HINAWAKAN NI LEON ANG KALIWANG KAMAY KO KAYA NAPANGITI AKO. Nang lingunin ko siya ay nakangiti rin siyang nakatingin sa akin bago bumaling kina Nanay at Tatay. It was around eight in the morning when he arrived to fetch me. “Ihahatid ko rin po siya mamayang gabi, Tito, Tita,” ang saad niya, marahan namang tumango si Tatay. “Mag-iingat kayo,” marahan ang boses na sagot ni Nanay. “Iyong lambanog dala niyo na ba? Ipasubok mo rin sa pamilya mo baka magustuhan nila,” pagpapaalala ni Tatay, ngumiti naman si Leon at marahang tumango. “Opo, Tito,” magalang na sagot ni Leon. Palihim naman akong napangiwi dahil doon. Mayaman ang pamilya ni Leon, at hindi ko sinasabi na maarte sila kasi alam ko naman na hindi. But I also know for a fact that they got used to drinking expensive liquors. Kaya hind