Chapter 25

1182 Words
DINALA siya ni Kier sa bahay ng mga magulang nito. Pagpasok nila sa sala ay naroon na ang mga magulang nila at tila hinihintay sila. May importante raw sasabihin ang mga ito. Hindi niya na kailangan magtanong kung ano ang pag-uusapan nila. Sinabi sa kanya ng mga magulang kung ano ang kanilang pinaplano ilang araw na ang nakalipas, kaya nga to the highest level ang stressed niya. Pati ang trabaho niya apektado na. Hindi siya makapag-concentrate sa mga ginagawa niyang sales report. Habang nag-uusap ang mga magulang nila ay kating-kati ang dila niyang tumutol sa mga sinasabi ng mga ito. Kung kailan daw ang magiging kasal nila at kung gusto raw ba nilang sa simbahan ikasal o sa isang huwis. Sinubukan niyang ibuka ang bibig, pero agad siyang pinigilan ni Kier. Palagi siyang inuunahan ni Kier magsalita, kunwari ay may itatanong ito sa kanya. Gustong-gusto nang mag-walk out ni Fatima pero pinigilan niya ang sarili. "Let's talk!" Fatima pulled Kier into the garden when their parents were already busy talking about the wedding reception. "I should be the one holding your hand but it feels nice you're the one holding mine." Natigil sa paghakbang si Fatima. Napatingin siya sa magkahukbong na kamay nila ni Kier. Nag-angat siya ng mukha at napatitig sandali sa mukha nito. Ngumiti si Kier. That smile suddenly made her heart pound and seemed to mess up her system. She shook. Oh, come on, Fatima! He’s just teasing you for Pete’s sake! ‘Wag kang praning! Saka kailan ka pa naapektuhan ng ngiti ng kaaway mong ‘yan, huh? Parang bigla siyang napaso na binitawan ang kamay nito. Humalukipkip siya at naniningkit ang mga matang nakatingin sa mukha nito. "Bakit ka pumayag sa gusto nila?" seryosong tanong ni Fatima. "Last week lang natin nalaman ang tungkol sa arranged marriage natin. Bakit napakadali lang para sa ‘yo na mapapayag nila?" Gusto niyang malaman kung ano ang nagtulak kay Kier para pumayag sa kagustuhan ng mga magulang nila. Hindi niya kasi maintindihan. They hated each other since time immemorial. And marrying each other is the funniest joke she can think of. Oh, parents! I really don’t know what’s running through your minds! I was so stressed out! My brain cells can't handle it! Umupo siya sa steel chair na naroon, samantalang si Kier ay piniling umupo sa upuan na gawa sa kahoy na nalilihiman ng puno ng aratiles. "Because it’s convenient to do," nakangising sagot nito. Pinaikot niya ang mga mata. "Cut the crap, Kier!" asik ni Fatima. Wala siyang panahon sa kalokohan nito. "Do you think I’ll buy that? What's the real reason? Is this about your inheritance? Tell me the truth." That’s what often happens in soap operas, isn’t it? The hero or heroine agreed to the arranged marriage because there is an inheritance at stake. So, you think you're the heroine of a soap opera? Are you okay, Fatima? Heroines often have a happy ending. And they will be together! Mabilis siyang napailing sa naisip. Of course not! Kahit kailan ay never niyang naisip na sila ni Kier ang magkakatuluyan. Isipin pa lang niya, kinikilabutan na siya. Humagalpak ng tawa si Kier. Masama ang tingin na hinampas niya ito sa balikat. "Aray!" hiyaw ni Kier, tumatawa pa ring hinawakan ang balikat na nasaktan. "Ang brutal mo talaga sa ‘kin kahit kailan." "Pasalamat ka nga hindi kita sinagasaan noon sa tuwing nagpang-abot tayo sa daan." Akmang hahampasin ulit ito ni Fatima nang hawakan ni Kier ang kamay niya. Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Nanlalaki ang mga mata na napalunok siya. Kinabahan siya. "W-what are you going to do, huh?" Pull yourself together, Fatima! ‘Wag kang paapekto sa mga titig niya sa ‘yo. Haller! Enemy number one ‘yan! Mortal enemy pa nga! "Sobrang namimiss kita, Fatima…" seryosong sabi ni Kier habang matamang nakatingin sa mga mata niya. Nabigla siya. Hindi niya inaasahan na muling sasabihin iyon sa kanya ni Kier. Tila nalunok niya ang dila. Kung tutuusin, hindi naman siya dapat maapektuhan sa mga sinabi nito, lalo na’t galing ang mga salitang iyon sa kanyang mortal enemy. Pero bakit gano'n? Nataranta siya sa mga sinabi nito at nagpabilis nang t***k ng puso niya. Lumapit pa ito lalo na ikinaparalisa na niya. Itinapat nito ang bibig sa tenga niya at bumulong, “... at naniwala ka naman?” Muling tumawa si Kier pagkatapos dumistansya sa kanya. Binitawan na siya nito. Napanganga si Fatima. Kumulo na naman ang dugo niya. She should have known better. Why didn’t I listen to the whisper of my mind earlier that he was just joking? That he wasn't serious about what he said? And now, I feel so stupid because I fell into his trap! kastigo niya sa sarili. Disappointed, Fatima? Pero bakit ka ma-di-disappoint? Sino ba siya sa ‘yo? sarkastikong tanong ng kabilang bahagi ng isip niya. Kinuyom ni Fatima ang mga kamay at tumayo. Natutukso siyang bugbugin si Kier pero pinigilan niya ang sarili. They were still inside his parent's house and her parents were also there. She didn't want their parents to see how she would take him to hell! Makakaganti rin ako sa ‘yo, Mutant! gigil na sabi niya sa isipan. Naglakad na siya palayo rito. "Hey! Dinala mo ako rito tapos iiwan mo lang? Saan ka pupunta?" Saglit niyang nilingon ang lalaki. She gave him an evil look. "Sa sementeryo. Maghuhukay ako ng paglilibingan mo!" Tinalikuran niya ito at naglakad palayo. Napahawak siya sa dibdib nang makarating sa loob ng bahay. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam ng sakit sa parteng iyon. Damn! What does this mean? confused, she asked herself. PASADO alas-seis na ay subsob pa rin sa trabaho si Fatima. Kasalukuyang tinatapos niya ang report at presentation para sa meeting ni Ma’am Cora. Simula pa alas-dos ng hapon ay nakulong na siya sa kanyang opisina at halos wala nang tayuan mula sa kanyang ginagawa. Tutok na tutok ang mga mata niya sa laptop at nasa ibabaw naman ng table niya ang isang tambak na folders. "I’m afraid we both have to stay until around seven or eight, Fatima," saad ni Ma’m Cora nang sagutin niya ang tawag nito sa telepono. "I know. Okay lang. Mukhang aabutin pa ng isang oras itong sales report ng DC Mall," sagot niya. May mga produkto rin kasi sila sa bagong bukas na Mall sa Allen City." "Papayagan na kitang mag-file ng indefinite leave." "Talaga, Ma’am Cora?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Balak niya kasing takasan ang mga magulang sa araw mismo nang engagent party nila ni Kier. "Yes," sagot nito sa kabilang linya. "All right, I'll hang up the phone. Try to finish the reports before seven o'clock, okay?" "Yes, Ma’am," aniya. "Thank you again for allowing me to take a vacation." "No, problem. Sa apat na taon mong pagtatrabaho sa Forever's Beauty Cosmetics, ngayon mo lang ito hiniling sa ‘kin. O, siya, puntahan na lang kita diyan sa office mo mamaya." Nang mawala sa kabilang linya ang kanyang boss ay niyakap niya nang mahigpit ang telepono. Maisasakatuparan na niya ang pinaplano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD