Chapter 10
3rd Person's POV
Kinagabihan, pinakawalan na ang mga prinsipe. Natutuwang nilapitan sila ni Gallema.
"Papunta na dito ang mga tagapaglingkod. Pwede na kayo magpahinga," natutuwa na sambit ng prinsesa sa mga prinsipe.
Naunang dumating ang mga tagapaglingkod ni Garan na masama ang tingin sa prinsesa. Tiningnan sila ni Gallema— hindi siya tinapunan ng tingin ni Garan.
Inaya na si Gallema ni Gala para bumalik na sa kani-kanilang palasyo at magpahinga.
Kalaunan sa palasyo ng hari. Kasalukuyang may pagpupulong na nagaganap tungkol sa ika-anim na prinsesa.
May ngiti sa labi na hawak ng reyna at kasalukuyang hinahaplos ang buhok ng batang babae na nasa anim na taong gulang.
"Binabati namin kayo mahal na reyna!" ani ng mga taong masa throne room habang nakayuko.
Nang araw na kasi iyon nagising ang kapangyarihan ng batang prinsesa na tinago ng reyna ng ilang taon sa palasyo nito.
Hindi makapaniwala ang lahat dahil kay taglay na kapangyarihan ang batang babae at katulad na katulad ito ng sa hari. Para sa lahat magandang pangitain iyon para sa pamilya ng mga Hidalgo ngunit hindi para sa hari.
"Kailangan mamatay ng prinsesa," ani ng hari bago tumayo. Nanahimik ang lahat at agad nag-freak out.
"Anong sinasabi mo mahal na hari! Si Gemma ba ang tinutukoy ko na dapat mamatay," apila ng reyna. Marami din umapila sa hanay ng mga tagasunod ng hari dahil sa desisyon nito.
_
"Anong nangyayari Jane? Bakit namumutla ka?" tanong ni Gallema habang nakaharap sa malaking salamin at inaayusan siya ng tagapaglingkod.
Maaga pa lang ay ginising na si Gallema ng tagapaglingkod para ayusan sa dahilang pinatatawag sila sa bulwagan. Hindi din maiwasan ni Gallema magtaka dahil doon.
"Nag-aalala lang ako prinsesa pero alam ko na hindi magdedesisyon ang hari na alam niyang ikakasama mo. Mahal na prinsesa kahit na anong mangyari— mananatili akong tapat sa iyo," ani ni Jane na kinatingin ni Gallema. Naiiyak si Jane at hindi maintindihan ni Gallema kung anong dahilan.
Kasama ang mga kawal at tagapaglingkod tinungo nila ang throne room kung nasaan ang lahat.
Nandoon ang hari at mga kapatid ngunit may isang tao na nakaagaw ng pansin ni Gallema. Iyong batang nakaupo sa hita ng reyna. Pula na mga mata at kasing puti ng niyembe na buhok. Kuhang-kuha nito ang features ng ama at ng unang prinsipe.
Nakaramdam ng panlalamig si Gallema matapos magtama ang mata nila ng batang babae. Wala ang batang iyon 'nong past nila— hindi niya ito nakita.
"Anong sinasabi mo mahal na hari? Papalayasin niyo ang isa sa mga prinsesa sa palasyo?" tanong ng unang prinsipe na may pagkadisgusto ang mukha. Nagbulungan ang mag tao na nasa throne room.
"Ayon sa nakasaad sa libro isang sumpa ang magkaroon ng dalawang prinsesa na may dugong Hidalgo. Isa sa mga ito ang magdadala ng kasawian sa angkan ng mga Hidalgo at sa buong emperyo," ani ng isa sa mga nandoon. Natahimik si Gallema.
Noong pastlife ni Gallema ay iisa lang siyang prinsesa sa mga Hidalgo ngunit hindi pa din naging maganda ang kinalabasan 'non sa kanilang pamilya. Tiningnan ni Gallema ang bata na buhat ng reyna.
Sa isip ni Gallema maaring tinago ng reyna ang prinsesa matapos ito isilang. Maari din siya talaga ang sumpa kaya sa past na iyon at sa kasalukuyan ganoon pa din ang magiging katapusan ng mga Hidalgo dahil nandoon siya.
Maaring senyales ng pag-asa at parte ng pagbabago ang pagdating ng prinsesa. Umiling-iling si Gallema— nanganganib siya ngayon.
"Mahal na hari, hindi ka pwedeng magdesisyon na lang na ipapatay ang ikalawang prinsesa sa gayong dala niya ang iyong kapangyarihan," ani ng isa sa mga tagapaglingkod. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Gallema matapos marinig iyon.
"Anong sinasabi mo? Ipapatay niyo ang ikalimang prinsesa dahil wala siyang kapangyarihan?" basag ng unang prinsipe. Nagkaingay muli doon.
Sobrang bigat ng atmosphere sa throne room. Lahat ay masama ang tingin sa kaniya. Sa kalkula ni Gallema— marami ang gusto siyang mawala dahil sa idea na may dalawang prinsesa sa mga Hidalgo.
"H-Hindi ko maintindihan. Wala akong nabasa tungkol sa mga prinsesa sa kasaysayan ng mga Hidalgo. Bakit sobrang bigdeal sa inyo na may dalawang prinsesa sa palasyo na ito," tanong ni Gallema. Wala siyang alam— tiningnan ni Greg si Gallema.
"Pinasunog ng dating hari ang mga libro ng kasasayan na naglalahad tungkol sa mga prinsesa," sagot ni Greg. Tumawa ang reyna at sumagot.
"Isang tunay na prinsesa si Gemma— may kapangyarihan siya at dala niya ang purong dugo ng mga Hidalgo," mapagmalaki na sambit ng reyna. Hindi nakapagsalita si Gallema dahil doon.
"Ayon sa kasaysayan— karaniwan sa mga prinsesa na isinisilang galing sa mga Hidalgo ay isang beses lang sa dalawang libong taon at sinisilang silang mga walang— kapangyarihan," ani ni Greg na kinatigil ng reyna.
"Hindi ito ang unang pagkakataon na may pinanganak na dalawang prinsesa— ngunit tuwing nangyayari iyon ay may hindi magandang nangyayari sa buong emperyo."
"Sakuna, taggutom, digmaan at walang katapusang kaguluhan sa pamilya ng mga Hidalgo," dagdag ni Greg. Naggitgit ang reyna.
"Sinasabi mo bang ang anak ko ang sinumpa?" may galit na sambit ng reyna at napatayo habang yakap ang anak na babae.
"Kailangan patayin ang prinsesa," ani ng hari. Nagkagulo sa bulwagan at inutos ng hari na kuhanin ang prinsesa na hawak ng reyna.
Nagwala ang reyna at sinabing huwag kuhanin ang prinsesa. Nagmakaawa pa ito para hindi kuhanin ang prinsesa.
"Ama!" sigaw ng Gallema matapos tumayo na kinatingin ng hari. Pumikit ng madiin ang prinsesa.
"Maawa kayo ama. Anak niyo din siya at kapatid namin. Nanalaytay sa katawan niya ang dugo meron kayo," malakas ang bosea na sambit ni Gallema. Katulad ng mga taong nasa silid na iyon natatakot din siya.
Paano kung maulit ang nasa kasaysayan? Ngunit isang bata lang ang anak ng reyna kung maulit iyon tama bang isisi iyon lahat sa bata?
"Isa pa din siyang Hidalgo maawa kayo ama," ani Gallema. Sumama ang mukha ni Gaiden at tiningnan si Gallema.
"Gallema, ang reyna. Gusto ka niya mamatay. Siya ang unang nag-suggest na patayin ka bakit mo ito ginagawa?" tanong ni Gaiden na may pagkadisgusto sa mukha.
Yumuko si Gallema at ang nagsalita. Iniyukom nito ang kamao.
"Kayo bakit niyo ito ginagawa brother Gaiden?" tanong ni Gallema at tiningnan ang mga kapatid.
"Kapatid niyo din si Gemma bakit wala sa inyo ang nagsalita para protektahan siya? Kapatid natin siya," ani ni Gallema. Madilim ang mukhang nilingon no Gaara ang kapatid.
"Bakit hindi mo na lang tanggapin Gallema na hindi ito iyong klase ng pamilya na mababago mo? In future lahat kami magpapatayan din para sa posisyon dahil iyon ang batas para sa pamilya na ito. Pamilya? Kapatid?" sabat ni Gaara bago tumayo at tiningnan si Gallema ng malamig.
"Isa iyong malaking kalokohan. Hindi ka mabubuhay sa pagmamahal ng iba— magiging walang kwenta ang lahat ng iyan kapag nakita mo na ang sarili mong mga kapatid ang tututok sa leeg mo ng espada," ani ni Gaara. Aalis ito nang magsalita si Gallema.
"Sisiguraduhin ko na hindi iyon mangyayari," malamig na sambit ni Gallema na kinatingin ng lahat kay Gallema.
"Kung wala sa inyo magiging hari— hindi niyo kailangan magpatayan," ani ni Gallema. Buong tapang na tiningnan ni Gallema ang hari.
"Mahal na hari— bago ako makarating sa tamang edad. Ako ang magiging reyna! Sa paligsahan na darating sa ikasampung taon mula ngayon. Sasali ako sa paligsahan sa susunod na magiging hari."
"Poprotektahan ko ang palasyo na ito at papatunayan ko na magagawa kong baguhin ang kapalaran ng pamilyang ito," ani ni Gallema. Natahimik ang lahat matapos marinig iyon.
May ibang tagasunod ng hari ang tumawa pero wala sa mga prinsipe at sa hari ang inalis ang tingin kay Gallema. Nagbigay ng kakaibang ngiti si Gallema.
"Ayoko ng mamatay na walang ginagawa at may mga pinagsisihan. Gagawin ko lahat ng paraan para mabago ko ang hinaharap ko," ani ni Gallema. Puno ng determinasyon ang mukha nito kaya hindi alam ng mga prinsipe ang ire-react.
Tumawa si Gaara at humawak pa ito sa tiyan habang ginagawa iyon.
"Ikaw ang kukuha ng trono? Kayang-kaya kitang gawing abo ngayon sa kinatatayuan mo— wala kang kapangyarihan tanggapin mo na iyon," ani ni Gaara na puno ng pangmamaliit na nakatingin kay Gallema. Napatigil lang ito matapos siya seryosong tiningnan ni Gallema.
"Hindi ko kailangan ng kapangyarihan para mangyari iyon brother Gaara. Magagawa ko iyon at papatunayan ko na kaya ko," ani ni Gallema. Sumama ang mukha ni Gaara matapos marinig iyon.
Pinag-utos ng hari na hindi itutuloy ang pagpatay sa prinsesa ngunit titira si Gemma sa malayong bahagi ng emperyo. Hindi maaring malaman ng imperial family ang existance ni Gemma.
Hindi pumayag ang reyna at sinabing dapat si Gallema ang lumayas sa palasyo. Nagwala ang reyna dahil doon. Walang nagawa si Gallema dahil para sa sitwasyon ng batang babae mas maganda na iyon ang mangyari kaysa patayin ito ng hari.
"Hindi ba napakainteresante ng nangyayari, Greg?" tanong ng hari habang nakapatong ang siko nito sa arm rest ng kinauupuan nito ma trono at nakahalumbaba. Nanatiling nakayuko si Greg.
"Mahal na hari— alam ko na may idea na kayo sa mangyayari sa hinaharap. Bakit niyo ito ginagawa?" tanong ni Greg at tiningnan ang hari.
Bata pa lang ang batang si Gallema na nakita na ng hari ang hinaharap nito at laman ng ala-ala ng prinsesa sa gayong ordinaryong tao lang ito. Ngunit in some reason— nanatili ang ang hari na walang ginagawa kahit aware silang ang existance na mismo ni Gallema ang nagsisilbing warning para sa palasyo at sa pamilya ng mga Hidalgo.
Ang mga ala-ala ni Gallema galing sa hinaharap ay iyon ang tipo ng bagay na hindi pwede nilang isawalang bahala ngunit napapansin ni Greg na nanatili pa din sumasabay sa agos ang hari kahit alam na nito ang mga mangyayari.
Tumingin ang hari sa ilabas ng bulwagan. Mula doon nakikita niya ang mga bulaklak at paru-paro.
Nakita niya doon na may nakatayong babae— may asul na buhok at mga mata— lumingon ito sa direksyon niya at ngumiti.
'Kamahalan, kamusta ang araw mo? Napagod ka ba?'
Parang may kumirot sa dibdib ng hari matapos makita ang scenario na iyon. Napatigil si Greg— nagpaalam na si Greg at lumabas ng throne room. Iniwan doon ang hari.
Hindi sinagot ng hari ang isa sa mga tanong niya ngunit sa naramdaman nito kanina at expression ng hari— may idea na siya.
Malaki ang tiwala ng hari kay Gallema at dahil iyon sa babaeng iyon.
—
Nag-aalala si Gallema habang nakatingin sa apat na kapatid na nasa harapan niya. Iba-iba ang expression nito at alam niyang dahil iyon sa sinabi niya sa throne room.
"Kung nandito kayo para pilitin akong bawiin ang sinabi ko hindi iyon mangyayari. Seryoso ako sa sinabi ko— kung ang trono ang dahilan kung bakit kayo magpapatayan in future. Kukuhanin ko iyon."
"Kamatayan na ba ng hinahanap mo ngayon? Kung iyan ang gusto mo. Masaya akong ibibigay iyon sa iyo," ani ni Gaara matapos iangat ang isang kamay niya. May bolang apoy na lumabas sa mga palad nito at itim na kidlat.
"Hindi kayo maniniwala pero— 10 years from now— mamatay kayo. Iiwan niyo ako mag-isa," ani ni Gallema. Napatigil so Gaara matapos marinig iyon.
Biglang tumawa si Garan habang hawak ang tiyan at tinuturo siyan
"Nababaliw ka na ba? O may masama kang nakain ngayong umaga? Mamatay? Sino sa emperyo na ito ang makakatalo sa amin?"
"Ikaw pwede pa? Pero kami—"
Hindi naituloy ni Garan ang sasabihin matapos siya tingnan ni Gallema na may hindi maintindihan na expression.
"Kayo ni brother Gaara— ipagkakanulo niyo si dad sa imperial family ngunit mamatay din kayo in different reason. Papatayin nila si ama, si brother Gaiden at brother Gala. Iyon mangyayari in future please maniwlala kayo sa akin," ani ni Gallema. Kumunot ang noo ni Gaiden ngunit hindi ito umimik.
Wala sa mukha ni Gallema nag pagsisinungaling ngunit hindi makapaniwala si Gaiden dahil wala itong kapangyarihan. Paano nito nakita ang future?
Nang gabi na iyon wala sa apat na prinsipe ang nakatulog. Hindi sila takot sa kamatayan at kung may bagay 'man na gumugulo sa isip nila ay iyong reality na magagawa iyon ng imperial family sa kania.
"Walang sapat na dahilan si Gallema para magsinungaling at the first place ang nangyaring party sa imperial palace ay ang unang beses na nakita ni Gallema ang emperor."
Inisip ni Gaiden lahat ng effort na ginagawa ni Gallema. Sa sinabi ni Gallema alam na ni Gaiden ang dahilan kung bakit ganoon na lang ito kadesidido na mapalapit sa kanila.
Para iyon sa kaligtasan nila at sa buong angkan ng mga Hidalgo.