C-1: Unang pagkikita

1257 Words
Humahangos ang isang dalaga sa kanyang pagtakbo paakyat sa one hundred stairs na sikat sa isang lugar. Kapag narating mo raw iyon ay puwede kang mag-wish at magkakatotoo ayon na rin sa mga nakadanas na. Sa kanyang pagnanais na makarating sa dulo ng mahabang hagdan na bato ay hindi na napansin ng dalaga ang iba pang taong kanyang nakakasalamuha. "Oh, sorry!" hinging paumanhin ng dalaga nang may mabangga ito. Agad namang tumayo ang isang lalaki na napaupo dahil sa lakas ng kanilang banggaan. "It's okay!" sagot ng lalaki sabay pagpag sa maong pants nito. Malungkot na tinanaw ni Vera ang limang baitang na lang sana bago siya makarating sa dulo. Narinig niya ang pagtawa ng lalaking kanyang nakabanggaan kung kaya't napabaling siya rito. "Naniniwala ka ba sa mga sinasabi nila about the stairs?" tanong ng lalaki. Napansin ni Vera na may hitsura ang lalaki, para itong tsinito kapag tumatawa. Magaganda ang mga mata nito, nang-aakit at parang laging nakatawa. "Wala namang mawawala kung susubukan ko." Sagot ni Vera kinalaunan. "Ako nga pala si Kashmir!" wika ng binata. "Aloe Vera," kimi namang tugon ng dalaga. "Talaga? As in Aloe Vera ang pangalan mo?!" bulalas ni Kashmir. "Sanay na akong hindi makapaniwala ang isang tao sa name ko. Nakakagulat pero iyon ang totoo!" natatawang sagot ng dalaga. "Well, hindi naman sa ganoon! Maganda rin naman ang pangalan mo, unique at kakaiba." Kibit- balikat na wika ni Kashmir. "Salamat!" maikling tugon ni Vera. "Puwede mo namang ipagpatuloy ang pag- akyat mo limang baitang na lang makakarating ka na sa dulo." Saad ng binata. "Huwag na, better luck next time na lang!" tanggi ni Vera. "Sige na, sasamahan kita!" nakangiting sabi ni Kashmir. Napatitig tuloy si Vera sa mukha ng binata. Kahit sino agad na makapalagayang loob ito dahil palangiti at friendly. Maalumanay din ang boses nito na para bang palaging nang- aalo kapag malungkot ka. "Ano, deal?" untag ni Kashmir kay Vera. "Ha? Ano ang deal?" nataranta namang sagot ng dalaga. "Sabi ko, manlilibre ng meryenda ang mauuna hanggang sa dulo." Wika naman ni Kashmir. Unti-unting napangiti si Vera. "Game!" aniya at nag-unahan na sila ni Kashmir nang pag- akyat sa batong hagdan hanggang sa dulo nito. Nauna si Vera sa dulo at humahangos naman si Kashmir na nakasunod sa kanya. Masayang pinagmamasdan ni Vera ang cliff na punong-puno ng mga kahoy at iba pang kaaya-ayang tanawin. Humugot ito nang isang malalim na hininga sabay pikit at nag- wish. Matamis ang ngiti ni Vera nang magmulat ito pagkatapos humingi ng isang wish. "Ano ang hiniling mo?" tanong ni Kashmir. "Secret! Hindi tayo close bakit ko sasabihin!" mabilis na sagot ni Vera. Tumawa na lamang si Kashmir at napailing-iling. "Ang hina mo naman! Kalalaki mong tao tinalo kitang umakyat dito." Kantiyaw ni Vera sa binata. Napangisi naman si Kashmir. "Ikaw ba naman ang three times a day umakyat dito." Aniya. "What?!" bulalas ng dalaga. "Totoo! Two weeks na ako rito umaasang magkatotoo ang wish ko." Pahayag ni Kashmir. "Ano naman ang wish mo? Natupad ba siya?" curious na tanong ni Vera. "Secret! Hindi tayo close eh!" panggagaya ni Kashmir kay Vera. Natawa na lang din ang dalaga saka sila umupo sa magkaharap na swing. "Ikaw, ano ang dahilan mo at bakit ka nagpunta rito?" tanong ni Kashmir maya-maya lamang. "Nag-resign ako sa trabaho ko kasi nakaaway ko ang manager namin. Nagalit ang Mama ko kaya naglayas na lamang ako!" matapat na sagot ni Vera. "Iyon lang?" tila nakukulangang tanong ni Kashmir. "Oo! Hindi mo naiintindihan kasi emotional damage sa akin iyon. Eh, ikaw bakit ka narito?" sabi ng dalaga. Si Kashmir naman ang natahimik at napatingin sa malayo. " Gusto kong magtayo ng isang business kaya lang hindi pa sapat ang savings ko." Wika nito. "Kung ganoon, work ka muna bago mo tuluyang itayo ang dream business mo." Payo ni Vera. Napangiti si Kashmir. "Very well said," ani nito. Tumayo naman si Vera. "Halika na at nang mailibre kita! Baka sabihin mo may nakilala kang isang babaw na hindi marunong tumupad ng usapan." Aniya. Napahalakhak naman si Kashmir. "Ang taba ng utak mo!" sabi nito. "Hindi naman, sakto lang!" buska naman ng dalaga. Nagkasaliw ang kanilang tawanan na para bang matagal na silang magkakilala. Aaminin ni Vera, mailap siya minsan sa mga hindi niya kakilala. Pero kay Kashmir palagay ang loob niya, meaning isang mabuting tao ang binata. "Sarap ng pagkain nila rito ano?" wika ni Vera nang matapos na silang kumain. "Sinabi mo pa!" sang-ayon namang sabi ni Kashmir. Hindi rin naman si Vera ang nagbayad sa kanilang kinain kundi si Kashmir din ang bagsak. Ayaw pumayag ng binata na si Vera ang magbabayad gesture raw iyon ng isang gentleman. Natuwa naman si Vera, for the first time na humanga siya ng ganoong kabilis sa isang lalaki. "Saang hotel ka naka- check in?" kapagkuwan ay tanong ni Kashmir. "Ah...sa La Luna Hotel!" kiming sagot ng dalaga. "Talaga?! Doon din kasi ako naka-check in!" masayang saad ni Kashmir. Kahit si Vera ay masaya sa kanyang nalaman na iisang hotel pala ang tulugan nilang dalawa. "Anong room mo?" tanong ulit ni Kashmir. "Room 202!" tugon ng dalaga. "Wow! Room 206 ako," wika naman ni Kashmir. Namilog ang mga mata ni Vera. Hindi siya makapaniwalang sobrang coincidence ang nagaganap sa kanila ni Kashmir. "Parang meant to be talaga tayong magkakakilala sa place na ito." Sabi ni Vera. "Mukha nga naman!" natatawa pa ring sagot ni Kashmir. Muli silang nagkatawanan habang naglalakad. Hanggang sa naipasya nilang maglalakad- lakad pa sila sa ibang lugar. Tutal naman ay pareho ang hotel na kanilang tutuluyan. Kung saan-saan sila namasyal na dalawa. Kinalimutan ni Vera ang bilin ng kanyang Mama na huwag basta-basta magtitiwala sa isang stranger. Taliwas ngayon sa nangyayari sa kanila ni Kashmir. Para na nga silang mag- jowa sa unang tingin na kung sa ibang lugar lang ay may issue na kayong dalawa. Lalo na sa mga mahilig pag-usapan ang buhay ng isang tao. Mga dinaig pa ang cctv camera kung makakilatis sa buhay ng may buhay. "Tired?" tanong ni Kashmir sa lupaypay nang si Vera na nakaupo sa damuhan. Mabilis na tumango ang dalaga sabay higa sa damuhan. Natawa na lamang si Kashmir habang nakatunghay sa dalaga. Inabutan nito ng isang bottled mineral si Vera na agad ding ininom ng dalaga. May dala-dala kasing back pack ang binata kaya always itong ready sa kung anong magiging sitwasyon nito sa isang lugar. Unlike kay Vera na bahala na sa daan kung may magtinda man ng pang-tawid gutom o uhaw niya. "Ano, bukas ulit? Puwede naman tayong umuwi na tapos dinner then tulog na para bukas kung may lalakarin." Pahayag ni Kashmir. Nag-isip naman saglit si Vera at tinulungan ito ng binata sa kanyang pagbangon. "Sige, pumapayag ako!" sang- ayon ng dalaga. "Okay, pahinga muna tayo saglit bago bumalik sa La Luna Hotel." Wika ni Kashmir at naupo ito sa tabi ni Vera. Kapwa sila nakatingin sa mga taong hindi pa pagod sa paglalakad at paglilibot. Lalo na sa mga batang naghahabulan sa daan tapos sinasaway ng kanilang mga Nanay. Naalala tuloy ni Vera ang tigre niyang Mama. Naiinggit tuloy siya sa mga batang kanyang nakikita na masaya at nagagawa ang kanilang gusto. Samantalang siya, nagkaedad na siya nang husto parang bilanggo pa rin siya dahil sa mando ng kanyang Mama. Na kinalaunan ay nagsawa siya at sinabihan pa siyang walang utang na loob. Napakurap-kurap si Vera upang hindi matuloy ang luhang nagbabanta sa kanyang mga mata. Pinilit niyang ngumiti nang mapalingon sa kanya si Kashmir na masaya ring nakatingin sa mga batang naghahabulan sa damuhan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD