Naki-usap s'ya kay Nathan na wag s'ya nitong ihatid sa kanila na ganun ang hitsura. Daig pa kasi n'ya ang nakipag suntukan sa sampong lalaki. Gusto pa ni Nathan na dalahin na s'ya sa hospital pero hindi na s'ya pumawag at sinabing doctor s'ya. Kita sa hitsura nito ang pag-sisi at pag aalala. Huling bagay na gusto n'yang makita rito punong-puno ng regret ang hitsura nito dahil sa nangyari sa kanila. Marahil iniisip nito na bakit ba ito sumunod sa request n'ya tapos dahil sa inabutan sila ng mga kalaban na napatay nito aksidente nitong naiputok sa loob n'ya ang sandata nito. HIndi naman s'ya nag woworry dahil safe period n'ya ngayon dahil katatapos lang ng buwanang dalaw n'ya.
"Are you sure you're alright?" tanong pa ni Nathan ng muli na s'yang sumakay sa motor nito after n'yang mabihis sa isang gasoline station ng damit. Gusto sana n'yang sabihin na hindi pero hindi na lang s'ya sumagot na humawak na lang sa likod nito. Mas lalong nakakapang hina yun hitsura ng reaction nito. Ano pa bang ini-expect n'ya biglaan ang nangyari kay so be it tanggapin n'ya ang pagiging impulsive n'ya. Pero kahit kelan hindi s'ya mag sisi malandi s'ya kaya paninindigan n'ya ang desisyon n'ya.
*******
"Tara na! Wag na tayong mag sayang ng oras." wika naman ni Railey na tumayo na din. Palabas na sana silang lahat ng matigilan ng isang lalaki ang pumasok buhat-buhat si Abby na parang walang malay. Napatakbo naman si Dennis na kinuha ang anak rito agad naman na tinutukan ni Aira ng baril ang noo ng lalaki na naka all black na kasuotan at maraming armas na nakasuot sa katawan. Hindi nila makita ang mukha nito dahil sa itim na sumbrero at itim na facemask na suot.
"Sino ka bakit mo dala ang anak ko." agad naman nag taas ng kamay ang lalaki ng nakatutok na rito ang lahat ng baril nilang mag kakaibigan.
"Hindi po ako kalaban."
"Then tanggalin mo yang takip sa mukha mo." galit na utos ni Aira pero si Sevy na ang lumapit at Skyler para hubarin ang suot sa mukha nito at kinuha naman ni Dwight ang mga armas na nakasuot sa katawan.
"He's bleeding." wika pa ni Dwight,
"Put your gun down Aira." utos naman ni Dana.
"Nathan." bulalas naman ni Rycko ng maalis ang takip sa mukha ng lalaki.
"You know him." tanong naman ni Devin pero umiling si Rycko na nakatingin kay Nathan. 3 beses pa lang n'ya itong nakita noong libing ng Mommy n'ya noong bata pa s'ya, noong graduation n'ya noon college at nung 10 years death anniversary ng ina. Nag alay ito ng bulaklak sa puntod ng Mama n'ya.
"He save me," ani Abby sa mahinang tinig na nag kamalay na nawalan na ito ng malay kanina habang pauwi sila marahil dahil may iniinda itong masakit na tinitiis lang nito. Hindi n'ya ito naihatid agad kinailangan muna nilang mag-ikot para iligaw ang mga kidnaper na nasundan sila kanina pero natakasan na rin naman nila agad. Naramdaman n'ya na mainit ang dalaga kaya talagang kinakain s'ya ng guiltyness n'ya kung bakit ba s'ya nakinig rito kanina. Ano bang masamang espirito ang sumanib sa kanya hindi naman s'ya madaling libugan or maakit ng kahit sino na lang babae. Ngunit kanina hinalikan lang s'ya pakiramdam n'ya nabuhay na lahat ng dugo n'ya. Which is maling-mali talaga kahit saan angulo n'ya tingnan at kung may makakalam ng ginawa n'ya tiyak na wala na s'yang trabahong babalikan.
"Sino ka bakit mo niligtas ang anak ko." tanong ni Dennis.
"Lieutenant Captain Nathaniel Walton. Us army special task force." wika ni Railey habang naka harap sa laptop halatang nagulat ang lahat sa sinabi ng kaibigan at napatingin kay Nathaniel.
"Bakit mo kami tinulungan?" tanong ni Aira na binaba na ang baril at nilapitan ang anak saka nag utos na tumawag ng doctor na agad naman na tumalima si Summer.
"Because I'm Rycko's family." napatingin ang lahat kay Rycko na nag tataka na salubong ang kilay.
"Sino ka ba talaga?' tanong naman Rycko.
"I'm Nancy Manreal 1st born son." kung na shock si Rycko ganun din silang lahat sa narinig.
"Kapatid ka ni Rycko?" tanong naman ni Dylan. Tumango naman ang lalaki na napatingin sa kapatid.
"I'm 2 years older than him." sagot pa nito.
-
-
-
-
-
-
--
Minamasahe ni Shine ang leeg na isinandal ang likod sa swivel chair n'ya saka nag-inat. Tapos nanaman ang mag hapon n'ya sa pagtingin sa mga batang may sakit. from 8am-12nn meron s'yang clinic hours para mag check-up sa mga batang dinadala ng mga magulang na may sakit at from 1pm naman 7pm na duty s'ya sa hospital para naman sa pediatrict department volunteer work lang yun sa isang public hospital.
Inabot n'ya ang cellphone n'ya saka nag scroll sa youtube para mag patugtog ng favorite n'ya music habang nag papahinga mamaya s'ya uuwi. After nangyari incident inutos ng parents n'ya na sa bahay muna s'ya ng mga lola n'ya tumira kung saan nakatira ang magulang n'ya na hindi pinayagan na bumukod ng bahay noong ikasal ang mga ito ayon sa kuwento ng mga Lola n'ya dahil parehas daw pasaway ang magulang nila kaya mabuti na daw na dun tumira ang mga ito kesa bukod katulad nila Tita Dany at Tito Devin na mga kapatid ng Daddy n'ya.
Pinag pasalamat na lang din n'ya na hindi na s'ya pina laboratory ng magulang n'ya sinabi na lang n'ya sa mga ito na may period s'ya kaya masama ang pakiramdam n'ya at masakit ang pep* n'ya na normal naman kapag meron talaga s'yang buwanan dalaw. Walang naka-alam ng katangahan na ginawa n'ya. Inilapag n'ya ang phone saka nag simulang nag hummm na sinasabayan ang music sa phone n'ya at pinaiikot ang swivel chair n'ya hanggang sabayan na n'ya ang chorus ng kanta.
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo, hoh.
Nang matapos ang music agad nag dilat ng mata si Abby na napabalikwas ng tayo mula sa upuan ng makita si Nathan na nakatayo sa harapan ng mesa n'ya na naka ngiti pa na may hawak na bullcap. Inayos n'ya ang suot na dress at doctors gown saka tumikhim.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong n'ya rito na akala mo ay kung sinong mahinhin na doktora. Well, mahinhin naman talaga s'ya kapag nakasuot ng puting coat pero kapag naka combat outfit s'ya ibang tao at personality n'ya.
"Enough to hear your golden voice." natawa naman si Abby ng 'di napigilan. Golden voice? sira na siguro ang eardrum nito. Hinubad na n'ya ang coat para mag handa ng umuwi.
"Pauwi ka na ba?"
"Oo, tapos na ang duty ko. Ano bang ginagawa mo dito? Sinabi ba sa'yo ni Rycko na dito ako nag tatrabaho." umiling naman si Nathan.
"I do some research about you and I'm impressed." anito na sabay na silang nag lakad palabas ng clinic n'ya.
"Talaga ba bakit mo naman gagawin yun? Ahhh oo nga pala." biglang na alala ni Abby na isang bagay na binili kahapon para nga sana dito na ipapasuyo sana n'ya kay Rycko na ibigay rito dahil akala n'ya hindi na ulit n'ya ito makikita.
"Here a token for my gratitude.' inabot ni Abby rito ang isang keychain na baril na katulad ng baril na nanakita n'yang gamit nito ng gabing iyon.
"Nice, ang ganda. Thank you... Aahhhh! puwede ba kitang ihatid." tanong ni Nathan na gusto tilian ni Abby sa sobrang kilig. This is it pancit na ba?
Shet! na malagket! ghorl mag pakipot ka naman kahit konti.. bumukaka ka na nga agad nilagnat ka na ... tama! na kalandian... be a dalagang Pilipina yeah!' bulong n'ya sa isipan n'ya na parang tanga lang.
"May dala akong kotse e."
"Wala akong dalang sasakyan ngayon, nag taxi lang ako papunta dito." kung mahilig lang siguro s'ya sa taba ng baboy baka na stroke na s'ya sa sobrang kilig dahil sa atake sa puso.
"Saan ka ba tumutuloy?"
"Sa Antipolo."
"What? Nag taxi ka from Antipoloto here?" gulat na tanong ni Abby tumawa naman si Nathan. Noon unang beses n'ya itong nakita never n'ya itong nakita ngumiti parang lagi itong galit noon pero still na in love pa rin ang bata n'yang puso. Ilang years na ba ang lumipas. 15 years ang tagal na rin pero heto at muli na silang pinag tagpo ng tadhana.
'Of course not! Nag bus ako then taxi."
"Marunong ka?"
"Hindi naman ako bata."
"Pero hindi rin ako bata pero hindi ako marunong sumakay ng bus." sagot ni Abby pero syempre kunwari lang yun.
"I'll teach you sometimes."
'Omg! sometimes...' Ibig sabihin may next time pa silang mag kikita. Kilig to the bone naman s'ya.
"So can I take you home?"
"Take me home?" natatawang tanong ni Abby natawa naman si Nathan ng ma gets ang sinabi.
"I mean ihahatid na kita."
"Paano kapag uuwi ka na?"
"Commute." simpleng nakangiting sagot nito.
"Gusto ko rin kasi maka-usap ka sana kung puwede." ani Nathan ng iabot na n'ya ang susi ng kotse n'ya rito ng malapit na sila sa parking lot. Parang alam na n'ya kung tungkol saan kaya medyo kinabahan s'ya.
"About what happened yesterday." anito kasabay ng pag bukas nito ng pinto ng passenger seat.