SUMULPOT kasi si Kuya Jerrick bigla kaya tuloy pagtingin ko sa wall clock, kalahating oras na lang at birthday na ni Marco! “Pero sure ka? Okay lang ‘yon?” Nakapangalumbaba si Marco at sobrang lapit ng mukha sa camera ng kanyang laptop. Tuloy ay sumandal ako sa couch at tipid na ngumiti. Stupid butterflies. Akala ko pa naman ay pulido ang plano ko kapag may bumaba ng hagdanan. Ayon lang ay hindi ko pala natanggal ang party hat ko! Mabuti na lang at si Kuya Jerrick ang nakakita sa akin dahil mas malaking g**o kapag si Kuya Arthur ito o at lalo na kung si Mama! Ayaw ko nang makarating pa ang tungkol dito kay Papa kung nagkataon. Inasar ako ni Marco noong una dahil nahuli ako. Pero syempre’y bandang huli, nag-aalala pa rin siya para sa akin. At sa totoo lang, ang init pa rin ng pisngi k