11

2058 Words
Chapter 11 3rd Person's POV Hindi alam ni Gallema kung anong gagawin niya para paniwalaan siya ng mga kapatid. Sinara ni Gallema ang hawak na libro at tumingin sa ilabas ng kaniyang silid. "Si Mavis," bulong ni Gallema. Iniyukom ni Gallema ang kamao. "Kung nandito si Mavis siguradong mapapayuhan niya ako kung anong dapat kong gawin. Ngunit kung gigisingin ko siya ngayon— maalala niya ba ako? Kung maalala niya ko sigurado din magagalit siya dahil bumalik ako," bulong ni Gallema. Umiling-iling si Gallema at tumayo. "Isa sa si Mavis sa mga taong pinagkakautangan ko. Kailangan ko bumawi at bumalik," ani ni Gallema na may pagtaas ng kamao. "Ngunit paano ako makakarating sa dark forest? Sa pagkakatanda ko nakarating ako doon dahil hinagis ako ni brother Gaara," bulong ni Gallema. Ngumiwi ang batang babae matapos maalalang literal na binato siya doon ni Gaara matapos magbukas ng portal. "Ngunit nandoon ba siya?" bulong ni Gallema. "Sir Greg," tawag ni Gallema. Bumukas ang pinto. Pumasok si Greg sa silid at yumuko. "Pinatatawag niyo ako prinsesa?" ani ni Greg bago umayos ng tayo at tiningnan ang prinsesa. "May bahagi sa emperyo na tinatawag na dark forest. May nilalang ba na nakatira doon?" tanong ng prinsesa. Kumunot ang noo ni Greg. "May dark forest na tinatawag ngunit wala iyon sa boundary ng sa emperyo," ani ni Greg. Napatigil si Gallema. Tumayo si Gallema. "Sir Greg! Pumunta tayo ngayon kay brother Gaara!" Tumakbo ang prinsesa palabas kaya agad siya hinabol ni Greg. Malinaw ang pagkakaalala ni Gallema. Bahagi iyon ng emperyo at doon nakatira si Mavis. "Prinsesa teka lang!" Humarang si Greg at tinaas ang dalawang kamay para pigilan ang prinsesa. "Ihahanda ko ang karwahe. Masyadong malayo ang palasyo ng ikaapat na prinsipe mula dito," ani ni Greg. Napasapo si Gallema sa noo matapos ma-realize iyon. Masyadong delikado ang kapangyarihan ng ikatatlo at ikaapat na prinsipe kaya ang palasyo nila ay nakatayo sa kabilang bahagi ng kinatatayuan ng palasyo ng hari. Sobrang layo noon at aabutin ng isang oras gamit ang karwahe kung nanaisin mo pumunta doon. Maya-maya may dumating na karwahe— agad inalalayan ng knight si Gallema pasakay doon. Kalaunan sa kabilang bahagi ng kalupaan ng mga Hidalgo. Hinahati ng isang daanan ang dalawang palasyo na nasa magkabilang bahagi ng malawak na kalupaan. Sa kanang bahagi ay ang lugar kung saan may mga patay na puno, hindi nasisikatan ng araw ang paligid at nag-uungulan na lobo. Sa kabila naman ay umuulan ng snow— at natatabunan ng makapal na ulap ang paligid. Nang makarating nga doon so Gallema ay nagulat ito matapos makita ang mga daan na tinatahak nila. "Mahal na prinsesa— mas mabuting hindi kayo umalis sa tabi ko. Masyadong malakas nag mga enerhiya na bumabalot sa lugar na ito at hindi maganda sa katawan niyo ang manatili sa ganitong lugar," ani ni Greg. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Gallema. "Ikaw na bahala sa akin Sir Greg simula ngayon," may ngiti na sambit ni Gallema. Kalaunan sa palasyo. Nakabalot ang batang si Gaara na nasa 15 years sa makapal na comforter. Nilalamig ito at nagugutom. Walang tumatagal sa palsyo niya ng apat na araw dahil sa takot. Madilim doon, malamig at isama pa na madalas niya nabubuksan ang portal na nagdudugsong sa mga patay at sa mundo ng mga tao. Ngayon ay dahil mahina siya at hindi niya magawang igalaw ang kahit dulo ng daliri niya ay maraming mga kaluluwa ng patay ang nagpagala-gala sa palasyo niya. "Gaara, anong gagawin ko. Hindi ko mahawakan kahit iyong basin," tanong ng batang multo na lagi niyang kasama sa palasyo. Walang magawa ang batang multo kung hindi panoorin si Gaara na inaapoy ng lagnat. "Hahanap na ako ng tulong hindi ka okay!" ani ng batang multo at tumakbo. "Phinea! Hindi ka pwede lumabas ng palasyo," nanghihina na sambit ni Gaara bago pilit na umupo. Napaubo ang batang lalaki at naibagsak ang katawan sa kama. Kalaunan sa loob ng palasyo. Tumitili na niyakap ni Gallema ang braso ni Greg matapos may makitang mga multo. Nagtatalon si Gallema sa takot at tinatakpan ang mata. Maraming sunog na mukha at minsan nakakakita pa siya ng multo na walang mga mata. "Hindi ka nila malalapitan prinsesa. May barrier tayo," ani ni Greg. Ang mga kaluluwang sinusubukan sila lapitan ay mga naglalaho dahil sa devine powers na ginagamit ni Greg. "Tulong! Tulong si Gaara! Kailangan niya ng tulong!" umiiyak na sambit ng batang multo at napapasok ito sa barrier. "Si brother Gaara? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Gallema. Sinundan nila ang bata patungo sa kwaro ni Gaara. Bigla yatang bumagsak ang temperatura sa paligid ni Gallema matapos makitang tumagos ang bata sa pader. Tanging nakasinding kandila lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kung wala ang mga kandila na iyon ay imposibleng may makita pa sina Gallema na kahit ano. Binuksan ni Greg ang pintuan. Wala silang nakikita sa loob kaya mula sa mga palad ni Greg lumabas ang puting liwanag. Sinindihan 'non ang kandila na nasa study table na nasa gilid ng kama ni Gaara. Hindi iyon napansin ni Gallema at hindi na nagtanong pa kung paano nagkaroon ng kapangyarihan si Greg sa gayong ordinaryong knight lang ito. "Brother Gaara," ani ni Gallema bago nilapitan ang kapatid. Nagmulat ng mata si Gaara at nakita niya si Gallema. Napaupo ito at galit na tiningnan si Gallema. "Anong ginagawa mo dito?" pawisan na sambit ni Gaara habang hawak ang dibdib at nanghihinang nakatingin kay Gallema. "Hindi ka ba pwedeng dalawin— kyaah!" tili ni Gallema at napasampa sa kama matapos may humawak na malamig na kamay sa paa niya mula sa ilalim. Takot na takot si Gallema kaya napa-pokerface si Gaara at tiningnan si Greg. "May itatanong yata sa iyo ang prinsesa mahal na prinsipe kaya—" "Kailangan muna natin siya gamutin Greg. Wala ka bang tagapaglingkod dito? I mean walang tao?" ani ni Gallema matapos gumapang palapit kay Greg at napahawak dito. "Umalis na lang kayo dito. Hindi ko kayo kailangan at kung may magtanong ka magpadala ka na lang ng tagapaglingkod dito— hindi mo kailangan pumunta," malamig na sambit ni Gaara bago nanghihina na humiga at binalot ahg katawan ng kumot. Lamig na lamig ang binata— naririnig ni Gallema ang pagalitgit ng mga ngipin ng kapatid dahil sa lamig. "Mahal na prinsesa. Pinaaalis na tayo ng prinsipe. Masyadong delikado ngayon dito dahil sa panghihina ng prinsipe," ani ni Greg. Hindi lingid sa kaalaman ni Greg na ang bahaging ito ng teritoryo ng mga Hidalgo ang pinakadelikado lalo na sa mga katulad ni Gallema. "Hindi natin pwede iwan si brother Gaara. May sakit siya— Greg, huwag natin siya iwan. Pangako hindi ako aalis sa tabi mo," ani ni Gallema at nagtaas pa ng kamay. Napasapo si Greg sa noo matapos magpa-cute ang prinsesa. Natatakot si Gallema sa mga multo na nadoon lalo na at karamihan pa doon ay mga panget ang mukha. Ngunit wala ng oras pa si Gallema alalahanin iyon lalo na at sobrang taas ng lagnat ng ikaapat na prinsipe. Nabalot ng pag-aalala ang prinsesa matapos mapansin na hindi bumababa ang temperatura ng prinsipe. "A-Ang lamig," bulong ni Gaara. Naibaba ni Gallema ang hawak na towel at tiningnan ang paligid. "Sir Greg, sindihan mo ang fire place. Nilalamig si brother Gaara," ani ni Gallema matapos makita ang fire place. "Huwag niyong sisindihan iyan. Lalabas ang mga halimaw at mga nilalang galing sa lupa kapag gumawa naglagay kayo ng liwanag," ani ng batang multo na bigla na lang sumulpot kung saan. Napatili si Gallema at mapayakap kay Greg matapos makita ang multo. Napaingit si Gaara at mahigpit ang hawak sa comforter. Nangingilid ang luhang tiningnan ni Gallema ang direksyon ni Gaara. Nilalamig pa din ito. Hindi nila pwedeng buksan ang fire place kaya hindi alam ni Gallema ang gagawin para mainitan si Gaara hanggang sa may maalala si Gallema. "Ha-hug ko si brother Gaara para gumaling na siya," ani ni Gallema. Niyakap ni Gallema si Gaara matapos lumusot sa comforter. Sobrang init ni Gaara ngunit hindi na iyon pinansin ni Gallema. Tinapik-tapik ni Gallema ang likod ni Gaara para patulugin ito. Nagha-humming si Gallema hanggang sa makaramdam ng antok ang batang babae. Masyadong napagod ang batang babae sa katitili nito kapag may mga kaluluwang umaatake at pagpupumilit nito painumin si Gaara ng gamot. Hindi na alam ni Greg kung ilang oras na sila nandoon since in some reason hindi lumiliwanag sa palasyo na iyon. Tiningnan ni Greg ang mga kamay matapos makitang punti-unti nagfa-fade ang existance niya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para linisin ang palapag na iyon at maglagay ng barrier. "Sabi ko na hindi ka tao," ani ng batang biglang sumulpot sa harap ni Greg. Sumama ang mukha ni Greg matapos makita muli ang bata. "Kung sino 'man ang master mo siguradong malakas siya. Binigyan ka niya ng human form kahit wala kang vessel. Ang galing," natutuwa na sambit ng batang babae at iniikutan siya. "Hindi ko inaakala na tataas ang katulad mo dito para bantayan ang isang bata. Ano bang kailangan mo dito?— Lilith?" tanong ni Greg. Lumutang ang batang babae na may pulang buhok at ngumiti. "Anong sinasabi mo? Sinong Lilith?" natutuwa na sambit ng bata at umikot. "Ikaw ba ang spirit ng prinsipe kaya ka nandito?" sunod na tanong ni Greg. Lumapat ang ngiti ng bata. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo Greg. Isa lang akong ordinaryong ligaw na kaluluwa— gusto ng kalaro at kasama," sagot ng batang babae. Masama ang tingin na pinukol ni Greg sa batang babae. Kalaunan nagising si Gaara makalipas ang ilang oras. May nakayakap sa bewang niya kaya inalis niya ang comforter— doon nakita niya si Gallema. Sumama ang mukha ni Gaara— itutulak nito ang batang babae palayo nang may makita siyang basin sa upuan at nakita niya na may hawak na towel ang batang babae. Inis na binaba ng batang lalaki ang kamay at hinayaan ang batang babae na matulog sa tabi niya. Maya-maya napatigil si Gaara at napatingin sa batang babae matapos ito mapaingit. "Walang kasalanan ang mga kapatid ko at ang hari!" Napabukas ang pinto matapos sumigaw si Gallema. Nasalo ni Gaara ang kamay ni Gallema matapos siya muntikan nito masuntok. "Mukhang na-absorb ng katawan ng prinsesa ang kapangyarihan mo prinsipe," ani ni Greg matapos makita ang itim na aura sa paligid ng prinsesa. "Sakit sa ulo," irita na sambit ni Gaara bago bumangon at sinuklay ang buhok. Hahawakan ni Greg ang katawan ni Gallema nang saluhin ni Gaara ang kamay ng knight. Sinamaan siya ng tingin ng prinsipe. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig na tanong ni Gaara. Ngumiwi si Greg at yumuko. "Kailangan ko i-purify ang ka na kaluluwa ng prinsesa. Nae-exposed siya sa kapangyarihan niyo mahal na prinsipe at hindi iyon maganda para sa kaluluwa at katawan ng prinsesa," sagot ng knight. Binitawan ni Gaara ang kamay ni Greg. Nagliwanag ang palad ni Greg at binalot 'non ang katawan ni Gallema. Unti-unti nawala ang kunot ng noo ni Gallema humimbing muli ito ng tulog. Matapos kumain ni Gaara iniinom na nito ang gamot. Sinabi ni Greg na hinanda iyon ni Gallema para sa kaniya matapos pumunta sa kusina kung nasaan naglalabas-pasok ang mga kaluluwa since nandoon ang portal. Umismid lang si Gaara matapos marinig iyon. Sinabi ni Gaara na wala siyang pakialam pero kinain lahat nito ang kinuha ni Gallema sa kusina. "Huwag kang ganiyan, Gaara. Takot na takot siya 'non pero pumunta pa din siya sa kusina at nag-stay dito para bantayan ka. You know— walang nagi-stay sa lugat na ito na tao dahil sa mga ghost," sagot ng batang babae habang nakaupo sa gilid ng kama. "Wala akong sinabi na mag-stay siya dito at ikuha ako ng pagkain. Kaya ko mag-isa," malamig na sambit ni Gaara. Simula ng isilang siya—sanay na siya nag-iisa sa madilim na palasyo na iyon. Sariling ina niya ay hinihiling namamatay na siya dahil sa kapangyarihan na dala niya at sinabing sinumpa siya. Lumambot ang expression ng batang babae matapos makita ang expression ng ikaapat na prinsipe. Nilingon ng batang babae si Gallema na natutulog. Masyadong maliwanag ang nakikita ng batang babae sa presensya ni Gallema. Hindi maiwasan hilingin ng batang babae na kahit konti ay sana mabigyan ni Gallema ng konting liwanag na iyon si Gaara. Para kahit isang beses naman ay makita niya si Gaara na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD