IT WAS AROUND ELEVEN WHEN WE FINALLY ARRIVED IN PANGASINAN. Nang bumaba kami sa sasakyan ay sinalubong kami ng apat na tao. Dalawang matanda at dalawang guwapong lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang o baka mas matanda ng kaunti sa akin. “Kuya Leon!” halos sabay at excited pa na saad nung dalawang lalaki at sabay rin nilang dinamba ng yakap si Leon, marahan namang natawa si Leon dahil doon. “Mario, Luigi, baka masaktan ang Kuya niyo!” pagbabawal naman nung matandang babae, sa tingin ko ay siya ang tinatawag nilang Nanang. “Astrid,” nakangiting bati naman sa akin nung isang lalaki, pilit akong ngumiti at marahang tumango. “Kumusta kayo?” nakangiting tanong ko. “Mabuti naman,” sagot nung isa pa. “Naku, naghanda ako ng tanghalian para sa ating lahat. Mabuti pa at kumain na muna