Chapter 12
3rd Person's POV
Simula ng araw na iyon lagi ng nandoon si Gallema minsan ay kasama pa ni Gallema si Gaiden at Gala na walang ginawa kung hindi asarin si Gaara na paniki at bampira.
Pumupunta din si Gallema sa palasyo ni Garan. Kapangyarihan nito ay ang nature at dahil konektado sa emosyon nito ang panahon— madalas sa palasyo ay tag-lamig.
"Kyaah!" tili ni Gallema matapos lumubog ang kalahati ng katawan niya sa niyebe. Natawa si Gaiden at Gala dahil doon.
Gamit ang kapangyarihan ni Gaiden inangat niya ang prinsesa na hawak ang nabasa niyang dress.
"Brother Gaiden! Napakasama mo! Prinsesa pa din ako," namumula na sambit ni Gallema habang nakalutang sa ere at hawak ang laylayan ng suot niyang dress.
"Hindi ako makapaniwalang anak ka ng reyna. Hindi mo dapat basta inaangat ng ganiyan si Gallema," sabat ni Gaara. Gumawa ng bilog na barrier si Gaara at pinasok doon si Gallema.
"Ang dilim! Ang creepy! Sir Greg! I hate you brother Gaiden at brother Gaara!"
Napailing na lang si Gala matapos makitang mukhang nage-enjoy ang mga kapatid na asarin ang prinsesa.
Nag-c***k ang barrier. Sinalo ni Greg ang prinsesa matapos nito marinig ang tawag ng prinsesa.
"Mga mahal na prinsipe— tigilan niyo na pang-aasar sa prinsesa," ani ni Greg. Pinatuyo ni Greg ang kasuotan ng prinsesa at napabahing ito.
"Kaya ayoko sa mga tao. Masyado silang weak," bored na sambit ni Gaara na para bang hindi din ito tao.
"Ano kayang nangyayari kay brother Garan? Sobrang kapal ng yelo ngayon. Ayos lang kaya si brother Garan?" tanong ni Gallema. Kapag malungkot kasi si Garan— umuulan ng niyebe at sobrang lakas ng hangin. Sa paglubog kanina ni Gallema sa niyebe alam ng batang babae na hindi na naman maganda mood ng kapatid niya.
"Oy Gaiden. Wasakin mo nga itong pinto. Na-stuck," ani ni Gala habang hawak ang handle ng malaking gate.
"Huwag mo ako utusan," banat ni Gaiden at naglakad palapit doon.
"Teka!" pigila ni Gallema na kinatindin ng dalawang prinsipe.
"Bakit niyo wawasakin ang pintuan? Na-stuck lang iyan dahil sa yelo. Huwag niyong sirain," pigil ni Gallema. Napa-pokerface si Gaara.
"Mukha naman may naiisip kang paraan para mabuksan ang pintuan nang hindi ginagamitan ng kapangyarihan," ani ni Gaara. Napakamot sa ulo si Gallema. Wala siyang naiisip na paraan.
"Wasakin ko na lang ang buong palasyo na ito para wala na tayong pintong po-problemahin buksan," ani ni Gaara. Gumawa ito ng bola na gawa sa itim na kapangyarihan.
"Oh my gosh! Brother Gaara! Gusto niyo na naman ba maitali ni dad sa pillar?" saway ni Gallema. Napailing na lang ang mga imperial knight ba naka-assign para bantayan ang mga prinsipe.
"Brother Garan! Nandito kami! Laro tayo!" sigaw ni Gallema mula sa labas. Umalingaw-ngaw iyon sa paligid.
"Ayoko! Umalis na kayo!" sigaw ng prinsipe mula sa loob ng palasyo. Mukhang nasa mataas na bahagi ito ng palasyo at alam nito na nasa labas sila.
Nalungkot bahagya si Gallema dahil ang ikatlong prinsipe ang pinakamahirap lapitan. Nakipaglaro naman ito sa kanila last time pero nitong mga nakaraan na araw ay iniiwasan sila nito.
"Siguradong pinagalitan na naman siya ng konsorte," ani ni Gaara. Nilingon ni Gallema ang kapatid.
"Pumunta ba ulit dito ang konsorte?" tanong ni Gallema. Nagkibit-balikat lang ang prinsipe.
"May nakita lang akong karwahe noong isang linggo na patungo dito kaya alam kong ang konsorte iyon," sagot ni Gaara. Tiningnan ni Gala si Gallema.
"Mahirap ang sitwasyon ni Garan ngayon. Hayaan muna natin siya," ani ni Gala. Iyon ang eksaktong naranasan niya bago siya nagdesisyon putulin ang ugnayan sa konsorte.
Nalungkot si Gallema. Gusto niya i-comfort si Garan ngunit alam ni Gallema na mapapapalala niya lang ang sitwasyon. Baka saktan na naman ng konsorte ang kapatid.
"Mag-treasure hunt na lang ulit tayo sa palasyo ko," suhestyon ni Gaara. Nanlaki ang mata ni Gallema at agad pinag-cross ang mga kamay.
"Ayoko," sagot ni Gallema. Ngumisi si Gala.
"Sayang— may mga sweets pa naman na dinala ako at nilagay ko iyon sa treasure box. Sa pagkakaalala ko din may nilagay na dragon fruits si Gaiden sa treasure box natin. Paano iyan?" ani ni Gala. Kuminang ang mata ni Gallema matapos marinig iyon— ngunit umiling-iling ito.
"No! Pagtitripan niyo na naman ako! Maglalabas na naman kayo ng mga wierd stuff para takutin ako!" reklamo ni Gallema. Umalis na sila sa harap ng palasyo. Nilingon ni Gaiden ang palasyo na gawa sa yelo.
Dumilim ang mukha ni Gaiden at sa isang iglap. Natunaw ang yelo pati na din ang gate. Nakita iyon ni Greg ngunit hindi ito nagsalita.
Napailing na lang so Greg sa idea na mas malayo pa sa ini-expect nila ng hari ang kayang gawin ng mga prinsipe.
Binaba ni Greg si Gallema at tumakbo patungo kina Gala. Kumapit si Gallema sa kamay ni Gala at Gaara na hindi naman nag-react.
"Kapag may wierd stuff na naman kayo dinikit sa paa ko magagalit na talaga ako sa inyo. Isusumbong ko kayo sa hari!"
—
Kalaunan sa loob ng malamig at nagyeyelo na kwarto. Nanatiling nasa loob si Garan habang nakakadena ang mga paa at puno ng latay ang katawan.
Nagalit sa kaniya ang ina dahil sa patuloy nitong pakikipaglaro kay Gallema. Hindi totoong ayaw ni Garan makipaglaro sa prinsesa— ayaw lang ng batang lalaki na makita ng prinsesa ang sitwasyon niya dahil siguradong gagawa na naman ito ng delikadong hakbang ang prinsesa.
Hindi maialis ni Garan ang mga kadena para tumakas dahil nanghihina siya oras-oras pumupunta doon ang tagapaglingkod ng reyna para parusahan siya at alam niya na paraa iyon ng reyna para hindi siya makaalis ng palasyo.
"Makaalis lang ako dito papatayin ko kayong lahat," malamig na sambit ni Garan habang nakatingin sa pinto. Napatigil si Garan nang mula sa pader na nasa harapan niya may itim na portal ang sumulpot.
Lumabas doon si Gaiden at Gala sumunod si Gaara na kasalukuyang gusot ang mukha at nakatakip ang ilong.
"Mukhang napapadalas ang pagha-hang out niyong tatlo," ani ni Garan na parang nangaasar pa sa kabila ng sitwasyon niya.
"Naawa pa sa iyo ang konsorte bakit hindi ka na lang niya binalatan ng buhay it's make sense since hindi na kita makilala sa mga latay mo," komento ni Gaara. Sumama ang mukha ni Garan matapos marinig iyon.
May tinapon na lalagyan si Gaiden kay Garan na agad naman nasalo ng batang lalaki. Isa iyong puting tela at may laman na cookies.
"Nagkipaglaro sa amin si Gallema ng treasure hunting. Nanalo siya kanina at gusto niya ibigay iyan sa iyo," ani ni Gaiden. Bumaba ang tingin ni Garan at hinawakan iyon ng mahigpit.
Tinapakan ni Gaara ang kadena na nakatali sa kama. Natunaw iyon na kinatingin ni Garan.
"Just choose. Wala kang kailangan na kahit na sino Garan— isa tayong mga Hidalgo. Walang sino 'man ang pwedeng kumontrol sa atin," bored na sagot ni Gaara. Nakarinig sila ng mga yabag mula sa labas ng pintuan.
Bumukas iyon at napatigil ang mga kawal matapos makita ang tatlong prinsipe sa loob. Nakaupo si Gaara sa gilid ng kama, nasa sahig si Garan na nakayuko at sa harap ng dalawang prinsipe sin Gaiden at Gala.
Umalingaw-ngaw sa apat na sulok ng lugar na iyon ang sigaw ng mga kawal. Winasak ni Garan ang buong palasyo at hindi 'man lang kumurap ang tatlong prinsipe.
Gumawa ng isang malaking hukay ang pagsabog na iyon at sa ilalim 'non ang ang apat na prinsipe.
Sa medyo tagong bahagi ng teritoryo. May apat na nilalang ang nakatayo doon. Pare-pareho ang mga ito napabuga ng hangin at nag-anyong mga bola.
Lumipad ang mga ito patungo sa direksyon ng apat na prinsipe na napangisi na lang matapos makita ang maraming katawan sa paligid nila.
"Hindi na ito maganda," bulong ni Greg habang nakatingin sa apat na prinsipe.
Kinabukasan
"Brother Garan!" sigaw ni Gallema at tumakbo. Sinugod niya ng yakap si Garan nang sabihin ni Greg na dumating si Garan. Napangiti si Garan at niyakap ang kapatid na babae.
Natutuwa na lumayo si Gallema at bumati sa apat na prinsipe na dumating sa kaniyang palasyo. Natutuwa naman ang mga tagapaglingkod ni Gallema sa idea na dinadayo ng mga prinsipe palagi ang prinsesa sa palasyo nito.
Niyaya ni Gallema ang mga kapatid sa garden para makipaglaro sa kaniya. Agad naman siya sinundan ng apat na batang lalaki.
Kalaunan sa bulwagan kung nasaan ang hari. Nababahala ang mga tagapaglingkod at tapat na tauhan ng hari tungkol sa mga p*****n na nagaganap pati na din ang ginawang pagpatay ng mga prinsipe sa mga tagapaglingkod.
"Mahal na hari, hindi na napipigilan ang mga prinsipe. Nababahala kami sa maari pang gawin ng mga prinsipe kung magpapatuloy ito," ani ng isa sa mga maestro na nasa bulwagan. Malinaw sa hari ang hangarin ng mga maestro kaya nagkukumahog ang mga ito kausapin siya.
Hindi na nakokontrol ng tatlong konsorte at ng reyna ang apat na prinsipe. Natatakot ang mga ito na mawala sa mga galamay nila ang apat since naniniwala sila na isa sa apat na ito ang magiging hari.
Pinakinggan lang ng hari ang mga hinaing ng mga ito ngunit hindi nagsalita. Naging mahaba ang araw na iyon para sa hari isama pa na sumasakit ang ulo niya sa mga ito.
Nang wala silang marinig na sagot sa hari umalis na ang mga ito. Hinilot-hilot ng hari ang sentido.
"Mahal na hari nandito ang prinsesa— hinihiling niya na makita kayo mahal na hari," ani ng kawal matapos ito lumapit at yumuko.
Umayos ng upo ang hari at nag-gesture na papasukin ang prinsesa. Bumukas ang malaking pinto at nakangiting pumasok ang prinsesa.
Lumambot ang expression ng hari matapos makita ang prinsesa. May dala itong kulay pink na basket.
Yumuko ang prinsesa at agad bumati sa hari.
"Anong kailangan mo mahal na prinsesa?" tanong ng hari. Maliwanag ang mukha na lumapit ang prinsesa sa direksyon ng hari.
"Nag-bake kami ni Jane mahal na hari. Naisipan ko lang kayo bigyan baka magustuhan niyo," natutuwa na sambit ng prinsesa at tinanggal ang tela na nasa basket.
—
Makalipas ang limang taon— nasa 15 years old na si Gallema. Nag-start na din ito uma-attend ng mga party. Wala sa emperyo na iyon ang hindi humahanga sa ganda na taglay ng prinsesa.
Marami din na dumarating na imbitasyon tungkol sa kasal sa gayong tatlong taon pa ang hihintayin bago dumating ang tamang edad ni Gallema para ikasal.
Sa ikalimang pagkakataon dumalo muli si Gallema sa pagdiriwang na idadaos sa imperial palace. Laging binabati ng emperor ang taglay na ganda ni Gallema. Nagbiro pa ito na kung maari ay maipakasal ito sa isa sa mga prinsipe.
Sumasakit na ang tenga ni Gallema dahil puro sa kasal ang laging naitatanong sa kaniya na lingid naman sa kaalaman niya na marami sa mga maharlikang pamilya na ang nais lang ng mga ito ay ang posisyon sa mga Hidalgo at pabor ng emperor.
"Sa ika-labing walo mong kaarawan prinsesa— may napipili ka na bang pakasalan kung sakali?" tanong ng emperor. Sa pagkakataon na iyon ay seryoso na ang emperor at napatingin sa kaniya lahat ng bisita.
Sumama ang mukha ng kapatid at hari doon ngunit hindi ang mga ito umimik.
Puno ng respeto na sumagot si Gallema at ngumiti. Wala pa sa isip niya nag pagpapakasal sa kahit na sino— mas marami pa siyang bagay na kailangan gawin at wala siyanh oras para isipin iyon.
Ngunit hindi matatapos ang usapan na iyon kung mananahimik lang siya at siguradong mas magiging issue pa iyon pagdating niya sa tamang edad.
"Gusto ko pakasalan ang ama at mga kapatid ko mahal na emperor," sagot ni Gallema. Napaubos si Gaiden matapos marinig iyon. Natawa ang emperor.
"Hindi iyon maari Gallema," banat ni Gala na nasa tabi niya lang. Inosente siyang tiningnan ni Gallema.
"Ngunit ayokong ikasal," dagdag ni Gallema. Hindi din iyon maari at alam niyang sasabihin iyon nina Gaiden.
"Sayang ang ganda mo mahal na prinsesa kung ikukulong ka lang sa palasyo ng mga Hidalgo," natatawa na sambat ng ikatlong imperial prince habang umiinom ng wine.
Sa pagkakaalam ni Gallema ay ito ang prinsipe na malaki ang pagkakainteres sa kaniya. Nag-cross arm ang prinsesa.
"Kung hindi ko mapapakasalan ang mga kapatid at ama ko in future— papakasalan ko ang taong makakatalo sa mga kapatid at ama ko," sagot ni Gallema. Mahabang katahimikan ang nangyari.
Palihim na napangisi ang hari at apat na prinsipe matapos marinig iyon. Napasapo si Greg sa noo at sina Bernard na siyang kawal ng prinsesa.
Nagbulungan ang mga tao doon sa reyalidad na imposible na may makatalo sa mga Hidalgo pagdating sa laban kahit ang mga nasa imperial family pa iyon na kinabago ng expression ng emperor.
Hindi akalain ng prinsesa na parang bomba na sasabog iyon sa high society at magiging sampal sa imperial family dahil tatlo sa imperial prince ay gusto mapunta sa kanila si Gallema dahil sa pamilya ng mga Hidalgo.
Mamatay-matay naman katatawa si Gala habang hawak ang newspaper at naglalaman ng iba't ibang opinyon ng mga tao tungkol sa namamagitan sa mga Hidalgo at imperial family.
"Ginagamit nila si Gallema para sa pabor ng mga tao. Anong nangyari ngayon? Good job princess," ani ni Gaiden na parang batang tinatapik-tapik ang ulo ng kapatid na nakasimangot.
"Bakit nila bini-big deal iyon? Isa akong Hidalgo at dapat lang na mataas din ang kalibre ng lalaking papakasalan ko," sagot ni Gallema. Napa-pokerface si Gaara na sumisimsim sa ng kape at nakaupo sa pang-isahan na sofa.
"Suntok sa buwan kasi ang gusto mong mangyari Gallema. Sino sa emperyo na ito ang kaya kaming talunin?" sagot ni Gaara. Humagikhik si Gallema at tiningnan si Gaara.
"Alam ko na wala kaya imposible din mapilit ako ng imperial family at ni ama na maikasal."