HINDI AKO MAKAPANIWALA SA SINABI NI MANG FRED. Bakit at paano ako nagawang iwan ni Leon dito? Ginawa ba niya ito para gumanti sa akin? Nanghihina ang mga tuhod ko habang naglalakad kami ni Mang Fred papunta sa terrace ng villa na tinutuluyan niya. Umupo ako sa isang silya tapos siya naman ay pumasok sa loob, pagkalabas niya ay may dala siyang jacket. “Isuot mo muna ito, hija, para hindi ka lamigin. Pasensiya ka na, wala kasing damit pambabae rito,” pilit naman akong ngumiti at marahang tumango. “P-puwede po ba akong makigamit ng telepono, Mang Fred?” nanghihinang tanong ko. Kailangan kong tumawag kina Tatay para masundo ako. Wala ang cellphone ko sa akin, kahit ang bag ko ay nasa sasakyan ni Leon. Marahan namang tumango si Mang Fred bago inabot sa akin ang cellphone niya. “Pahirapan n