Natigil naman si Abby habang nag lalakad ng matanaw si Nathan na paparating, ngumiti naman ito ngumaway na medyo tinaasan n'ya ng kilay. Ano ba talagang ganap nito sa buhay parang mag kaka anxiety s'ya sa lalaking ito, ginagawa na nga n'ya ang lahat para lang hindi nito mahalata ang itinatago n'yang kalandian, balik naman ito ng balik, hindi ba nito alam kung gaano kalakas ang s*x appeal nito. Wala kayang salamin sa bahay nito, konti na lang mag kakasakit na s'ya sa puso sa kakapigil ng t***k ng puso n'ya. Kapag kasi hindi n'ya pipigilan ang t***k ng puso n'ya baka mabuntis s'ya ng wala sa panahon. Ikakasal pa lang ang Ate Sum n'ya si Ate Shine naman n'ya hindi n'ya maintindihan ang love life nito.
Hindi s'ya puwedeng makipag sabayan sa mga ito tiyak na hindi papayag ang pamilya nila na mag aasawa silang 3 na sabay-sabay sa loob ng isang taon. Saka hindi n'ya bet na mag buntis ng hindi sila kasal ni Nathan, kasal muna bago bata pero okay sa kanya ang se* muna bago kasal.
"Hi! Napadaan lang ako sa katapat na building. So, I decided na mag bakasakali na tingnan kung naka duty ka." ngumiti naman si Abby.
"Ayoko naman mag assume pero lumang style na yang alibi mo Mr. Nathaniel Walton." ngumiti naman si Nathan.
"I told you babatanyan kita habang nandito ako sa Pilipinas."
"Seryoso ka talaga dun." tumango naman si Nathan.
"May lunch break ka ba?" tanong ni Nathan.
"Meron pero sa clinic ako nakain may lunch packed kasi ako." ani Abby na sinimulan ng mag lakad na sinundan ni Abby.
"Hindi ka pa aalis?" tanong ni Abby.
"Bata lang ba ang chine-check-up mo?"
"Oo,"
"E yung gumagawa ng bata kaya mong i-check-up." natawa naman si Abby na nilingon si Nathan.
"Joke ba yun?"
"Tumawa ka so baka joke nga yun." ngiti ni Nathan.
"Wag mo ng ulitin last mo na yun." kinikilig kasi ako!" bulong ni Abby sa isip n'ya. Juicko paano ba s'ya mag bebehave kung ganito ang mga galawan nito. Masyadong pa fall, ang linaw ng sinabi nito sa kanya noong nakaraan gabi. E ano naman tawag sa galawan nito ngayon.
"How old are you?" tanong ni Nathan na sinagot naman ni Abby.
"Why are you still a virgin?" tanong pa nito sa mahinang tinig habang sabay na silang nag lalakad napalingon naman s'ya rito.
"Kailangan ko bang sagutin?"
"No, actually." kibit balikat na tanong ni Nathan.
"Krimen na ba ngayon na tumandang virgin?'
"You're not old nasa calendar ka pa naman." biro ni Nathan.
"Ngayon ka lang ba naka kuha ng virgin?" hindi agad nakasagot si Nathan na ngumiti.
"Ayoko lang talaga sa mga virgin. Hassle!" pagak naman tumawa si Abby na isinilid sa bulsa ang stethoscope kasama ng mga kamay n'ya sa suot na doctors coat.
"Hassle pa ba ako!"
"I mean hindi ka kasama sa tinutukoy ko."
"Linawin lang natin." ani Abby.
"Hindi mo ako makukuha kung wala lang tayo sa ganun sitwasyon dahil ang turo sa aming mga babae ng lola at mga mommy namin, bubukaka lang kami sa lalaking mahal namin at sa lalaking pakakasalan namin thats why I'm still a virgin." paliwanang ni Abby.
'At dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay at lalaking itinitibok ng puso at puson ko kaya sa'yo ko binigay. Kaya mag intay ka lang. Bulong ni Abby sa isipan nanaman n'ya na napapadalas na n'yang ginagawang kausapin dahil kay Nathan.
"Exactly! Iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko sa virgin. Pikot ang lalabasan ko kung saka-sakali."
"Oh! Bakit? Pinipikot ba kita?"
"Wala ka ba talagang balak na gawin yun?" tanong ni Nathan.
'Meron, pero hindi pa ngayon kaya chill ka lang."sagot ni Abby sa isip nanaman,
"Wala! kaya rest assure na hindi mangyayari yun?"
"Why do I have this feeling na parang nag sisinungaling ka lang?" nakangiting tanong pa ni Nathan. May power ba itong mag basa ng isip ng tao. Na babasa ba nito ang laman ng utak n'ya kaya nasabi nito iyon. Huminto si Abby ng nasa harapan na sila ng Clinic n'ya.
"Ngayon palang mag kalinawan na tayo tutal nilinaw mo na sa akin nung nakaraang gabi intensyon mo. Ngayon naman ako naman ang mag lilinaw ng side ko."
"Una physically bet ko ang datingan mo but secondly." sandaling huminto si Abby sabay ngumti.
"Hindi ko gusto ang profession mo as sundalo maraming asawa ang tulad mo and I really hate cheaters." ngumiti naman si Nathan.
"Ibig sabihin kung hindi ako sundalo possibleng pikutin mo ako."
"Maybe pero dahil sundalo ka nga hindi ko gagawin yun. At pangatlo ikaw pumapatay ka ng tao dahil iyon ang trabaho mo."
"Correction! I killed people pero yung masasama lang."
"Yes, tama ka! pero ako as a doctor tinutulungan ko ang isang taong mamatay na kahit pa isa s'yang masamang tao." choossss! pumatay din ako ng masamang tao, hindi lang ako showeeeeee! bulong nanaman ni Abby sa sarili.
"So, sa madaling salita. Hindi mo ako type.' tanong ni Nathan.
"Bingo." pumitik pa ng daliri si Abby. Hindi kita type kasi mahal na kita noon pa! sigaw ng konsensya n'ya lakas maka safeguard ng konsensya n'ya. Mukhang lumalala na tama n'ya sa kokote. Tumawa naman si Nathan na muling isinuot na ang suot na sumbrero na kanina pa nito hawak. Umatras ito lumakad palayo sa kanya.
"Medyo! mahirap paniwalaan yang statement mo pero sige paniniwalaan kita. At ito ang pangalawang pag kakataon na ipinaramdam mo sa akin na basted ako kahit hindi naman ako nangliligaw sa'yo and damn i felt hurt!" anito bagamat nakangiti na tinapik pa ang dibdib.
"Wag mong araw-arawin ang pag papakita sa akin baka 'di na kayanin ng puso mo." wika pa ni Abby.
Hndi na kayanin ng puso mo na pigilan na ma in love sa akin. Dugtong nanaman n'ya sa isip.
"Don't worry malakas ang puso ko, hindi isang babae lang ang mag papa tumba sa akin. Sa kama ma iitumba ako ng babae pero sa ibang bagay hindi mangyayari yun." kumpiyansang sagot ni Nathan habang papalayo.
"Sabi mo e! Goodluck... wag sanang dumating ang babaeng mag papaluhod sa'yo." kaway pa ni Abby na kumaway pa kay Nathan bago pumasok sa loob ng clinic n'ya sabay ngiti.
"Dahil oras na dumating ang tamang pag kakataon kahit ayaw mong lumuhod, paluluhurin kita sa harapan ko kahit magkalumpuhan pa tayong dalawa. Ako ang babaeng tamang darating sa'yo at wala ka ng magagawa para pigilan ako." abot tenga ang ngiti ni Abby na naupo na sa swivel chair n'ya.