Chapter 24

1066 Words
BINANAT ni Fatima ang string. Kapag siya hindi makapagtimpi, sasamain talaga sa kanya si Kier. "Ano’ng ginagawa mo rito? At pwede ba? ‘Wag mo ‘kong matawag-tawag na wifey at baka ikaw ang gawin kong target!" Kinalabit siya ni Kim at bumulong ito sa kanya. "Ibaba mo na ang pana at baka mabitiwan mo ang palaso, tamaan sa puso si Kier at lalong ma-in love sa ‘yo." "Duh... you’re not funny, Kim." Nakita niyang tumawa lang si Kier. Humakbang ito palapit sa kanya na parang walang pakialam sa palasong nakatutok dito. “Come on, Fatima. Hindi ba puwedeng maging sweet ka muna? May kailangan tayong puntahan ngayon kaya ako nandito para sunduin ka.” Tinaasan niya ito ng kilay. "And who said I'm coming with you, huh?" Pagtataray niya rito. "I’m sorry, wifey, but you don’t have a choice but to come with me," sagot nito at kinindatan pa siya. Kainis! Sarap dukutin ng mga mata ng lalaking ‘to! "Gusto mong matuluyan?" banta niya. Sinasagad talaga ng lalaking ito ang kanyang pasensiya. Kahit na kasinlawak pa ng Mall of Asia ang pang-unawa niya, pagdating kay Kier ay nagiging kasing-iksi iyon ng aspile. "You better put down that bow and arrow if you don’t want to get arrested, Miss Madrid, for attempted murder." Napalingon bigla si Fatima sa nagsalita. Nang makita kung sino iyon, namutla siya at nanlamig ang kanyang mga kamay. Tiyak na hindi mag-aaksaya ng pera ang ama niya para sa kanyang pang piyansa! Seryoso ang tingin sa kanya ng bagong dating. Napalunok tuloy siya at parang gustong tumakbo palayo. "Magandang araw, SPO3 Madrid!” kinakabahan sabi niya, sabay baba ng hawak na arrow. Itinago niya iyon sa likuran. Pilit na pilit siyang ngumiti. "Ano’ng maipaglilingkod ko sa ‘yo?" Kapag minamalas ka nga naman! Eksakto namang nakita siya ni SPO3 Yael Madrid, ang pinsan niyang masungit pero bully. Nakagat niya ang ibabang labi. Baka utusan siya nitong mag-community service dahil sa nakitang ginawa niya. "Magandang araw din sa ‘yo, Miss Madrid." Nginitian siya ng pinsan. Ngiting nakakaloko. “Ang pakiusap ko lang sana sa ‘yo, ‘wag mo nang uulitin ang ginawa mo. There are a lot of kids here at the amusement park and they might think it’s okay to threaten someone. That's not a good example for kiddos." Nag-init ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Napatingin siya agad sa paligid at nakitang may ilang taong nakatingin sa gawi nila. Tsk! Kahihiyan ka talaga, Fatima! Ngumisi si Kier, saka lumapit sa pinsan niya. "Iniligtas mo ang buhay ko, Yael!" sabi nito at nakipag-fist bump. "Long time no see!" Napaikot na lang ni Fatima ang mga mata. "Kailan ka pa nakabalik?" tanong ni Yael kay Kier. "Dalawang buwan na ang nakalipas," sagot naman ni Kier. "I hope he doesn't come back. Nagpakaburo na lang sana siya sa America," hindi mapigilan bulong niya. Humalukipkip siya. Nilingon siya ni Kier, saka ngumiti nang matamis. “Ikaw talaga, wifey. Gusto mo talagang sa ‘yo lang ang atensiyon ko, 'no? You're so possessive. But I like that." "Eww!" Inambahan niya ito ng suntok pero mabilis din niyang ibinaba ang kamao nang makitang nakatingin si Kuya Yael. "Mahiya ka nga sa mga pinagsasabi mo." Nagulat siya nang hawakan sa braso ni Kier. “Let’s go. We don’t have enough time. Sa susunod na lang tayo maglambingan.” "Let me go!" Pilit kumawala ni Fatima. Tumingin siya kay Kim. "Kim! Please, help me! Ayokong sumama sa lalaking ito!" "I’m leaving," tumatawang sabi ni Kim, bakas ang amusement sa mga mata. Saglit nitong binalingan si Kier. "Kier, ingatan mo ‘yang kaibigan ko. Kapag ‘yan nagkaroon ng kahit na maliit na sugat, ipapahabol kita sa mga bubuyog." "Masusunod, ma’am!" Sumaludo pa si Kier. "What? Hey! Ki–" Napapadyak si Fatima. Iniwan na lang siya basta ng kaibigan sa kamay ng kaaway niya! Ni hindi man lang siya nilingon at tinulungan! Tumingin siya kay Kuya Yael. Magpapaawa siya rito at sakaling tulungan siya. "Kuya Yael, baka puwedeng pakihuli ang lalaking ito. He's planning to kidnap me!" Ngumisi lang ang pinsan. "Mukha lang gagawa ng masama si Kier pero safe ka naman sa kanya. Kaibigan namin ng Kuya Tristan mo ‘yan." Bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. Why does she even hope that he will help? He would rather have Kier as a relative than her. Wala rin pinagkaiba sa kuya niya. Puro na lang sila Kier, paano naman siya? "Come on, Yael! Okay na ‘yong sabihin mong mabait ako. Hindi mo na kailangan sabihin pa na mukha akong gagawa ng masama. Baka matakot si wifey at makipaghiwalay sa 'kin," tumatawang sabi ni Kier. "Hoy! Kasing kapal talaga ng libro ang mukha mo! Hindi pa tayo kasal at never mangyayari ‘yon! Manahimik ka na nga kung ayaw mong ilibing kita nang buhay!" Tumawa lang ang dalawang lalaki. Bumaling si Kuya Yael sa kanila. "I’m going," sabi nito. "Don’t worry, Fatima. Tandang-tanda ko na ang pagmumukha niyang si Kier. Kapag may ginawa siyang masama sa ‘yo, ako mismo ang huhuli sa kanya para dalhin sa city jail." "But–" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumalikod na ang pinsan niya. "Let’s go." Hinila na siya ni Kier palabas ng park at buong puwersa niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. Nang makawala siya ay mabilis na umigkas ang kanyang paa pero hindi niya natamaan ang binata. "That won’t work for me anymore," sabi nito at pilyong ngumiti. Hawak nito ang kanyang paa. "Kailangan mong sumama sa ‘kin, whether you like it or not." "Where are we going?" inis niyang tanong at humalukipkip. Binitawan na ni Kier ang kanyang paa. "Sa motel, wifey. Mauuna ang honeymoon bago ang kasal natin. Gagawa na tayo ng baby," sabi nito at kinindatan siya. Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis na umigkas ang kanyang kamay at binatukan ito. "You're a rake!" Natatawang hinawakan siya nito sa braso. "Hindi mo na ako kailangan hawakan, hindi naman ako tatakas." "Naniniguro lang." Hinila siya nito palapit sa isang kotseng nakaparada sa di-kalayuan. Kotse iyon ni Kier. Wala silang imikan habang lulan ng sasakyan. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagtanaw sa labas mula sa bintana ng sasakyan. Napapansin niya ang pasulyap-sulyap sa kanya ni Kier pero hindi niya ito pinansin. Mas gugustuhin niyang mapanis ang kanyang laway kaysa makausap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD