14

2085 Words
Chapter 14 3rd Person's POV "Hanggang kailan kayo doon?" nag-aalalang tanong ni Gallema sa apat na prinsipe. "Babalik kami sa loob ng tatlong buwan— mabilis lang kami hindi mo kailangan mag-aalala," ani ni Gaiden. Nalungkot si Gallema dahil doon. Wala iyon sa past. Bakit apat ang pinapunta ng hari sa digmaan. "Magagalit ako sa inyo kapag bumalik kayo ng kulang at mag sugat," ani ni Gallema. Napa-pokerface si Gaara matapos marinig iyon. "Narinig niyo sinabi ni Gallema. Huwag kayong pabigat," banat ni Gaara na kinatingin ni Garan. "Sa ating apat ikaw lang ang pabigat at selfish," sagot ni Garan. Napailing na lang si Greg matapos magtalo-talo anv tatlong prinsipe. "Hey tama na. Basta mangako kayo sa akin na babalik kayong apat agad. Stay safe," pagitna ni Gallema sa mga kapatid. Natawa si Gaiden at hinaplos ang buhok ng prinsesa. "Babalik kami agad," bulong ni Gaiden. Yumakap si Gallema sa apat na prinsipe habang nagdadasal na panatilihin ligtas ang mga kapatid. Lumambot ang expression ni Greg matapos marinig ang mga dasal ni Gallema habang nakayakap sa mga kapatid na lalaki. — Tatlong araw matapos makaalis ang prinsipe. Umalis din ang hari sa palasyo para sa isang pagpupulong. Nalulungkot ang prinsesa dahil doon. Hindi tumatama ang pagpapakawala ni Gallema ng palaso sa target board. Napansin ni Greg iyon kaya sandaling tinawag niya ang prinsesa. "Prinsesa— mukhang wala ka sa sarili. Ayos ka lang ba?" tanong ni Greg. Binaba ni Gallema ang pana at nilingon si Greg. "Pasensya na Sir Greg. Nalulungkot lang kasi ako— wala sina ama at ang mga prinsipe sa palasyo. Namimis ko na agad sila," sagot ni Gallema. Napangiti si Greg matapos marinig iyon. "Sabi ng mga prinsipe diba? Tatapusin nila ang digmaan sa loob lang ng tatlong buwan. Hindi mo kailangan mag-alala— ang hari babalik din iyon. Isang buwan lang naman iyon mananatili sa Sisurin Empire after 'non babalik siya agad," sagot ni Greg. Ngumiti si Gallema at tumango. "Tama ka— malakas sila. Dapat ngayon mag-focus ako sa training ko habang wala ang mga prinsipe. Gugulatin ko sila sa mga kaya kong gawin pagbalik nila," natutuwa na sambit ni Gallema. Sa mga lumipas na araw mas pinagbutihan ni Gallema ang pagte-training at pagkalap ng mga impormasyon. Kalahating araw sa training at kalahating araw sa pagbabasa sa library. Ganoon pinalipas ni Gallema ang mga araw niya habang wala ang mga prinsipe. Ngunit isang araw nakatanggap ng invitation si Gallema sa isang tea party na magaganap sa palasyo ng reyna. "Mahal na prinsesa. Hindi mo kailangan pumunta— ako na bahala—" Naputol ang sasabihin ni Greg matapos ipasok ni Gallema ang invitation sa sobre. "Reyna ang nag-imbita sa akin. Hindi maganda kung isasawalang bahala ko ito. Isa pa din akong prinsesa at may tungkulin din ako sa palasyo na ito," sagot ni Gallema. Hindi maiwasan ni Greg mabahala dahil kapag nasa tea party si Gallema. Hindi na niya ito mababantayan sa loob. Baka may hindi magandang gawin ang reyna sa prinsesa— babalatan siya ng buhay ng hari at pagpipira-pirasuhin siya ng apat na prinsipe kapag may hindi magandang nangyari sa prinsesa. "Jane, sa susunod na araw— ihanap mo ako ng kasuotan. A-attend ako sa tea party ng mahal na reyna," ani ni Gallema. Nagulat si Jane dahil doon. Nag-aalalang yumuko si Jane at sinabing masusunod agad ang utos ng prinsesa. Noong pastlife niya ilang beses siya pinahiya ang reyna sa tea party nito na ginaganap. Laging binubuksan ang topic tungkol sa ina niya na hamak na mananayaw. Nagwawala si Gallema after 'non at sinasabing wala siyang ina. Galit na galit siya sa idea na hinahamak siya ng reyna at ng mga maharlika dahil sa ina niya. Sinusumpa niya iyon— ngayon naisip iyon ni Gallema. Hindi niya maiwasan ma-curious kung ano bang klaseng babae ang ina niya at kinuha ito ng hari. "Sir Greg," ani ni Gallema. Yumuko si Greg. "Nakita mo na ang ina ko— ano ba siyang klaseng babae? Sa tingin mo bakit siya kinuha ng hari?" tanong ni Gallema. Napatigil si Greg matapos marinig iyon. Tiningnan ni Greg si Gallema na nakaupo sa pang-isahan na upuan at inosenteng nakatingin sa kaniya. "Isa siyang mabuti, inosente at karespe-respeto na konsorte mahal na prinsesa," ani ni Greg na may malambot na expression. Sa araw ng gaganapin na tea party ng reyna. Inayusan ng mga tagapaglingkod ang prinsesa ng halos kalahating araw. Hindi pa nagsisimula ang party pagod na pagod na ang prinsesa. "Sir Bernard! Sir Greg ano sa tingin niyo? Ang ganda ng prinsesa," ani ni Jane na napalakpak matapos tumabi at binigyan ng daan ang dalawang kawal. Napatigil sina Greg at Bernard matapos lumingon sa kanila ang prinsesa. Bumagay sa asul nitong buhok ang palamuti na perlas sa buhok nito. Ganoon din ang mga bilugin na hikaw na kasinh kulay ng mata ng prinsesa at ang kasuotan nito na maikukumpara ang kulay sa papasikat na araw. "Bagay ba sa akin Sir Bernard at Sir Greg?" tanong ni Gallema na may ngiti sa labi. Sa pagpupulong kung nasaan ang hari— sandaling napatigil ito matapos makita ang isang maliit na scenario na biglang pumasok sa isip niya. 'Mahal kong hari.' Napangiti si Greg matapos makita ang prinsesa at ang reality na habang lumalaki nag prinsesa mas lalo itong gumaganda at nagiging kamukha ng dating konsorte. "Siguradong ikaw na naman ang pinakamagandang babae sa gaganapin na tea party mamaya mahal na prinsesa," papuri ni Greg natawa ang prinsesa matapos marinig iyon. "Walang araw na hindi ka naging maganda prinsesa pero iba ang level ng ganda mo ngayon. Mukha kang diyosa," exagerated na sambit ni Bernard na pumapalakpak habang nakatulala sa prinsesa. Hindi naman mapagkakaila iyon ng mga tagapaglingkod dahil iba naman talaga ang level ng kagandahan meron ang prinsesa. Makalipas lang ang ilang minuto. Inaya na ng prinsesa ang mga tagapaglingkod at ang mga kawal niya sa palasyo ng reyna. Tinitigan lang ni Greg si Gallema na naglalakad at kasalukuhang tinatakpan ang liwanag na tumatama sa kaniyang mukha. Biglang pumasok sa isip niya ang dating konsorte. Flashback "Greg! Nakita mo ba ang mahal na hari? May mga bago akong naisulat na tula. Gusto ko mabasa niya ito kaagad," ani ng ikaapat na konsorte habang may hawak na papel. Ngumiti si Greg at pinagbuksan na lang ng pinto ang konsorte. Hindi niya na ito kailangan ianunsyo pa sa hari dahil sa bilin nito na kapag dumarating ang apat na konsorte papasukin na lang ito sa kaniyang opisina at kwarto. May mahaba at asul na buhok din ang konsorte at mga mata. Kahit ang reyna ay naiinggit sa taglay nitong ganda lalo na at mas pinapaburan ito ng hari kaysa sa iba pang konsorte. Nang araw na iyon hindi maganda ang mood ng hari at kasalukuyan nitong binubulyawan ang sekretarya. Binabato nito lahat ng dokumento sa sahig. Nag-aalab ang pula nitong mga mata at naglalabas ng madilim na aura— sa ganoon na scenario natagpuan ni Valeria ang ikaapat na konsorte ang hari. Nanatili lang naman nakatayo ang konsorte sa pintuan habang nakatingin sa hari. Napalingon ang hari at handa niya ng bulyawan ang biglang pumasok sa opisina niya nang mapatigil ito matapos makita ang konsorte. Nabitin ang sasabihin nito at pabagsak na umupo sa upuan nito. Nakahinga ng maluwang ang sekretarya at ilang tao na nasa loob matapos makita ang konsorte. "Mahal na hari? Ayos ka lang ba?" tanong ng konsorte at lumapit sa hari. Kung ibang konsorte iyon ay tumakbo na ang mga ito o hindi maglalakad ng loob magsalita. Nakatingin lang si Greg sa hari na binuka ang isang kamay at humudyat para lapitan ng konsorte. Agad na lumapit ang konsorte— binaba ang hawak nitong papel sa table at niyakap ang ulo ng hari. Sa paraan na iyon agad na kumalma ang hari— pinalabas lahat ng tao sa loob na agad nagpasalamat sa lahat ng santo dahil sa pagdating ng konsorte. "Hulog talaga ng langit ang konsorte. Akala ko mamatay na ako," ano ng isa sa mga tao na nasa loob lang kanina. Nanginginig pa din ang mga ito kahit mga nakalabas na sa opisina. "Mahal na hari huwag ka ng magalit. Tingnan mo may ginawa ulit akong tula para sa iyo," ani ng konsorte habang nakaupo sa mga hita ng hari at inabot ang papel. Yumuko si Greg matapos siya tingnan ng hari at umatras para lumabas ng silid. Ngunit bago magsara ang pinto— nakita niya na lumambot ang expression ng hari habang nakatingin sa hawak na papel. Ang konsorte ang naging pahinga ng hari. Sa tabi lang ng konsorte nagiging panatag ang hari at in some reason iyon din ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay ng dating konsorte na humantong sa kamatayan nito. End of the flashback Nakita na lang ni Greg na papasok na ang prinsesa sa green house kung saan gaganapin ang tea party. Iniyukom ni Greg ang kamao at mula sa mga palad— lumabas ang iba't ibang kulay ng paru-paro. Pumasok iyon sa greenhouse. Sabay na yumuko ang mga tagapaglingkod na silang mga maiwan sa labas ng greenhouse. Nagbulungan ang mga imbitado sa tea party matapos pumasok ang prinsesa. Nagbigay ito ng respeto sa reyna. "Maraming salamat sa pag-imbita sa akin mahal ma reyna," sincere na sambit ng prinsesa. Pinaghila siya ng upuan ni Jane— umupo ang prinsesa. "Buti naman ay nakarating ka mahal na prinsesa. Masyado akong nag-aalala na nalulungkot ka sa iyong palasyo dahil wala na ang apat na prinsipe," ani ng reyna. May nagsalin ng tea sa baso ng prinsesa. "Salamat sa concern niyo at na-appreciate ko iyon mahal na reyna," puno ng respeto na sambit ng prinsesa. Sumama ang mukha ng reyna dahil doon. Kailangan ng reyna ipakita kung gaano ka-impudent ang prinsesa sa kabila ng nakukuha nitong pabor ng hari. "Mahal na prinsesa— kung hindi mo mamasamain. May gusto lang akong itanong sa inyo," ani ng isa sa mga bisita ng reyna. Palihim na ngumisi ang reyna dahil doon. Puno ng class na hinawakan ng prinsesa ang tea at inangat ang tingin sa bisita. "Magsalita ka na lady of Barron Marchez," formal na sambit ng prinsesa. Nagulat ang lahat dahil kilala ito ng prinsesa sa gayong hindi naman sila nagpakilala dito. Tumikhim ang asawa ng baron at ngumiti. "Balita ko hindi ka dumaan sa kahit anong klase ng pag-aaral," ani ng barroness na parang may gustong iparating at kumpirmahin. Sumama ang mukha ni Jane matapos marinig iyon. "Totoo ang balita dahil isa iyon sa batas ng palasyo. Tanging ang mga prinsipe lang ang may karapatan na mag-aral," sagot ng prinsesa. Ngumisi ang reyna matapos marinig iyon. Nawala lang iyon matapos makita ang paghanga sa mukha ng mga bisita. Napakapino na kasi ng galaw nito ngayon hindi katulad 'nong una itong nag-attend sa party. "Ngunit hindi ibig sabihin 'non hindi ako natututo. Tinuruan ako ng mga prinsipe mag-basa at binigyan nila ako ng ilang advice tungkol sa etiquette. Hinahayaan din nila ako gumamit ng library kaya natututo ako kahit wala sa akin gumagabay na kahit sinong guro," dagdag ng prinsesa. Naiyukom ni Emerald Harlette ang kamao matapos marinig iyon. Pareho sila ng expression ng reyna kaya todo pigil sa pagtawa si Gallema matapos makita ang expression ng reyna at Emerald. Naging kahanga-hanga iyon para sa mga bisita ngunit hindi pwede makampante si Gallema. Kasisimula pa lang ng party at hindi titigil ang reyna hangga't hindi nito nagagawa ang palano niya na sirain si Gallema. "Kung hindi siguro nawala ang ikaapat na konsorte ng mas maaga. Siguradong may magtuturo sa iyo ng mga bagay na dapat 'mong malaman sa palasyo na ito," mababa ang boses na sambit ng reyna na para bang naawa pa ito sa prinsesa. Sincere na ngumiti si Gallema. "Ngunit mahal na reyna diba hamak na mananayaw lang ang konsorte?" ani ni Emerald. Napatakip ng bibig ang ilang bisita dahil doon. Hindi nagbago ang expression ng prinsesa. Nanatili itong kalmado. Nagpatuloy ang bulungan— napangisi ang reyna dahil sa pananahimik ng prinsesa. "Kung nasaan 'man siguro ang aking ina tahimik na siya. Proud din siya sa akin dahil nagagawa kong mag-adjust sa palasyo sa kabila ng pangmamaliit sa akin ng reyna at konsorte dahil isa lang hamak na konsorte ang aking ina," pambabaliktad ng prinsesa. Natawa si Greg sa labas ng greenhouse matapos makita sa peripheral vision niya ang expression ng reyna dahil sa ginawa ng prinsesa at sa nangyayari sa loob ng greenhouse. Nagtataka naman tumingin si Bernard kay Greg matapos makita na nagpipigil ng tawa si Greg habang nakatayo sa pintuan ng green house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD