakit sa gulugod.
Pasakay na sana 'ko sa kotse nang tumunog ang cell phone ko. Si Keycee ang nakita kong tumatawag kaya agad ko 'yon sinagot.
"Nasa'n ka?" bungad niya sa 'kin. Wala man lang hello, para makasagot man lang sana ng, is it me you're looking for? I can see it in your eyes. I can see it in your smile. You're all I ever wanted.
"Nasa bahay. Pero paalis na," sagot ko.
"Pakisundo mo muna ang mga pamangkin mo sa school. Medyo male-late kami ng uwi ng Kuya Ace mo."
"Nasaan ba kayo?"
"Sasaglit lang sana kami sa puntod ni lola. Pero pinapadaan kami ni mama sa mansyon dahil miss na nila si Summer."
Oo nga pala, two years ago ay binawi na ng Maykapal ang buhay ng lola niya. Rest in peace po kung nasaan ka man. At si Summer naman ay ang babae nilang anak na ngayon ay dalawang taon na mahigit.
"Sige. Ako na bahala. Pero umuwi kayo agad. May date ako mamaya. Baka magpumilit na naman sumama sa 'kin si Hope, kakaltukan ko na talaga 'yon!" sagot ko. Sa tatlo kasi nilang anak, si Hope ang maka-Tito Botleg.
Sa tuwing nasa kanila ako, hindi humihiwalay sa akin ang isang 'yon. Daig pa linta. At sa tuwing wala silang pasok, kapag narito ako sa kanila at maririnig niya akong aalis, tatakbo na 'yon habang sumisigaw ng 'sama kooooo!'
May pagkakataon pa ngang magkaiba ang sapatos niyang naisuot noong minsan na humabol sa akin dahil sa pagmamadali. Kapag hindi ko naman isinama, ako pa ang masama.
Matindi rin ang kalokohan ng Hope na 'yon noong minsan na may date kami ni Ryza Samson at nagpumilit din siyang sumama. Sinadya niyang umutot at saka niya ako biglang pinagbintangan. Nasa magarang restaurant pa naman kani nu'ng time na 'yon kaya hiyang-hiya ako. Haay. Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana samantalang hindi naman loko-loko ang mga magulang niya.
***
"Tito Betloooog!" Malayo pa ay dinig ko na ang pagsigaw ni Hope sa pangalan ko. Naka-park ako sa gilid ng daan, sa harap ng school nila malapit sa gate, habang nakasandal sa hood ng kotse ko.
"Maka-Tito Betlog ka na naman! Gusto mong stapler ko 'yang bibig mo? Nasa'n 'yung mga kapatid mo?" tanong ko nang abutin ko ang bag niyang de-gulong at ipinasok 'yon sa compartment sa likod.
Natatawa niya akong sinagot. "Si Love nasa room pa, nagmamagaling sa teacher. Si Faith naman ayaw palabasin ng teacher."
"E, ikaw, ano'ng ginawa mo sa teacher?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
"Tinakot ko. Sabi ko iki-kiss ko s'ya. Ayun, natakot. Go to hell sabi sa 'kin. Ay, go home pala!" natatawa nitong sagot at nakipag-fist bump pa sa 'kin.
"Ang bilis talaga ng panahon. Nu'ng bata ka ang sarap mong ibalibag, ngayong seven ka na, mas masarap ka nang ibalibag!" Natawa pa ako habang napapailing. "Halika na nga! Puntahan natin 'yung dalawa dahil..." binalingan ko siya at tiningnan niya rin ako nang nakangisi. "May humihingi ng tulong~!"
"May humihingi ng tulong~!" Second voice niya.
Ako ulit. "May humihingi ng tulong~ do'n sa room."
"Tahahaha!" Napatingala pa ito habang tumatawa. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ng dalawa dahil magkaklase lang naman silang tatlo.
***
Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang matawa sa kuwento nila. Si Hope ang katabi ko sa harap, sa backseat naman ang dalawa. At ayun nga, itong si Love pala ay nagtagal sa room dahil ang mga math problems na hindi pa naman nila natatalakay ay itinatanong na niya sa teacher niya kung paano gawin. Wala namang magawa ang teacher niya kun'di ipaliwanag sa kaniya 'yon dahil kapag hindi naman daw nito 'yon sinagot ay sasabihan siya ni Love Andrei ng 'hindi n'yo po siguro alam.'
At si Faith naman ang nakakatuwa sa lahat. Hahaha! Hindi ko pa naikukuwento pero solid ang tawa ko, buset!
Pa'no ba naman kasi, tatlong araw na silang nagsasagot sa window card. At sa tatlong araw na 'yon, si Faith ang laging nahuhuli. Napag-aabutan siya ng pagche-check nang hindi niya pa nasasagutan lahat kaya siya rin ang may pinakamababang score, dahil sa kalahating natapos niyang sagutan, kahalati lang din ang tama. Hahaha!
At kahapon daw, base sa kuwento ni Love, hindi natapos ni Faith na sagutan ang window card niya hanggang sa naabutan sila ng uwian. Kaya ipinauwi na 'yon ng teacher nila para assignment na lamang niya. At ang magaling na si Faith na mana sa mommy niya, naisipan pang mandaya. Dahil pagkatapos niyang sagutan ang window card na pina-assignment, ang ginawa niya sa dalawang window card pang natitira, 'yung multiplication at division na sasagutan nila kinabukasan ay sinagutan niya na rin sa bahay. Pero para hindi halata, lapis lang ang ginamit niya at malabo ang ginawa niyang pagkakasulat sa papel para bukas ay babakatin na lamang daw niya at lilinawan ang sulat para mabilis matapos.
At nagtagumpay naman siya sa wakas! Dahil kinabukasan nang sagutan nila 'yon ay halos nakasabay siyang matapos sa pinakamagaling sa klase nila na walang iba kun'di si Love. Kaya malapad pa raw ang ngiti niya nang ipasa niya ang papel sa teacher niya.
Pero ito na ang naging problema. Nang ipasa niya 'yon, nagtataka raw siyang tiningnan ng teacher niya at parang hindi makapaniwalang nakatapos siya agad. Tinanong pa raw siya nito kung nangopya siya. At noong sinabi niyang hindi, wahahahahahaha! Binigyan siya ng panibagong window card at pinaulit daw sa kaniya dahil lang sa hindi ito makapaniwalang nasagutan niya nang mabilis ang mga 'yon. Kaya ayun, kawawang bata, naabutan na naman ng uwian habang umiiyak na nagbibilang sa daliri.
"At d'yan nagtatapos ang alamat ng window card!" pang-aasar ni Hope sa kapatid niya sabay humagalpak pa ng tawa. Kahit ako, hindi ko rin napigilang matawa.
Pero dahil kanina pa ito mukhang badtrip ay nag-isip ako ng sasabihin para palakasin ang loob niya.
"H'wag n'yo na nga asarin ang kapatid n'yo!" saway ko sa dalawa. "Gan'yan din ako noon nu'ng elementary. High school na 'ko nu'ng ginanahan akong mag-aral."
"How 'bout college? Was it fun? I really want to go to college, if only I could speed up the time!" excited na sabi ni Love.
"Don't englishing me, Love Andrei!" Sinulyapan ko siya sa rearview mirror. "Kakanood mo 'yan ng peppa pig, eh!"
"Sorry. Mukhang kasalanan ko pang si Mr. Bean lang ang kinalakihan mo, Tito Ryan," pang-aasar niya sa 'kin.
Napailing na lamang ako at hindi na sumagot dahil saktong tumunog ang cell phone ko. Tumatawag si James, isa sa mga tropa ko at sinabi nitong sa dating gawi raw kami. Mabilis naman akong um-oo dahil may oras pa naman bago kami magkita ni baby. Baby Ryza ko.
"Pa'no ba 'yan mga kurimaw? Ididiretso ko na kayo sa bahay n'yo. Puntahan ko lang mga tropa ko." May plano pa kasi dapat akong idaan sila sa McDo pero kakapusin ako sa oras kaya next time na lang. Tutal mukha naman silang mga busog. Ang lalaki ng tiyan. Akala mo mga gagambang bochorogan.
"Tito Ryan, mga abnormal din ba 'yung mga kaibigan mo?" biglang tanong ng katabi kong si Hope nang sulyapan niya ako. Loko 'tong batang 'to, ah!
"Oo. Parang ikaw lang." At sa halip na mainis sa akin ay natawa pa ito. Oh, 'di ba abnormal nga.
Pagdating namin sa bahay ay sumama muna ako sa kanilang pumasok sa loob para maibilin ko sila sa kani-kanila nilang yaya. Hindi na kasi kaya ng kapangyarihan ni Yaya Miranda na pagsabay-sabayin sila kaya simula nang mag-elementary sila, mayro'n na silang kaniya-kaniyang nanny.
"Kayo na bahala sa tatlong kurimaw, ha? Uuwi na rin mamaya ang ma'am at sir n'yo. May pinuntahan lang sila." Nang sumagot sila ay nilingon ko naman ang tatlo na ngayon ay papunta sa kusina dahil kakain daw. "Hoy, teka! Kiss muna kay tito!"
Binalingan nila 'ko at saka lang pinagtawanan kaya tumakbo ako sa direksyon nila. At nang makita nila ang ginawa ko, nagtakbuhan din ang mga kurimaw palayo sa 'kin.
"Noooo!" sigaw ni Faith habang natatawang umiiwas sa 'kin. Ngunit hindi siya nakaligtas, dahil kahit medyo mabigat na ay nabuhat ko pa rin siya.
"Kiss muna!" Itinutok ko ang pisngi ko sa kaniya pero ayaw niya 'yon i-kiss. Samantalang noong bata sila lagi naman nila 'yon ginagawa kahit isang sabi ko lang. Minsan nga sa lips pa. "Pag sa daddy n'yo, kumi-kiss kayo! Sa mommy n'yo rin, sa lips pa! Sa 'kin nga sa pisngi lang!" Nagpaawa ako kunwari kaya naman sinunod na ako ni Faith kahit na pinagtatawanan siya ng dalawa.
"H'wag ka tumawa, Hope! Sa p'wet ko ikaw hahalik!" baling ko sa bubwit na halakhak nang halakhak nu'ng ibaba ko na si Faith.
***
"Ayan na si Betlog!" Natatawa akong binalingan ni Arthur nang marinig niya ang yabag namin ni James. Si James kasi ang sumundo sa akin sa labas para pagbuksan ako ng gate.
"G@go," natatawa kong sabi nang maupo sa tabi nila. Nasa maluwang na veranda sila at sa halip na alak ang karap ay instant coffee. Mukhang nagbabagong buhay na ang mga loko.
"Musta na kayo ni Samson?" nakangising tanong sa 'kin ni Peter nang ilapit sa harap ko ang isang tasa ng kape. Isa rin siya sa mga kaibigan ko noong college at kararating lamang nito noong isang linggo galing sa Canada.
At hindi pa man ako nakakagot, sinundan na agad 'yon ng pang-aasar ni James. "Hindi n'yo ba alam na ilang taon na n'ya 'yon nililigawan? Hanggang ngayon hindi pa s'ya sinasagot!"
"Woah! Nakayanan mo 'yon?" Si Arthur naman. Lahat sila may kaniya-kaniya na ring mga syota. Ako na lang ang wala dahil hindi pa nga ako sinasagot ni Ryza. Nanggigigil na nga ako minsan, eh.
"Hindi pa. Ayaw pa raw n'ya ng commitment." Nakangiti akong sumagot bago iangat ang tasa ng kape sa bibig ko.
Alam din kasi nila ang tungkol sa panliligaw ko kay Ryza Samson. At tama rin sila. Tatlong taon ko na siyang nililigawan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakukuha ang matamis niyang oo.
"Magkikita kami mamaya. Date. I will ask her again, baka sakaling um-oo na. Kapag hindi pa rin, aba, itigil na ang kalokohan!" pagbibiro ko pa. Pero willing naman akong maghintay kung sakali.
"Kung hindi mo makuha sa maayos na suyuan, daanin mo sa santong paspasan." Si Peter. Nakangisi pa nitong dinukot ang wallet sa bulsa at inilabas ang isang bagay na nakabalot sa maliit na lalagyan, sabay hagis sa 'kin. "Ayan. Magagamit mo 'yan para hindi ka lumagpas sa Philippine area of responsibility."
Nang tingnan ko 'yon, isang condom.