NALIGO agad ako pagkauwing-pagkauwi namin ni Mama. Mahirap na’t baka may nadala pa kaming virus sa bahay. I feel hot, irritated, or probably, just disappointed. Kung tutuusin ay hindi naman ako ang unang nagbukas ng topic tungkol sa pakikipagmeetup kay Marco kaya kung bakit ako pa ang sobrang dismayado ngayon ay hindi ko rin lubos na maunawaan. “’Wag mo na lang pansinin ‘yung mga sinabi ng Tita Lilian mo. Alam mo naman ang ugali nun dati pa,” sabi ni Mama sa akin pagpasok na pagpasok ko pa lang ng kwarto galing banyo. Mukhang hinintay talaga niya ako dahil pagdating ko ay tsaka lang siya tumayo para bumaba sa sala. “Wala ‘yon, Ma. Sanay na ‘ko sa kanila,” sagot ko na lang dahil alam kong sa aming dalawa ay siya ang mas may karapatang magreklamo sa mga sinabi ni Tita Lilian. ‘Yung tu