Chapter 2

1022 Words
"Admiring the view?" Mabilis na nag-init ang mga pisngi ni Fatima. Hindi naman niya sinasadyang titigan si Kier. At ang nakakainis pa, nahuli siya nito. Napakurap siya nang marinig ang daing nito. Hindi pa rin siya makakilos. "H-hindi ako makahinga. Ang bigat mo, Fatima." Feel na feel naman niya. Masyado yata siyang naaliw sa pagtitig sa mga mata ni Kier at nakalimutan niyang nakadapa siya sa ibabaw ng katawan nito. Sa timbang niyang umabot ng eighty kilos, nahirapan siyang tumayo. "A-aray ko..." daing nito. "Anong masakit sa 'yo?" worried niyang tanong dito. Fitted na jeans ang suot niya kaya naman parang piniga ang laman sa mga binti niya. "My–" "Ano?" "M-my sexy back. I think my spinal cord was broken in two. Baboy na inahin yata ang bumagsak sa katawan ko." Inis na napatingin siya sa mukha ng lalaki at nakitang isang malapad na ngisi ang nakaguhit sa mga labi nito. "Paano ba 'yan? Babayaran mo pa ang kotse ko. At ngayon naman pati ang hospital bill ko babayaran mo rin." "Huwag ka ngang OA!" sikmat niya rito. "Dapat lang 'yan sa 'yo!" Tumayo siya. Hinila niya ang tali ng aso at tinalikuran ito na nananatili pa ring nakahiga sa damuhan. "Fatima, where are you going?" sigaw nito sa kanya. "Won't you help me get up?" Nagkunwaring walang narinig si Fatima. Malalaki ang kanyang mga hakbang. Subalit hindi pa masyadong nakakalayo nang humingal siya. Tumigil sila ni Beauty. Ayaw niya sanang lingunin ang lalaki, pero hindi niya napigilan ang sarili. Nakita niya si Kier na naglalakad patungo sa nakaparadang kotse, at bago ito sumakay ay tumingin ito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang paningin, nag-make face ito. Hindi na siya tumugon bagkus ay muli silang nagpatuloy sa paglalakad ng aso. Sa pagkakataong iyon, hindi na nagmamadali. Humihingal na kasi siya. BEAST mode na ang kanyang pakiramdam. Nagtagumpay na naman si Kier na galitin siya. At ang damuho! Tuwing nakikita siya nito, natutuwa itong insultuhin siya. Hindi iyon simpleng pang-aasar sa kanya. Insulto talaga! At ang kinaiinis niya, hindi pa talaga siya nasasanay. Ipinasok niya sa cage ang aso. Binigyan niya ng pagkain at tubig ang alaga. Ramdam niyang na-stress din ang alaga niya kay Kier. "Oh, you poor little thing. Inaway na naman tayo ng salbaheng lalaking 'yon. Isa siyang mutant na ang tanging laman-loob ay balumbalunan," kausap niya sa aso. "Tandaan mo ang amoy ni Kier, ha? At nang sa gano'n, maiwasan agad natin siya." "Nice. Kahit hindi mo ako kaharap, binabanggit mo pa rin ang pangalan ko. Sobra mo ba akong na-miss? Wala pa yatang isang oras na nagkita tayo sa park, ah?" Halos mapatalon sa gulat si Fatima nang may bumulong sa kanyang tainga. At nang lingunin niya kung sino iyon, kulang na lang ay sapakin ito sa inis. "Nandito ka na naman, wala ka bang bahay? Saka wala rito si Kuya Tristan," nanulis ang nguso niyang sikmat dito. "Pwede bang lubayan mo muna ako. Ibigay mo sa 'kin ang araw na ito, pwede?" "Kaya nga ako narito dahil tinawagan ako ni Tristan. Saka hindi lang naman ang kuya mo ang sadya ko rito." Inismiran niya ito. "Kailangan malaman nina Tita Elena at Tito Carlo ang ginawa mo sa kotse ko. At ang nangyari sa park." Inis na kumamot siya sa ulo. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Naghihirap na ba ang unico hijo ni Mayor Rodrigo Williams? Pati ang pampaayos ng sasakyan ay sa 'kin pa hinihingi?" mataray niyang sabi. Kilala sa politika sa probinsiya nila ang pamilya Williams. Naging gobernador ng Cavite noong dekada sesenta ang lolo ni Kier. Ang ama nito at tatlong tiyuhin ay nagpapalit-palit lang sa puwesto bilang mayor sa Wellington. Magkaibigan si Mayor Rodrigo Williams at ang ama niya. Supporter ng alkalde ang kanyang ama noon pa. Best friend naman ang kanilang ina. Simula pa noong nasa high school ang mga ito. Ang relasyon ng kanilang ina bilang mabuting magkaibigan ay nagpatuloy hanggang sa ipinanganak na sila ng mga ito. "Ikaw ang may atraso sa' kin." Kulang na lang ay ipagduduldulan nito sa kanya ang salitang 'atraso'. Magsasalita na sana si Fatima nang pumasok sa kusina si Tristan. "Kier, bro!" Sabay sila ni Kier na napalingon sa kuya niya. "Sambakol na naman ang mukha mo, Fatima?" "Ito kasing kaibigan mo, binuwiset na naman ako!" "Hindi ka pa nasanay?" Inirapan niya si Tristan. "Pinagdidiskitahan na naman ni Kier ang katawan ko. Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo at baka hindi ko na siya matansiya at sipain ko 'yan palabas ng bahay!" "Brat," bulong ni Kier na hindi nakaligtas sa matalas niyang pandinig. Nagpanting ang tainga ni Fatima. Pinaningkitan niya ng mga mata si Kier. Nanghahamong sinalubong naman nito ang tingin niya. Pero sa halip na magsalita ay inirapan niya lang ito. "Kier," sita ni Tristan. Deserve, hiyaw ng isip ni Fatima. Umirap si Kier pero hindi na kumibo. Tinalikuran niya ang dalawang lalaki. Deretso siya sa kanyang kuwarto. Asar siyang humarap sa whole-body mirror. Napangiwi siya sa nakita. Mas lalo nga siyang lumaki! Nalibang na naman siya sa pagkain. Then, araw-araw pa siyang pumupunta sa Lover's Café na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Ang Lover's Café ay negosyo ng kanilang ina. Una itong nagpatayo sa Tres Cruses, malapit sa isang exclusive school kung saan siya nag-aaral noon. Sa Harvard College University. Nang pumatok ang Lover's Café ay saka nag-branch out. Dahil hype ang mga café ngayon, tatlong taon matapos itayo ang first café ay nakapagpatayo ang kanyang ina ng tatlo pang branch. Hinila ni Fatima ang dulo ng suot niyang t-shirt. Kahit plus size ang damit, hindi rin naitago ang malaki niyang tiyan. Napangiwi siya. Kahit napagkakamalan siyang buntis sa laki ng kanyang tiyan, nagsusumigaw naman sa katotohanan ang kagandahan niya. Kahit na ga-aparador ang kanyang laki, kayang-kaya niya 'yong dalhin. Kahit na gano'n siya ka-healthy, magaling siyang magdala ng damit. Madalas siyang manood sa mga videos ng kanyang paboritong famous vlogger na ang content ay tungkol sa plus size outfit ideas. Fashionista siya! Hindi siya nawawala sa uso! Muling sinipat ni Fatima ang repleksyon niya sa salamin. I'm not fat! I'm just healthy! A woman that has voluptuous figure!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD