13

2107 Words
Chapter 13 3rd Person's POV Wala sa emperyo ang makakatapat sa kapangyarihan ng mga Hidalgo kahit pa ang imperial family. Hindi na nakakapagtaka na naging usapan iyon sa imperyo lalo na at tatlo sa prinsipe ng imperial family ay interesado kay Gallema. "Mahal na hari— hindi ba kayo nababahala? Tapatan sinabi sa inyo ng emperor na gusto ng emperor na maging bahagi ng pamilya niya ang prinsesa," ani ni Greg. Tinigil ng hari ang pagmarka sa hawak nitong dokumento at tiningnan ang hari. "Anong ikababahala ko? Sinabi ko din sa emperor na ang prinsesa ang magpapasya sa kung sino ang taong papakasalan niya. Hindi niya magagawang hawakan si Gallema sa leeg sa gayong nasa pangangalaga ng apat na prinsipe ang prinsesa. Wala akong dapat ipag-alala," sagot ng hari bago pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Ngayong naisip iyon ni Greg. Nakalimutan niyang kasalukuyang pinipilit pa din ng emperor na makipagkasundo sa kanila ang apat na prinsipe para sa proteksyon. Hindi gagawa ng kung anong hakbang ang emperor na hindi magugustuhan ng apat na prinsipe hangga't hindi ang mga ito nakikipagkasundo sa kaniya lalo na kung tungkol iyon kay Gallema. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung anong paano sa paraan pinakikita ng apat na prinsipe ang affection nila kay Gallema. Minsan ang mga ito nagwasak ng isang teritoryo dahil lang sa may mga hindi magandang nasabi ang mga ito kay Gallema. Walang sinusunod ang apat na prinsipe. Hindi exempted doon ang hari. Matapos mag-report sa hari umalis na ng palasyo nito si Greg at tinungo ang palasyo ng prinsesa. Naiiwanan niya ito kapag nasa paligid ang mga prinsesa dahil sigurado naman siya walang maglalakas ng loob na saktan ang prinsesa kung nasa paligid ito ng apat na prinsipe. "Hanggang ngayon ba inaalam mo pa din ang tungkol sa dark forest?" tanong ni Gaara matapos makita ang mga hawak na libro ni Gallema. "May kaibigan lang akong gustong makita at nasa lugar na ito ang kaibigan na 'yon," sagot ni Gallema bago humilig sa librong nakapatong sa lamesa. "Halos nabasa ko na lahat ng libro sa library ngunit wala doon nakasaad about sa dark forest," nalulungkot na sambit ni Gallema. Hinawakan ni Gaiden ang baba niya. "Wala ka naman talaga mahahanap na libro tungkol sa dark forest lalo na kung hindi parte ng emperyo na ito ang lugar na iyon," sagot ni Gaiden. Tiningnan ni Gallema ang kapatid. "Ano bang meron sa labas ng emperyo brother Gaiden? Minsan kasi tinanong ko si ama about sa dark forest sinabi ni ama na huwag kong iisipin na pumunta doon dahil hindi siya papayag at masyadong delikado," tanong ni Gallema. "Wala akong idea pero sabi ng tutor ko. Malaking kaguluhan ang nangyayari sa labas ng emperyo— walang gustong lumabas sa bahaging iyon dahil sa kaguluhan na iyon at kung sakaling nage-exist nga nag dark forest na iyon maaring ginawa ng taguan iyon ng mga kalaban o bahagi na iyon ng isa sa mga emperyo sa labas ng emperyo na ito." Hindi alam ni Gallema kung anong mga pagbabago pa ang nangyari ng mga panahon na iyon since hindi nakikipagkasundo ang apat na kapatid sa imperial family. Ang ama niya ay nanatili sa palasyo at hindi pinadala si Gala ay Gaiden sa labas ng emperyo. — Sinuklay ni Gaiden ang buhok gamit ang daliri matapos tingnan ang mga kawal na nakalaban niya na halos mga hindi na nakatayo. Napa-pokerface si Gaiden sa idea na napakahina ng mga tao kapag walang kapangyarihan. Madali ang mga ito nasusugatan at namamatay kaya naiinis siya sa idea na iyon. "Gamutin niyo na ang mga sugat niyo," malamig na sambit ni Gaiden bago tumalikod at binato kung saan ang hawak nitong kahoy na espada. "Hindi ko pa din maintindihan ang hari kung bakit nanatili pa din dito ang mga prinsipe sa gayong nasa tamang edad na sila para lumabas ng emperyo at makipaglaban. Kung ganito kalakas ang mga prinsipe hindi tatagal ng ilang taon ang digmaan sa labas ng emperyo," bulong ng isa sa mga kawal na tinutulungan tumayo ng ilang tagapaglingkod. "Nararamdaman ko na nabo-bored ka na mahal ma prinsipe. Magandang idea na magliwaliw nga muna tayo sa labas ng emperyo," ani ng asul na kapangyarihan na kasalukuyang umiikot sa taas ng ulo ng prinsipe. "Hindi pa ito ang tamang panahon Argus para doon. Mas may malaki pa tayong paghahandang gagawin— mas magulo at alam kong hindi tayo mabo-bored," sagot ni Gaiden sa spirit. Pawisang naglalakad ang prinsipe patungo sa palasyo nito nang makasalubong niya ang anak ng duke kasunod ang mga kaibigan nito. Mukhang may naganap ma naman na tea party sa palasyo ng reyna kaya marami naman siyang maharlika na pagala-gala sa teritoryo nila. Yumuko ang mga ito at palihim na pinuri ang kagwapuhan ng prinsipe. Hindi sila tinapunan ng tingin ng prinsipe ng tingin na kina-pokerface ng anak ng duke. Huminto sila at tiningnan ni Emerald Harlett ang prinsipe kasunod ang mga tagapaglingkod nito at kawal. "Brother Gaiden!" Sumama ang mukha ng anak ng duke matapos makita si Gallema. Huminto si Gaiden matapos huminto sa harapan niya si Gallema at nagbigay respeto. Biglang nawala ang bigat ng presensya ng prinsipe matapos makita ang prinsesa "Saan ka pupunta ng ganitong oras?" tanong ni Gaiden sa kapatid. Nagbulungan ang mga kasama ng duke. "Totoo nga ang balita na pinapaburan ng apat na prinsipe ang prinsesa." "Pupunta ako ngayon sa palasyo ni Brother Gala. May ipapakita siya sa akin na mga bagong libro na binili niya sa labas. Gusto mo sumama brother Gaiden?" yaya ng prinsesa. Lumambot ang expression ni Gaiden. "Maghahanda muna siguro ako. Kagagaling ko lang sa training. Susunod na lang ako,' ani ni Gaiden. Hinawakan ni Gallema ang baba niya at parang nag-iisip. "Sabay na tayo! Hihintayin na lang kita sa palasyo mo— gusto ko din makita sina Kate hihi namis ko ang mga cake nila," ani ni Gallema na bigla na lang niyakap ang braso ng prinsipe. Napatingin si Gallema sa likuran ng prinsipe. May nakita siyang pamilyar na mga babae. Nagbigay respeto ang kasama ni Emerald Harlett. Nagdilim ang mukha ni Gaiden dahil doon ngunit hindi iyon nakita ni Gallema. "Nakalimutan yata ni Lady ng Hertlett household ang posisyon nila sa emperyo na ito," makahulugan at malamig na sambit ni Gaiden. Tila naman nataranta si Emerald at biglang yumuko. Bumati ito sa prinsesa na may pagtatakha sa mukha. Binitawan ni Gallema ang braso ng kapatid at ngumiti. Bumati ito sa mga babae. Nanatiling nakayuko si Emerald dahil sa panlalamig na nararamdaman niya matapos makasalubong ang mata ni Gaiden. "Aalis na kami. Mag-iingat kayo," formal na sambit ng prinsesa at inaya na si Gaiden paalis doon. Nanginginig ang mga babae dahil sa expression ni Gaiden matapos hindi magbigay ng respeto si Emerald. Bumalik muli sa dati ang aura at expression ni Gaiden matapos siya tiningnan ni Gallema at sinabing makikipagkwentuhan muna siya sa mga tagapaglingkod sa palasyo ni Gaiden habang wala ang prinsipe. Kalaunan sa malayong bahagi ng emperyo. Nakaupo sa trono ang isang napakagwapong emperor. May mahabang itim na buhok— kulay pulang mga mata at may sobrang nakakatakot na aura. Nanginginig ang mga tagapaglingkod nito habang mga nakayuko. Palihim ang mga itong nagdadasal na may dumating ng magandang balita tungkol sa babaeng ilang taon ng hinahanap ng emperor. Maya-maya lang bumukas ang pintuan pumasok ang mga kawal kasunod ang mga babaeng kasalukuyang mga nag-iiyakan dahil sa takot. Ang mga edad nito ay nasa kinse anyos pataas. "Mahal na emperor. Ito ang mga babaeng nanggaling sa emperyo ng Shing," ani ng isa sa mga kawal bago yumuko. Nagdilim ang mukha ng emperor matapos makitang wala pa din doon ang babae. Napapikit ang mga tagapaglingkod matapos yumanig nag buong palasyo. "Bakit hindi niyo pa din siya nakikita!" Umalingaw-ngaw sa apat na sulok ng bulwagan ang boses ng emperor. Nauubos na ang pasensya niya. Ilang taon na niya hinahanap ang babae at hindi niya ito makita kahit saang parte ng mundo. Napahawak sa ulo ang emperor matapos kumirot na naman iyon. Pinakalma siya ng isa sa mga tapat na tauhan ng emperor at sinabing alisin na ang mga babae. "Sino ba ang hinahanap na babae ng emperor? Kailangan niya pa ba dumating sa puntong sakupin niya ang buong mundo para mahanap ang babaeng iyon?" "Shh! Huwag kang maingay," saway ng isa sa mga tagapaglingkod na nasa loob ng bulwagan. Halos lahat sila ay nagtataka kung bakit gusto ng emperor mahanap ang babae sa panaginip nito. Tipong sinasakop nito ang mga emperyo at kinukuha ang mga babaeng nandoon para mahanap ang babae. "Kung ayaw niyo ng g**o— ibigay niyo lahat sa amin ang mga babae sa emperyo na ito," malamig na sambit ng mga kawal na may itim na armor at may pulang bandila. Nakaukit sa bandila na iyon ang itim na dragon. Iilan lang ang mga ito ngunit nagawa nitong pumagitna sa nangyayaring digmaan sa boundary ng Lemor empire at ng Saiseven empire. Umatake ang mga ito at lahat ng mga nasa boundary ng Joshen empire ay pinatay ng mga ito. Hindi makapaniwala ang mga kawal sa trangkahan. — "Pulang bandila na may nakaguhit na dragon?" ulit ng hari matapos siya makatanggap ng ulat tungkol sa digmaan galing sa hari. "Sa loob ng apat na araw kalahati sa hukbo ng Saiseven empire ang napabagsak nila. Ayon din sa ilang kawal na nasa trangkahan— sila din ang umubos sa milyo-milyong kawal na nanggaling sa emperyo ng Lemor. Anong gagawin natin mahal na hari? Naglapag ng panibagong utos ang emperor at gusto niya na ang palasyo ang humawak ng g**o na ito," ani ng isa sa mga maestro na nasa bulwagan. "Then totoo ang balita na kumakalat tungkol sa emperyo ng Ethereal at ang emperyo naman ng Saiseven ang tina-target nila ngayon," bored na sambit ng hari. Ayon sa nakalap na impormasyon ng hari. Sa loob ng labing limang taon dalawangpung emperyo na ang sinakop ng Ethereal— hindi na nakakapagtaka na naalarma ang empero matapos makita ang bandila. "Ipatawag niyo si Greg at ang apat na prinsipe," utos ng hari. Agad na yumuko ang mga tagapaglingkod. Makalipas lang ang ilang minuto dumating na si Greg. Agad ito lumuhod sa harap ng hari bilang tanda ng pag-tanggap nito sa kahit na anong utos. "Anong maipaglilingkod ko mahal na hari?" "Nasa boundary na ang Ethereal, Greg at may bago akong mission na ibibigay sa iyo," ani ng hari. Napatingin si Greg matapos marinig iyon. Expected na nila ang pagdating ng Ethereal dahil sa mga kumakalat na balita tungkol sa ginagawa ng mga ito na pananakop ngunit hindi nila akalain na mas maaga iyon sa inaasahan. Kinausap ng hari si Greg tungkol sa bago nitong mission at maya-maya lang dumating na ang apat na prinsipe na kasalukuyang gusot ang mga mukha. Hindi talaga nila gusto na nakikita ang ama nila o pinatatawag sila nito. Hangga't maari gusto nila putulin ang ugnayan dito kasama ang mga konsorte. Sandali naman natigilan ang mga konsorte sa bulwagan matapos makita ang apat na prinsipe. "Kayong apat gusto ko pumunta kayo ngayon sa boundary at gawing training ang mga laban na nangyayari doon," ani ng hari na kinatingin ni Greg. Sumama ang mukha ni Gaiden. "Huwag niyo kaming gawing walang utak mahal na hari. Kung isa na naman ito sa mga pakulo niyo ng emperor itigil niyo na. Wala akong balak maghimasok sa mga bagay na related sa imperial family," sagot ni Gaiden. Nagbulungan ang mga tao na nandoon dahil sa sinabi ng prinsipe. "Mas matutuwa ako ama kung sasabihin 'mong ubusin namin lahat ng nandito at hahayaan mong gawin ko lahat sila na abo," malamig na sambit ni Gaara. Marami sa mga tao doon ang naalarma. Napahilot ang hari sa sentido matapos marinig iyon. Habang papalaki ang mga anak ay mas nahihirapan siyang kontrolin ang mga ito. "Sa ayaw at gusto niyo pupunta kayo sa boundary. Balak ng ethereal kuhanin lahat ng babae sa emperyo na ito at gawing mga alipin sa emperyo nila," malamig na sambit ng hari. Tinaasan siya ng kilay ni Gala. "Para naman may pakialam kami mahal na hari," sagot ni Gala. Nagdilim ang mukha ng hari matapos marinig iyon. Umismid sina Garan at Gala dahil doon. "Sinasabi niyo bang wala kayong pakialam kahit sakupin ng Ethereal ang emperyo at kuhanin lahat ng babae kasama ang prinsesa?" ani ng hari. Napatingin sa kaniya ang apat na prinsipe matapos marinig iyon. "Kailan kami pupunta doon mahal na hari?" tanong ni Gaiden matapos iangat ang isa niyang kamay. Lumabas doon ang kulay asul na kapangyarihan at humampas ang malakas na hangin. Hindi makapaniwala si Greg na ginamit ng hari ang prinsesa para mapasunod ang apat na prinsipe at madala ang mga ito sa gitna ng digmaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD