“YES, that’s it Tiffany. Slant your head a little, yes, perfect!” malakas na sabi ng photographer kay Tiffany. She silently followed his instructions and did the seductive look pose that he wants. Sumigaw ito ng isa pang malutong na perfect bago nagbigay ng panibagong instruction na walang salita rin niyang ginawa.
Nais niyang matapos kaagad ang shoot na iyon dahil mainit sa katawan at nakasisilaw ang mga ilaw na nakatapat sa kanya. Hindi pa kasama ang mga tingin ng mga staff sa kanya na ang tanging suot lamang ay manipis na puting gown. Ang motif ng cover ng magazine kung saan siya ang cover girl at centerfold ay Greek Goddess.
“Okay, that’s it. It’s a wrap!” muling sigaw ng photographer, hudyat na tapos na ang shoot.
She stood straight and took a deep breath. Mabilis siyang lumakad patungo sa upuang nakalaan para sa kanya. Sinalubong siya ng proud na ngiti ni Andi, ang kaniyang manager. She has been modeling for ten years at sa pangangalaga nito ay hindi siya nawalan ng trabaho kahit kailan. In fact, she has been one of the most sought after female model sa kabila ng pagkauso ng mga Brazilian models sa bansa. Ang dahilan naman nito at ng mga kumukuha sa kanya ay mukha rin naman daw foreigner ang features niya. At least, ay may silbi naman pala ang pagkakakuha niya sa itsura ng kanyang ina.
“Good work Tiffany!”
“Thanks Andi,” walang ngiting sagot niya at umupo. Inabutan siya nito ng mineral water at walang pagaalinlangan naman niyang tinanggap iyon.
“That’s it for you today. Dadaan muna tayo sa Timeless para sa meeting natin with Niccolo then pwede ka ng umuwi para magpahinga,” sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang modeling agency niya at ang may-ari niyon. Tumatango lamang siya sa lahat ng sinasabi nito.
Andi is more than a manager to her. He is her only friend in the world. And he is her savior when she was about to lead a worthless life. Nakilala niya ito noong labing anim na taong gulang pa lamang siya. She was about to graduate high school and has no plan to go to college then. Para sa kanya, wala ring silbi kahit pa isipin niya ang kinabukasan niya noon. Wala namang mag-aalala kahit na masira niya ang buhay niya so why bother? At that time, her parents were more distant to her and to each other. Staying in their house started to be a pain to her. And she has no one to talk to because she has no friends.
Since she was twelve years old, she started to create a wall between her and the rest of the crowd. Naging paraan niya iyon upang iwasan ang mga pang-aasar sa abnormal na relasyon ng pamilya nila. Lalo pa’t kumalat hindi lamang sa subdivision nila maging sa paaralan niya ang pambababae ng kanyang ama. So, since twelve she was physically and emotionally alone.
Kaya madalas siyang tumambay noon sa mga bar na maingay at maraming tao ay dahil hindi niya matagalan ang nakakasakal na katahimikan at animosity na nakapalibot sa bahay nila. Wala namang kumukuwestiyon sa edad niya dahil masyado siyang matangkad kaysa karaniwan. Maaga ring nag-mature ang katawan niya kaya napagkakamalan siyang mas matanda kaysa tunay niyang edad. Mabuti na rin, dahil hindi niya alam kung saan pa siya pupunta kung sakaling hindi siya pwede roon. Kahit kasi hindi siya nakikipag-usap kahit kanino, ang ingay ay nagbibigay sa kanya ng assurance na buhay pa rin siya.
It was one of those nights na mas ginusto niyang manatili sa bar kaysa sa bahay dahil sigurado siyang nag-aaway na naman ang mga magulang niya nang nakilala niya si Andi. Hindi tulad ng iba, walang pagaalinlangan siyang nilapitan ni Andi. Pinranka siya nito na gusto siya nitong kunin bilang modelo. He said that aside from her height, there’s something about her that tells him she will get famous. Nagkainteres siya sa mga sinasabi nito. Bukod doon ay nakakita siya ng paraan upang makaalis sa bahay nila at hindi na umasa sa mga magulang niya. So she accepted his offer without second doubt.
Tulad ng ipinangako nito ay sumikat siya. She became one of the most sought after female endorser and model in the country. Bukod doon ay nakapagpundar din siya ng sarili niyang condominium unit at iba pang bagay. At higit sa lahat, nakalayo rin siya sa mga magulang niya na hanggang sa huli ay hindi nagpakita ng pakielam sa kaniya. Nang sabihin niya sa mga ito ang balak niyang pagsabak sa pagmomodelo ay pareho lang ng sinabi ang mga ito. Bahala raw siya. Nang araw ding iyon, umalis siya ng bahay at hindi na nagpakita pa sa mga ito.
“Kapag nakapagpahinga ka na, pwede ka ng magbihis. We can eat early dinner first bago tayo pumunta ng Timeless,” pukaw sa kanya ni Andi.
Tiningnan niya ito. “I don’t feel like eating dinner Andi. Kaya dumeretso na lang tayo sa Timeless,” sagot niya at tumayo na.
Tumaas ang kilay nito. “No. Kailangan mong kumain kahit kaunti lang. I do like your figure pero ayokong magkasakit ka okay?” anitong namaywang pa.
Hindi niya naiwasang mapailing. “Fine. Magbibihis lang ako,” simpleng sagot niya at dumeretso sa dressing room. Good thing she has Andi. At least, there’s someone who cares for her in this world. Kung wala ito, hindi niya alam kung nasaan na siya. Malamang, she could have been dead long ago.
PAPADILIM na nang makarating sila sa building ng Timeless Modeling Agency. Their agency is considered as the number one modeling agency in the country. Halos lahat ng mga modelong kilala sa bansa ay hawak ng agency na iyon. Ang iba sa mga modelong iyon ay naging artista pa.
Katulad ng dati ay hindi niya naiwasang tingalain ang building na iyon. Sa unang tingin ay walang mag-aakalang doon matatagpuan ang opisina ng agency ng mga pinakasikat na mukha sa modeling world. Lumang-luma na kasi ang building na iyon. Kahit sa loob ay mukhang wala nang nag-oopisina roon. Noong una siyang dalhin ni Andi doon, inisip niya na baka niloloko lamang siya nito. Ngunit nang makilala naman niya si Niccolo ay napatunayan niyang totoong modeling agency iyon. Katunayan ay pinasikat siya ng mga ito.
“I wish hindi tayo i-stuck up ng elevator ngayon,” tila wala sa loob na sabi ni Andi nang papasok na sila ng elevator.
Maliit lamang ang dalawang elevator na iyon ng building ng Timeless at madalas iyong huminto. But she was never bothered by it. For her, every part of the old building gives her the comfort she never found in her own house when she was a child.
Nang bumukas ang elevator sa fourth floor ay umibis na sila ni Andi. Wala nang katau-tao sa lobby. Puno iyon ng mga aspiring models kapag hapon. Ngunit mukhang tapos na ang VTR kaya wala na silang naabutan kahit isa. Dumeretso sila sa opisina ng Timeless.
Ang unang nahagip ng mga mata niya ay ang kapwa niya modelo na si Zander Uijleman. Katabi nito sa couch si Erica, ang kasintahan nito at empleyado ng Timeless. Si Zander ang number one male model ng Agency nila. Sikat ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Asya. He used to be cold and taciturn. But seeing him happily smiling while looking lovingly at a woman still caught her off guard. Kahit pa halos tuwing nagpupunta siya roon ay nakikita niya ang mga itong naglalambingan.
Nang mapatingin ang mga ito sa kanya ay sabay pang ngumiti ang mga ito. “Good evening,” bati ng mga ito sa kanya.
Tumango lamang siya at sumunod na kay Andi. Ang mga ito naman ay ibinalik ang atensyon sa isa’t isa. She suddenly felt envious. Not of Erica but of Zander. Because unlike her, he found someone who gave his life a meaning. Napailing siya. Hindi siya nakakaramdam ng ganoon noon.
Dati, sapat ng nabubuhay siya ng maalwan ng mag-isa at may trabaho. But lately, tuwing nakikita niya ang kakaibang sigla at saya ni Zander ay nakakaramdan siya ng ibayong inggit. Ngunit hindi niya iyon ipinapakita kahit kanino. Wala rin siyang interes humanap ng kapareha. Because she doesn’t know if she will be capable of feeling something towards another person. She was hailed as the Ice Queen of the modeling world after all.