MAYBE I have a crush on Marco, maybe not. Nagkibit-balikat ako bago nag search online para malaman kung totoo ngang may crush ako kay Marco. Kasi naman, tingin ko ay hindi reliable source si Kuya Jerrick. Kadalasan kasi ay masyado siyang exaggerated. Kapag naman si Kuya Arthur ang tinanong ko, may maganda sana itong sagot kaya lang ay bago ko pa ito marinig, mauuna muna ang mga pangaral niya sa akin hanggang sa gustuhin ko na lang matulog. Signs you have a crush – ito ang inilagay ko sa search bar. And after a few scrolls, I saw similarities from all the articles I read online. Ang unang-unang pagkakapareho ng lahat… FIRST SIGN: You keep thinking about the person. Napalunok ako dahil sapul na sapul agad ako sa unang senyales kung may crush ako sa isang tao. Paano’y maghapon ko nang